TOP MENU
Slide CCTxABM
CCTxABM
Slide DIGARxCUART
DGARxCUART
Slide STEMxRESCAFE
STEMxRESCAFE
Slide TOURxITMAWD
HUMMSxGA
Slide TOURxITMAWD
TOURxITMAWD
AB PSYC
BSISxCPE
COExBMMA
CPExBMMA
BSCS
TRMxIT
BMMA
CSxAIS
previous arrow
next arrow

“Magic Shop:The Power of Money”

Written by: Jean Michelle T. Manzo, BSIT, STI College Muñoz-EDSA

PROLOGUE

Suot-suot ko yung airpods ko habang nagte-threadmill ako.

Araw-araw, kailangan ko ng proper exercise at healthy lifestyle para hindi ako agad magkasakit, dahil kailangan pa ‘ko ng mga anak ko.

“Daddy?! Come on! You have to see this!”, pagtawag sa’kin ng bunso kong babae.

“Why, Jennie? Anong meron? Bakit natataranta ka?”, kalmado kong tanong bago ko ihinto yung pagte-threadmill ko.

“Nasa TV po si Mommy! Rescuing many patients na may virus!”, takot na takot niyang kwento sa’kin kaya napatakbo na rin ako sala namin para panoorin yung sinasabi niya.

Totoo nga yung sinasabi ng anak ko.

May breaking news sa Hospital kung saan siya nagtatrabaho.

Pinapakita sa balita kung paano nila inaasikaso yung mga pasyente na nagwawala.

“Isang bagong sakit o virus nga ang nadiskubre ng mga scientist dito sa ating bansa na tinatawag na ‘Kyoyawa Virus’ noong nakaraang tatlong linggo mula sa dalawang Pilipino na galing sa isang hindi kilalang isla sa Japan. Kumalat ang balitang ito sa Facebook mula sa isang anonymous account at ngayon ay nagdudulot na ng panic sa mga tao. Nakitaan sila ng sintomas ng malalang pananakit ng ulo, pamumula ng mga mata, pagdurugo ng ilong at bibig. Pumanaw ang dalawang pasyente limang araw matapos silang i-confine sa isang private building facilities upang hindi makahawa. Ngunit sa mga oras na ito, nakitaan ang lagpas singkwentang mga pasyente dito mismo sa Angel Mercy Hospital kung saan napapabalita na nanggaling ang dalawang unang infected ng kaparehas na sintomas gaya ng sa kanila na nasawi dahil sa ‘Kyoyawa Virus’. Bakit walang ini-ulat sa atin ang Health Department tungkol rito? Wala pang pahayag mula kay Mr. Lacuna sa balitang kumalat at ngayon ay hinihingi na lamang natin ang kaniyang tugon tungkol sa mga tanong ng taong bayan. Nagbabalita, Nizi Lee.”, balita ng reporter habang may nagwawalang pasyente sa likod niya na inaasikaso ng asawa ko.

Sandali? Paano nila nalaman yung tungkol sa virus?

Sinong nagsabi sa kanila?

“What is happening to them, Daddy? Mahahawahan po ba si Mommy ng virus?”, nag-aalalang tanong ng anak ko sa’kin.

“No, baby. Wala pa namang proof na nakakahawa yung sakit nila. Let’s see kapag nagmeeting kami about that.”, pagpapakalma ko sa anak ko.

“Daddy? I’m scared. Paano po kung may mangyaring masama kay Mommy because of that virus? We can’t lose Mommy, Daddy.”, nagsimulang umiyak yung anak ko.

Naisipan kong tawagan yung panganay kong anak na babae.

Nasa school kasi siya ngayon.

“Jillian? Please, pick up the phone?”, naka-ilang missed call na pero di pa niya sinasagot.

“Bakit hindi po sinasagot ni ate Jill?”, tanong ni Jennie sa’kin.

“Baka busy siya? Maybe, may ginagawa silang activity sa school? Mamaya na lang natin siya tawagan.”, tinapik ko yung ulo ng anak ko tsaka ko siya nginitian.

Nakatanggap ako ng messages tsaka notification galing sa department namin.

Gusto nilang magkaroon kami ng urgent meeting kasama yung mga Doctor sa iba’t-ibang mga universities.

“Jennie? May urgent meeting lang si Daddy. Magbehave ka lang kay Yaya, ha? Be a good girl. Wag mong aawayin sina Yaya, ok? Kapag nagsumbong sila ulit sa’kin na makulit ka, mapapagalitan ka na naman. Understood?”, maayos kong pakiusap kay Jennie.

“Yes po, Daddy. Promise.”, nakangiti niyang sagot.

Tinawag ko yung mga Yaya namin para ipaalaga muna si Jennie habang wala ako.

Inutusan ko yung driver ko na ihatid ako sa meeting namin pagkatapos kong maligo at magbihis.

Hindi naman ako pinagpawisan sa threadmill dahil kakaumpisa ko lang nung tinawag ako ni Jennie.

Nung nasa EDSA na kami sa Muñoz, bigla na lang bumigat yung daloy ng traffic.

Sumilip ako sa labas, pero wala namang sasakyan na nakaharang sa harap ng van na nasa pinakaharap.

Binubusinahan na ng mga sasakyang nasa harap at tabi ko yung van sa harap.

“What’s going on?”, tanong ko sa driver ko.

“May nagkukumpulan po sa harap, sir. Parang may nagwawala?”, sagot niya sa’kin.

“Mag-iba tayo ng daan, please? Kailangan kong makapunta ng maaga sa meeting.”, pakiusap ko ng maayos.

“Sige po, sir.”, ginawan ng paraan ng driver ko yung problema kaya nakaalis kami sa linya ng traffic.

Nung nakadaan sa ibang way yung sasakyan, may muntik namang mabangga yung driver ko kaya napapreno siya.

“Tulungan niyo! Dalhin niyo na sa Hospital, bilis!”, naririnig naming sigawan ng mga tao.

Pababa na sana ng sasakyan yung driver ko pero pinigilan ko.

“Wag kang bababa. Tumawag ka lang ng ambulance para sa kaniya. Hindi mo siya pwedeng malapitan.”, paalala ko sa driver ko.

Naalala ko kasi bigla yung napanood ko sa breaking news kanina.

Baka may Kyoyawa Virus din yung lalaking muntik na niyang mabangga?

“Wag niyo po muna siyang lalapitan. Hayaan niyo na po yung ambulansiya na tulungan siya. Masyado pong delikado.”, utos ko sa mga tao na gusto siyang tulungan.

Dibale ng ma-late ako, basta matulungan ko lang sila.

“Mr. Lacuna? Kayo po pala ‘yan? Ano na pong nangyayari? Bakit sila nagkakaganiyan?”, mangiyak-ngiyak na yung babae habang tinatanong ako.

“Malalaman din natin kung anong nangyayari. Pero ngayon, wag niyo siyang lalapitan.”, hindi ako pwedeng mataranta kaya pinipilit kong kumalma.

Ano ng nangyayari sa paligid?

Bakit ang dami na nilang nagkakaganiyan?

Hindi pwedeng mangyari ‘to.

Kailangan masugpo agad yung virus na ‘to, kung hindi.. maraming mamamatay.

Maraming maaapektuhan.

“Sir? Tumatawag na po yung Executive Director!”, natatarantang inabot ng driver ko yung phone ko.

Pinagamit ko kasi sa kaniya para tumawag ng ambulansya.

Sinagot ko agad yung tawag ng ED.

“Mr. Lacuna? Wag ka na munang tumuloy! May emergency kasi dito ngayon! May apat tayong empleyado na nagwawala dahil sa sobrang sakit ng ulo tapos dumudugo yung mga ilong nila tsaka bibig! Ipapa-disinfect muna namin yung area dito para safe tayong makapag-meeting! Mamaya ka na pumunta!”, natatarantang balita sa’kin.

“Sige. Hindi na muna ‘ko didiretso diyan.”, sagot ko bago ko ibaba yung tawag.

“Saan po tayo pupunta ngayon, sir?”, tanong ng driver ko.

“Sa asawa ko. Kay Claire. Puntahan natin siya. Gusto ko siyang kumustahin kung okay lang ba siya?”, nag-alala ako lalo sa asawa ko.

“S-sigurado po kayo, sir? Hindi po ba.. mas delikado sa Hospital ngayon?”, kabadong sagot niya sa’kin.

“Safe lang tayo, don’t worry. Halika na.”, pangungumbinse ko.

Sinunod niya ‘ko tsaka kami dumiretso sa Hospital kung na saan yung asawa ko.

Kinilabutan ako sa sumunod kong nakita.

Nung nakalayo na kami, nadatnan namin yung maraming tao na nagsisigawan habang nakahiga sa kalsada.

Napapasigaw sila sa sakit na nararamdaman nila.

Ang dami na ring dugo yung kumalat sa kalsada galing sa mga ilong at bibig nila.

Natatakot na ‘ko sa pwedeng mangyari kapag tumagal pa ‘to na walang lunas na mahanap.

CHAPTER 1
Claire’s POV:

Nagbabasa ako ng mga condition ng mga pasyente ko na naka-confine dito sa loob ng department namin sa Hospital.

Neurosurgeon ako sa Hospital na ‘to para sa mga bata at matatanda.

“Good morning, Dr. Lacuna. May magpapa-set po ng appointment sa inyo.”, paalam ng secretary ko sa’kin pagkatok niya ng pinto.

“Nandiyan ba siya or online siyang nagpa-set ng appointment?”, paglilinaw ko.

“Nandito po siya. Actually po, bata yung pasyente niyo.”, dagdag niya.

“Sige. Papunta na ‘ko sa opisina ko. Papuntahin mo na sila ‘don.”, mahinahon kong utos.

Pinapasok na niya yung pasyente pati mga magulang niya sa office ko nung nakarating na ‘ko.

“Good morning po, Doctora. Magpapaset po sana kami ng appointment sa inyo para po sa operation ng anak ko. Nilipat po kasi namin siya dito sa Hospital na ‘to kasi mas mura.”, bungad sa’kin ng tatay ng bata.

“Sige po. Upo po muna kayo.”, polite ko silang pina-upo para makapag-usap kami, “Kailan po siya huling na-check up or napatignan sa unang Hospital po na pinuntahan niyo?”, tanong ko sa mga magulang ng pasyente.

“Nung Friday po, Doc.”, nilista ko agad yung mga information ng pasyente, pati pangalan.

Tinignan ko kung may bakante akong appointment at meron naman.

“Tuesday yung magiging schedule niya sa’kin. Iche-check ko po muna yung condition ng patient if she’s physically healthy and wala siyang ibang complication bago isagawa yung magiging surgery, and she will undergo an X-ray para sa utak niya para makita yung mga parts na dapat ma-operahan. Tapos by Saturday, isasagawa na po yung operation. Pag-aaralan ko rin po yung gagawing operation sa kaniya. Balik po kayo dito sa Tuesday, Ma’am, Sir.”, explanation ko sa kaniya.

“Salamat po, Doc. Kailangan na po ba namin ng installment ngayon? Magkano po, Doc?”, tanong ng nanay ng pasyente.

Ayoko muna sana silang singilin ngayon kasi wala pa naman yung schedule niya, pero protocol kasi ng Hospital na mag-installment na kapag may nagpapa-set ng appointment.

Para kasi sa’kin, mas mahalaga muna na masiguro na magiging okay yung lagay ng pasyente bago unahin yung pera.

Pinaliwanag ko sa kanila kung magkano at paano yung installment, kung paano sila magbabayad sa cashier.

Nung naka-alis na sila, bumalik na ‘ko sa department namin para pag-aralan yung case ng pasyente ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ng mga condition ng mga pasyente ko, biglang nagring yung phone ko.

“Claire? May tumatawag ata sayo? Sagutin mo muna. Baka importante ‘yan?”, pagtawag sa’kin ng kaibigan kong si Leila – kaibigan kong Doctor na kasama ko sa department.

Nakita ko yung pangalan ni Jillian sa screen.

Tumatawag sa’kin yung anak ko.

“Hello? Anak? Bakit ka napatawag?”, bungad ko.

“Mom? Next week na po yung NMAT namin. Kinakabahan ako.”, paglalambing niya sa’kin.

“Alam ko yang pinagdadaanan mo. Nakakarelate ako sayo, anak. Pero alam kong kayang-kaya mo ‘yan. Manang-mana ka kay Mommy, diba? Ikaw yung susunod sa yapak ko. Kung ano man yung maging result ng NMAT mo, nandito lang kami ng Daddy mo. Susuportahan ka namin hanggang dulo.”, pagtataas ko ng kumpyansa niya sa sarili.

“Thank you, Mom. Promise po, makakapag-med school po ako. Kakayanin ko po para sa inyo ni Daddy. Hindi po ako magiging disappointment.”, palagi niyang pangako sa’min ng Daddy niya ‘to.

Nagulat nga ‘ko sa binanggit niya nung nakaraan.

Ayaw niya daw maging disappointment at bumaba yung expectation sa kaniya, kasi baka itakwil namin siya at mag-iba yung tingin tsaka trato namin sa kaniya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga salita niyang ‘yon, pero pinaunawa ko sa kaniya na kahit kailan, hindi siya magiging disappointment at wala kaming mataas na expectation sa kaniya.

Kung ano lang yung kaya niyang gawin ng bukal sa puso niya, kung anong gusto niya at basta nage-enjoy siya na hindi napipilitan, masaya na kami ‘don para sa kaniya.

“Sige na, Jillian. Babalik na si Mommy sa trabaho. Mag-iingat ka diyan, ha? Kaya mo ‘yan. I love you, anak.”, paalam ko sa kaniya.

“Bye, Mom! I love you too! Take care!”, siya na yung nagbaba.

Binalik ko na yung phone ko sa bulsa ng coat ko.

“Swerte ng mga anak mo sayo, no? Ang bait mong magulang sa kanila. Di mo sila pinupwersa sa lahat ng mga ginagawa nila. Talagang full support ka lang kahit anong mangyari.”, kwento sa’kin ni Leila.

“Ganun naman talaga dapat. Hindi mo dapat pinupwersa yung mga anak mo na ma-meet nila yung expectation mo para sa kanila. Hindi ka rin dapat nagse-set ng napakataas na expectation, kasi mape-pressure sila tsaka mas mahihirapan sila kapag ganon yung mindset mo. Kaya kung saan magiging masaya at alam mong magiging successful yung anak mo, magiging daan yon para mag-accelerate sila sa mga skills na meron talaga sila. Para sa’kin, mas magiging successful sila sa buhay na tatahakin nila kapag ganon? Kapag gusto talaga nila yung ginagawa nila. Mas gaganahan silang matuto tsaka mas tatatak sa kanila yung learnings.”, explanation ko.

“Lodi na talaga kita. Sana, kapag lumaki-laki na rin yung anak ko, ma-apply ko yung mga sinasabi mo. Nakikita ko kasi na may mararating yan anak mo dahil sa paraan kung paano mo siya pinalaki.”, kwento niya sa’kin.

Bata pa kasi yung anak niya.

Kasing edad ng bunso ko na 10 years old.

12 years yung agwat ni Jillian at Jennie.

“Depende naman sayo kung ia-apply mo pati sa anak mo. Sa’kin kasi, effective. Iba-iba rin kasi tayo ng pamamaraan ng pagpapalaki. Mabait tsaka matalinong bata rin naman yung anak mo. Sigurado akong napapalaki mo rin siya ng tama.”, nakasama ko na kasi yung anak niya, kasama si Jennie.

Nag-dinner kami ni Jillian kasama ng iba naming ka-team dito sa department.

Dala-dala namin ni Leila yung mga anak namin, kaya nakita ko rin kung gaano kabait yung anak niya.

Magkasundo sila ni Jennie ko.

“Doc. Lacuna?! Doc. Campos?! May emergency! May dalawang patient po na sinugod! Nagwawala na po dahil sa sakit ng ulo tapos dumudugo yung mga ilong nila tsaka bibig. Yung mga mata po, nakakatakot kasi namumula na!”, natatarantang pagtawag sa’min ng iba naming kasamahan sa department.

Sa amin mapupunta ‘to kasi kami yung mga Doctor pagdating sa utak.

Nagmamadali kaming tumakbo ni Leila palabas ng department para puntahan yung mga nasabing pasyente.

Nagsuot kami ng mga mask tsaka gloves and face shields para protection sa kahit na anong droplets.

Kailangan naming mag-ingat sa mga sakit na hindi kami familiar, kaya nagsusuot kami ng ganito kapag may mga pasyenteng dinadala dito ng hindi kami familiar sa mga symptoms ng mga sakit nila.

“Dalhin na agad sila sa ER!”, utos ko.

Nagmamadali na kaming dalhin sila sa ER kasi malala na yung kalagayan nila.

Anong klaseng symptoms ‘yon?

Bakit ganun kalala?

Wala pa kaming nae-encounter na ‘ganon.

Pagdating namin sa ER, inasikaso na namin yung dalawang pasyente.

Dinala namin sila sa mga bakanteng kama na malayo sa ibang mga pasyente para safe sila.

Habang inaasikaso ni Luke yung isang pasyente, bigla siyang nasukahan ng dugo sa gloves niya.

“Magpalit ka agad ng gloves. Bilisan mo! Itapon mo na agad ‘yan!”, utos ni Leila sa kaniya.

Tinapon ni Luke yung gloves niya sa basurahan tsaka nagmadaling palitan.

Ginagamot muna namin yung sakit ng ulo ng mga pasyente dahil nakikita namin na hirap na hirap sila at namimilipit dahil sa sakit ng mga ulo nila.

Sunod naming inasikaso yung pagdurugo ng mga ilong at bibig nila.

“Kailangan nating sundin yung protocol ng Hospital. Kailangan natin silang dalhin sa private building para malaman natin kung anong sakit yung meron sila. Ngayon ko lang na-encounter ‘tong ganito.”, announcement ko sa kanila.

“Tama. Hindi natin sila dapat ihalo dito. Mamaya kapag humupa na yung sakit ng mga ulo nila tsaka natin sila dadalhin ‘don.”, dagdag ni Leila.

Ginawa na namin yung paraan para kahit paano, mabawasan yung mga sakit na nararamdaman nila.

•~•

Nadala na yung dalawang pasyente sa private building.

Doon sila naka-confine, para mapag-aralan din kung ano yung mga sakit na meron sila.

“Ano kayang nangyari sa kanila? Bakit para silang nababaliw kanina sa sobrang sakit ng mga ulo nila? Kulang na lang, lagyan ng mga posas yung mga kamay, tapos yung isa gusto pang mangagat.”, kwento ni Leila sa’kin.

“Yung pamumula ng mga mata nila, possibly dahil ‘yon sa mga ugat sa utak na connected sa mga mata ng mga pasyente. Dahil sa sobrang sakit ng mga ulo nila, may possibility na nagse-swell yung mga optic nerves due to raised intracranial pressure, which leads to a severe headache or nausea.”, paliwanag ko sa kaniya habang sinisilip yung mga pasyente mula sa labas.

“Kaya din dumudugo yung mga ilong nila, maybe because of the blood pressure or this can also be a sign of blood clotting or nasal tumor?”, tanong niya rin sa’kin.

“Pero bakit pati mga bibig nila, dumudugo? Nagsusuka na sila ng dugo. Hindi na tama ‘to. Kailangan na talagang malaman kung anong nangyayari sa kanila. Hihintayin pa natin yung gagawing test sa kanila ng mga ‘Emergency Medicine Specialist’ tsaka ‘Hematologist’ para malaman natin yung buong information tungkol sa sakit ng mga pasyente na ‘to.”, kinakabahan ako para sa mga pasyente lalo na sa mga kapwa ko Doctor na nahaharap sa mga ganitong klase ng pangyayari.

“Dr. Lacuna? Bukas daw, darating na yung mga Doctor galing sa mga universities na titingin sa mga pasyente, para mapag-aralan kung anong nangyayari sa kanila and kung bakit ganiyan na lang yung effect ng headache na nagiging dahilan na ng severe bleeding galing sa mga ilong at bibig nila.”, kwento sa’kin ni Luke.

“Kumusta nga pala yung kamay mo na natalsikan ng dugo? Nagsanitize ka ba agad?”, pangungumusta ko sa kaniya habang tinititigan ko yung mga kamay niya.

“Opo. Na-sanitize na po yung mga kamay ko.”, polite niyang sagot.

“May meeting daw tayo kasama yung Director.”, bulong kay Leila nung isang kasama namin sa department.

“Sige.”, sagot ni Leila, “Claire? Pinapatawag tayo ng Medical Director for a meeting. Tungkol naman kaya saan?”, pagtawag sa’kin ni Leila habang pinapanood ko yung ginagawa nila sa dalawang pasyente.

“Di ko rin alam? Pumunta na lang tayo ‘don, para malaman natin kung bakit.”, niyaya ko na silang pumunta sa conference room.

Habang naglalakad kami papunta sa conference room, napapansin kong panay punas ng pawis sa noo si Luke kahit malamig naman dito sa loob ng Hospital.

Nagbubutil-butil yung mga pawis niya.

“Luke? Okay ka lang?”, tanong ni Leila sa kaniya.

“O-opo. Ok lang ako. Parang ang init lang kasi?”, parehas kaming nagkatinginan ni Leila dahil sa sinabi ni Luke.

“Ang lamig kaya. Sure ka bang ok ka lang? Baka napapano ka na, ha? Magpahinga ka kaya muna? Balik ka muna sa department natin? Magpacheck ka ng vitals mo ‘don kung ok ka lang talaga?”, concern na katwiran ni Leila sa kaniya.

“Kami na lang yung magsasabi kay Director tungkol sa condition mo.”, kahit ako nag-aalala sa kaniya.

Sinunod niya naman yung sinabi namin sa kaniya.

Pagdating namin sa Conference Room, ang dami na nila.

Hindi lang department namin yung nandito sa loob, pati mga nasa department ng Cardiology, Orthopedics, Ophthamology, at marami pa.

“Dr. Lacuna? Na saan yung intern niyo? Si Dr. Esporsado?”, hinahanap ng Director si Luke.

“Masama po yung pakiramdam. Nagpahinga lang po siya sandali, Director.”, polite na sagot ko.

Yung meeting namin ay tungkol sa daily profit ng Hospital.

“Pababa ng pababa yung daily profit natin dito sa Hospital. Humihina na yung kita dahil nga sa mas mura dito compare sa iba. Maraming mga pasyente yung tumatakbo dito pero, sad to say.. mahina pa rin yung kita natin. Unlike sa ibang mga Hospital na 30,000 and up na mas mataas yung rates kesa dito. Malulugi yung Hospital na ‘to kapag nagstick tayo sa kung magkano lang yung rates natin ngayon. Kailangan nating magincrease ng rates to save this Hospital.”, paliwanag sa’min ni Director.

“Pero, Director? Diba, yung mission naman po talaga ng Hospital na ‘to is to give and serve a high quality of treatment and affordable rates for all? And our vision is to bring a brighter life to all the patients who are being admitted inside of our Hospital? Para saan na po yung mission and vision natin if we’re not going to stick with it?”, mahinahong tanong ko.

“We have no choice. Babagsak ang profit and sales ng Hospital and magli-lead ‘yon to bankruptcy, or magi-increase tayo ng rates to maintain and to increase our daily profit?”, sagot ni Director sa tanong ko.

Kapag nabankrupt ‘tong Hospital na ‘to, liliit din yung sweldo namin at mas maraming apektado, hindi lang kaming mga nagtatrabaho dito. Pati na rin yung mga facilities at mga pasyenteng umaasa sa’min.

Pero, paano naman yung mga tao na hindi na kakayanin yung bills kapag nag-increase yung rates? Mawawalan na rin sila ng chance na gumaling dahil yung Hospital na ‘to yung mas mura yung rates at kayang-kaya nilang bayaran.

CHAPTER 2
Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong ako ni Jillian at Jennie tsaka sila nagmano.

Kahit pagod na pagod ko, parang nawala dahil sa kanila.

“Mom? You look so tired. What happened? Mas mukha ka pong pagod na pagod ngayon.”, nag-aalalang bungad ni Jillian na tanong sa’kin.

“May mga bad news lang sa na nangyari sa Hospital, pero.. wala ‘yon. Lilipas din ‘yon. By the way, kumain na ba kayo? Na saan yung Daddy niyo? Wala pa ba?”, kalmado kong sagot sa kanila para hindi sila maapektuhan sa problema ko.

“Wala pa po si Daddy, Mommy. Kumain na po kami. Pinagluto po kami ni Yaya.”, sagot ni Jennie sa’kin habang gumagawa ng mga assignment niya sa school.

Nilapag ko yung bag ko sa table at kumuha ng tubig sa refrigerator.

“Salamat po, Yaya. Ikaw po? Kumain ka na po ba?”, tanong ko sa Yaya namin nung nakita ko siya.

“Tapos na po, ma’am. Sabay po kaming kumain ng mga bata.”, nakangiting sagot niya.

“Mabuti naman po. Pahinga na po kayo. Ako na pong bahala dito.”, kanina pa kasi gumagawa ng gawaing bahay at nagbabantay kay Jennie yung Yaya namin.

Pantay yung turing namin sa Yaya at Driver namin.

Tinuturing namin sila bilang parte na rin ng bahay na ‘to.

Kinder pa lang si Jennie, si Yaya na yung nagbabantay sa kaniya kapag nasa trabaho kaming parehas ng asawa ko.

“Kumain na po ba kayo, ma’am? Magluluto po ako ulit para po sa inyo.”, alok ng Yaya namin.

“Hindi pa nga po, eh. Pero, kaya ko na po. Pahinga na po kayo. Ok lang po ako, Ya.”, nginitian ko siya para makumbinsi siya.

Baka mapagod na naman siya.

“Sige po, ma’am. Tawagin niyo lang po ako kapag may kailangan po kayo.”, paalam niya bago siya bumalik sa kwarto niya.

“How’s school?”, tanong ko kina Jillian nung binalikan ko sila sa living room.

Hindi nakabukas yung TV.

Talagang nagre-review tsaka gumagawa lang sila ng assignment.

“As usual. It’s tiring, Mom. Pero, masaya naman po.”, nakangiting sagot ni Jillian.

Nilapitan ko naman si Jennie at kinulit-kulit.

“Bakit tahimik yung baby ko? Ha?”, kinikiliti ko siya dahil napakaseryoso niya.

Tawa naman siya ng tawa sa ginagawa ko.

“I have to finish my assignment, Mommy! Stop tickling me!”, hindi na siya makapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa.

“Sali naman kami ni Jillian diyan?”, napahinto ako sa pangingiliti kay Jennie nung narinig ko yung asawa ko.

Kakarating niya lang.

“Daddy!”, nagmamadali si Jennie na yakapin yung Daddy niya.

Nagmano yung mga anak ko sa asawa ko nung sinalubong nila.

Kinuha ko yung mga gamit niya tsaka nilapag sa sofa.

“How’s your day? Kumain ka na?”, tanong ko.

“Maayos naman yung araw na ‘to, sa kabutihang palad. Di pa ‘ko kumakain. Sabay na tayo. By the way, nakarating na sa’min yung dalawang report ng kaso ng mga pasyente na dinala sa inyo. Magpapadala pa kami ng ilang mga expert na Doctor para matulungan kayo sa paga-identify ng mga sakit nila. Basta, sundin niyo lang yung mga protocol ng Hospital niyo. Hanggat wala pa yung result ng mga pag-aaral sa kundisyon nila, always wear your protective equipments. Mahirap na. Baka mamaya, nakakahawa pala ‘yon? We don’t know. Mas mabuti ng safe kayong lahat sa loob ng Hospital.”, pagpapa-alala niya sa’kin.

“Yes. Mas mabuti ng nag-iingat hanggat maaga. Alam mo ba? Kung makikita mo lang yung mga itsura nila kanina, maaawa ka sa kanila na matatakot dahil sa mga weird actions nila. Sigaw na sila ng sigaw dahil sa sakit ng mga ulo nila and they want to bite us, kaya tinali namin sila and tinurukan ng tranquilizer.”, nag-aalalang kwento ko.

“Kumusta ka naman sila? Ok na ba?”, nacurious siya bigla.

“Yes. Natutulog sila ng mahimbing doon sa private building kung saan sila naka-confine ngayon. Hindi pa naman ako tinatawagan ng Hospital, so that means.. kalmado sila and walang emergency sa mga pasyente namin.”, kwento ko.

Naalala ko bigla yung tungkol sa meeting namin kanina.

Sabay kaming pumunta sa kusina at hinayaan muna namin yung mga bata na gawin yung mga ginagawa nila.

“Muntik ko ng makalimutang sabihin. Nagmeeting pala kami kanina tungkol sa daily profit ng Hospital. Bumababa na yung sales dahil sa mababang rates. Balak ng Hospital na taasan yung rates para hindi tuluyang malugi, pero balak pa lang naman.”, hinihinaan ko yung boses ko para hindi marinig ng mga anak namin yung problema ko.

“Paano na yung mga pasyente niyo? Kayo na lang yung inaasahan na mapupuntahan nila kasi mas afford nila sa Hospital niyo. Kung tataas yung rates, hindi niyo na matutulungan yung iba na nangangailangan din ng agarang lunas tsaka operasyon?”, pati yung asawa ko, bakas sa kaniya yung pagkalungkot.

“Yun nga din yung iniisip ko, eh. Masaya akong natutulungan yung maraming tao dahil sa panggagamot namin ng murang halaga. Masaya ako kasi nase-serve hindi lang sa mga may pera at mayayaman yung tamang treatment na para sa kanila. Kaya nung nalaman ko yung information kanina kay Director, bigla akong nalungkot.”, naisip ko yung marami pang mga tao na mangangailangan ng tulong na hindi afford yung mga mahal na bayarin.

“Magiging okay din yung lahat. Wag mo na munang isipin ‘yan. Kain na muna tayo, ok?”, hinalikan niya ‘ko sa noo para pakalmahin.

Nagluto na ‘ko ng makakain namin ng asawa ko.

•~•

Apat na araw na yung nakakalipas mula nung na-admit sa Hospital namin yung dalawang pasyente na may unfamiliar na sakit.

Masusi silang pinag-aaralan ng mga Doctor galing sa mga Universities.

“Claire? Nakita mo na ba si Luke?”, tanong ni Leila sa’kin nung pumasok ako sa loob ng department namin dahil galing ako sa isang pasyente ko na nagpa-set ng appointment sa’kin nung nakaraang araw.

“Hindi pa nga, eh. Mula nung na-admit dito yung dalawang patient na under monitoring, kinabukasan hindi na siya pumasok. Natakot yata? Ngayon lang yata siya naka-encounter ng ‘ganon sa buong buhay niya?”, sagot ko sa tanong niya.

“Hinahanap na rin kasi siya ni Director. Kulang kasi tayo dito sa department. Kung kailan naman kailangan tayo dun sa dalawang patient, tsaka pa siya hindi nagpapapasok? Ano na kayang nangyari ‘don?”, naintriga bigla si Leila dahil sa biglaang pag-absent ni Luke.

Kahit ako, nagtataka na rin kung bakit hindi pa siya pumapasok?

Tinatawagan naman siya ng mga kaibigan niya dito sa Hospital pero ‘cannot be reached’.

“Dr. Claire? Dr. Leila? Pinapatawag po ni Director yung department natin.”, pagtawag sa’min nung kasama naming Nurse.

“Tayo? Bakit daw?”, tanong ni Leila.

Nagkibit-balikat lang yung Nurse.

Sumunod na lang kami sa kaniya.

Pagdating namin sa ‘Conference Room’, umupo agad kami.

“May masamang balita na nakarating sa akin, at gusto ko na wag na sanang makarating sa iba. Kung ano yung mapag-uusapan dito, wag na sanang lalabas.”, bungad ni Director sa’min, “Nalaman ko na yung dahilan kung bakit ilang araw ng hindi nakakapasok yung Intern sa department niyo. Sad to say, he’s dead. Tumawag dito yung Tatay niya, at hinatid nga sa’kin yung balita na ‘to. Kinwento ng tatay niya kung anong nangyayari sa anak niya. Surprisingly, katugma na katugma ng mga sintomas doon sa dalawang pasyente na na-admit dito 4 days ago. Sobrang severe ng headache niya pati yung pagdurugo ng ilong at bibig niya. Nagiging wild siya dahil hindi na niya makayanan yung sakit. Nawala na siya sa sarili. 1st hanggang 2nd day, sobrang aggressive niya, and then the following day, paggising ng parents niya, sobrang putla niya na. Hindi na nila inadmit dito si Luke because hindi nila kaya na dalhin siya dito with that kind of condition. Dadalhin dito yung katawan niya para ma-test.”, paliwanag sa’min ni Director.

Patay na si Luke?

Nakakagulat naman?

Nagsisimula na ba ‘yon nung naabutan namin siya ni Leila na pinagpapawisan ng malamig?

Masama na yung pakiramdam niya nung araw na ‘yon, sa natatandaan ko.

Kaparehas niya ng condition yung dalawang na-confine dito.

Dahil ba sa dugo na kumapit sa balat niya nung nasukahan siya nung isa?

Anong klase bang sakit ba ‘to?

Bakit ganito yung nangyayari sa kanila?

Bigla akong kinabahan ng sobra.

“Don’t worry. Hindi na rin magsasalita yung mga magulang niya. Ginawan ko na ng paraan.”, dugtong ni Director.

“Ano pong ginawa niyo, Director?”, nacurious si Leila bigla dahil sa sinabi ni Director na parang pinagdududahan ko.

“Sa’kin na lang ‘yon. Basta ang mahalaga, hindi na kakalat pa yung nangyari kay Luke. Ligtas tayo at lahat ng mga tao dito sa Hospital kapag may nanatiling tikom at tahimik.”, nag-iiba na talaga yung pakiramdam ko sa mga sinasabi niya.

Kung hindi malalaman ng ibang mga tao kung ano yung nangyari, mas marami pang maaapektuhan kapag nagtagal.

“Excuse lang po, Director? Nandito na daw po yung katawan ni Luke. Nasa morge na po.”, paalam nung ‘Forensic Pathologist’ pagpasok niya sa Conference Room.

“Sige. Susunod na kami.”, agad niyang sagot.

Kami? Ibig sabihin, kasama kami?

“Dr. Lacuna? Dr. Campos? Sumunod kayo sa’kin. The rest, bumalik na kayo sa mga department niyo muna.”, utos ni Director sa’min.

Agad naman kaming sumunod ni Leila kahit sobrang kabado na namin.

“Walang makakaalam ng nangyari kay Luke, understood? Kapag kumalat yung nangyari sa kaniya, buong department niyo at lahat ng nakakaalam dito yung dapat ko lang sisihin. Mananagot kayo sa’kin kapag nangyari ‘yon.”, nagsisimula na kaming kilabutan kay Director.

Anong nangyayari sa kaniya?

Alam kong mas mataas yung posisyon niya dito pero, nag-iisip ba siya ng tama ngayon?

•~• •~• •~•

Mr. Lacuna’s POV:

5 days na matapos maconfine nung dalawang patient sa ‘Angel Mercy Hospital’ kung saan nagtatrabaho si Claire.

Nasa meeting ako ngayon kasama ng buong team members para mag-meeting tungkol sa dalawang pasyente na dinala sa ‘Angel Mercy Hospital’.

Nagsubmit na ng report sa’min yung mga Doctor galing sa Queen Dalle University, Allenton University at Hopewell University.

Naipadala na rin sa mga scientist na tumutulong sa’min yung mga blood, saliva and urine samples nila.

Base sa nadiscover ng mga Doctors sa mga Universities at mga Scientists na pinag-aaralan yung katawan ng dalawang pasyente, possible na dahil sa fluid transmission kaya nagkaroon silang dalawa ng ganoong klase ng sakit.

Sa madaling salita, 70% yung possibility na virus yung tumama sa mga pasyente.

Inalam na rin namin yung travel history nila kung saan sila nanggaling, at base sa nakuhang information nina Claire, sa isang Island daw sa Japan.

Nung nagkamalay yung mga pasyente, agad silang kinuhanan ng information tungkol sa travel history at kung may nakasalamuha ba silang ibang tao, pero makalipas yung ilang minuto, nagseizure sila at namatay.

Hindi na nakuha yung mga information tungkol sa contact tracing.

Hindi na rin namin alam kung anong nasakyan nila pabalik dito sa Pilipinas.

“May paraan pa para malaman kung anong airline sila sumakay at kung sino yung mga nakasalamuha nila. Sa history nila sa mga airport, makakakuha tayo ng mga informations ‘don.”, ito na lang yung naiisip kong solusyon.

“Pero, sir? Paano kapag tinanong kung para saan tsaka bakit kailangan nating makuha yung mga information nila? Hindi naman natin pwedeng sabihin na kailangang kunin yung mga information nila dahil sa nangyari? Pati mga kasama nila sa flight that day, kakailanganin natin yung information?”, nag-aalalang tanong nila.

“Oo nga, sir. May kasunduan pa naman kayo nung Director ng Angel Mercy Hospital na hindi makakalabas yung tungkol ‘don para hindi magpanic yung mga tao. Binayaran niyo nga yung pamilya ng namatay para hindi na magsalita diba?”, dugtong ng Secretary ko.

“Edi tatapalan din natin sila ng pera. Hindi na kakalat pa kung ano yung malalaman nila kapag may kaharap na silang malaking halaga ng pera. Mapapatahimik natin sila with the power of money.”, seryosong sagot ko.

Hindi alam ni Claire lahat.

Wala rin siyang kaalam-alam na isa ako sa nagpatahimik sa pamilya nung Intern na kasama nila sa department.

Ayokong malaman niya, dahil mag-aaway lang kami.

Wala na kaming ibang choice kung hindi gumamit ng pera para sa ikatatahimik ng lahat.

“Yung Pangulo na yung bahala sa’tin. Hindi malalaman ng buong Pilipinas kung ano yung nangyayari ngayon. Hindi naman natin gustong magpanic yung mga tao, kaya tatahimik lang tayo. Tatlo pa lang naman yung infected. Sisiguraduhin natin na hindi na sila dadami.”, pagpapalakas ko ng mga loob nila.

Kakampi namin yung Pangulo ng bansang ‘to, at mas makapangyarihan siya kesa sa amin.

Buti na lang, may kapit kami sa Pangulo kaya safe kami.

CHAPTER 3
Ilang linggo na yung lumipas mula nung nakuha namin mga information tungkol sa airlines na nasakyan ng mag-asawang infected.

Inimbitahan namin yung mga pasahero ng specific flight na kasabay ng mag-asawa para makita at malaman namin kung nahawa ba sila o hindi.

Sa kabutihang palad naman, lahat sila naging maayos.

Sinama namin sila para makuha yung mga fluid samples nila at matest ng mga scientist kung infected sila, pero negative naman yung result.

Masyado silang curious bago sila pumayag, kaya pinatahimik namin sila ng pera kahit hindi masyadong malaki.

“We have their personal informations, Mr. Lacuna. Sa oras na kumalat yung balita tungkol sa nangyari sa Intern sa Angel Mercy, alam natin kung sino yung babalikan natin, kasama si Dr. Claire at Dr. Campos. Bantayan mong mabuti yung asawa mo, or else.. lahat tayo sasabit.”, kausap ko yung Director ng Angel Mercy at pati asawa ko, dinadamay niya.

“Hindi magsasalita yung asawa ko, Director. Alam niya yung gagawin niya sa hindi, at wag mo siyang idadamay. May kasunduan tayo, at dapat nagtutulungan. Sa oras na malaman kong nagawan mo ng masama si Claire, face all the consequences. Hindi lang ako yung makakalaban mo, pati na rin yung Presidente. Naiintindihan mo?”, pagbabanta ko sa kaniya.

“Don’t worry. Walang mangyayari sa asawa mo kung tatahimik siya. Hindi tayo magkaaway dito, Mr. Lacuna. Wag mo ‘kong bantaan. Congratulations din pala, dahil nagstick sa tatlo lang yung mga infected. Mas maganda na ‘to, na hindi nalaman ng mga tao.”, pag-iiba niya ng topic.

“Sobrang good news nga ‘non. Atleast nagawan natin ng aksyon. Ngayon, wala na tayong dapat na ipag-alala. Balik sa normal na lahat. Kumusta nga pala yung profit ng Hospital niyo? Nag-increase na ba?”, pangungumusta ko sa Hospital nila.

“Bad news, ganun pa rin. Sa tingin ko hindi na tataas yung profit ng Hospital na ‘to. Estimated months kung kailan maba-bankrupt ‘to, mga 6 to 8 months.”, bigla akong nalungkot para sa mga nagtatrabaho sa Hospital na ‘yon.

Hindi ako nag-aalala sa asawa ko dahil madali ko siyang malilipat at mahahanap ng ibang Hospital na mas malaki yung sweldo.

Nag-aalala lang ako para sa iba kung sakaling ma-bankrupt yung Angel Mercy.

“By the way, thank you very much Mr. Lacuna. Dahil sayo, napatahimik mo yung mga dapat tumahimik. Sige na, I have to go. May gagawin pa ‘ko dito sa Hospital. Have a great day.”, siya na yung nagbaba ng tawag.

“Sinong kausap mo?”, napatingin ako sa likod nung narinig ko si Claire.

“Y-yung.. secretary ko. May importante lang siyang nireport. Kanina ka pa ba diyan?”, nakaramdam ako ng kaba dahil baka may narinig siya.

“Yung tungkol sa Intern sa department namin..”, napalunok ako dahil sa kaba nung naudlot yung sinasabi niya, “Hindi totoong nawala lang siya. He’s dead. I lied to you in a past few weeks. Natakot lang ako na sabihin sayo yung totoo kasi napagkasunduan namin ni Director na hindi dapat pwedeng kumalat yon sa kahit na kanino. Tutal, tapos naman na yung kinatatakutang virus at sigurado na tayong hindi yun kakalat, sinasabi ko na sayo yung totoo.”, nakahinga ako ng maluwag dahil sa sagot niya.

Napansin ko kasi na parang takot na takot siya nung mga nakaraang linggo.

Nalaman niya kasi na may nakarating na report sa’min na tatlo na yung natatamaan ng ‘Kyoyawa Virus’, pero hindi ko sinasabi sa kaniya na alam kong yung intern nila sa department ‘yon.

Nagkunwari na lang ako na hindi ko alam at hindi rin alam ng mga empleyado ko sa Health Department para hindi na madagdagan yung takot niya.

“Atleast, tapos na. Wala ka ng dapat na alalahanin.”, niyakap ko siya para hindi na siya mag-alala ng sobra.

“Magdinner na tayo? Nakapagluto na ‘ko. Sabay-sabay na tayong kumain kasama sina Jennie tsaka yung Yaya natin and Driver.”, tinulungan ko na siyang magprepare ng pagkain.

•~•

Maagang pumunta sa Hospital si Claire dahil may emergency daw sa Angel Mercy.

Pinatawag sila bigla ng Director nila.

Suot-suot ko yung airpods ko habang nagte-threadmill ako.

Araw-araw, kailangan ko ng proper exercise at healthy lifestyle para hindi ako agad magkasakit, dahil kailangan pa ‘ko ng mga anak ko.

“Daddy?! Come on! You have to see this!”, pagtawag sa’kin ng bunso kong babae.

“Why, Jennie? Anong meron? Bakit natataranta ka?”, kalmado kong tanong bago ko ihinto yung pagte-threadmill ko.

“Nasa TV po si Mommy! Rescuing many patients na may virus!”, takot na takot niyang kwento sa’kin kaya napatakbo na rin ako sala namin para panoorin yung sinasabi niya.

Totoo nga yung sinasabi ng anak ko.

May breaking news sa Hospital kung saan siya nagtatrabaho.

Pinapakita sa balita kung paano nila inaasikaso yung mga pasyente na nagwawala.

“Isang bagong sakit o virus nga ang nadiskubre ng mga scientist dito sa ating bansa na tinatawag na ‘Kyoyawa Virus’ noong nakaraang tatlong linggo mula sa dalawang Pilipino na galing sa isang hindi kilalang isla sa Japan. Kumalat ang balitang ito sa Facebook mula sa isang anonymous account at ngayon ay nagdudulot na ng panic sa mga tao. Nakitaan sila ng sintomas ng malalang pananakit ng ulo, pamumula ng mga mata, pagdurugo ng ilong at bibig. Pumanaw ang dalawang pasyente limang araw matapos silang i-confine sa isang private building facilities upang hindi makahawa. Ngunit sa mga oras na ito, nakitaan ang lagpas singkwentang mga pasyente dito mismo sa Angel Mercy Hospital kung saan napapabalita na nanggaling ang dalawang unang infected ng kaparehas na sintomas gaya ng sa kanila na nasawi dahil sa ‘Kyoyawa Virus’. Bakit walang ini-ulat sa atin ang Health Department tungkol rito? Wala pang pahayag mula kay Mr. Lacuna sa balitang kumalat at ngayon ay hinihingi na lamang natin ang kaniyang tugon tungkol sa mga tanong ng taong bayan. Nagbabalita, Nizi Lee.”, balita ng reporter habang may nagwawalang pasyente sa likod niya na inaasikaso ng asawa ko.

Sandali? Paano nila nalaman yung tungkol sa virus?

Sinong nagsabi sa kanila?

“What is happening to them, Daddy? Mahahawahan po ba si Mommy ng virus?”, nag-aalalang tanong ng anak ko sa’kin.

“No, baby. Wala pa namang proof na nakakahawa yung sakit nila. Let’s see kapag nagmeeting kami about that.”, pagpapakalma ko sa anak ko.

“Daddy? I’m scared. Paano po kung may mangyaring masama kay Mommy because of that virus? We can’t lose Mommy, Daddy.”, nagsimulang umiyak yung anak ko.

Naisipan kong tawagan yung panganay kong anak na babae.

Nasa school kasi siya ngayon.

“Jillian? Please, pick up the phone?”, naka-ilang missed call na pero di pa niya sinasagot.

“Bakit hindi po sinasagot ni ate Jill?”, tanong ni Jennie sa’kin.

“Baka busy siya? Maybe, may ginagawa silang activity sa school? Mamaya na lang natin siya tawagan.”, tinapik ko yung ulo ng anak ko tsaka ko siya nginitian.

Nakatanggap ako ng messages tsaka notification galing sa department namin.

Gusto nilang magkaroon kami ng urgent meeting kasama yung mga Doctor sa iba’t-ibang mga universities.

“Jennie? May urgent meeting lang si Daddy. Magbehave ka lang kay Yaya, ha? Be a good girl. Wag mong aawayin sina Yaya, ok? Kapag nagsumbong sila ulit sa’kin na makulit ka, mapapagalitan ka na naman. Understood?”, maayos kong pakiusap kay Jennie.

“Yes po, Daddy. Promise.”, nakangiti niyang sagot.

Tinawag ko yung mga Yaya namin para ipaalaga muna si Jennie habang wala ako.

Inutusan ko yung driver ko na ihatid ako sa meeting namin pagkatapos kong maligo at magbihis.

Hindi naman ako pinagpawisan sa threadmill dahil kakaumpisa ko lang nung tinawag ako ni Jennie.

Nung nasa EDSA na kami sa Muñoz, bigla na lang bumigat yung daloy ng traffic.

Sumilip ako sa labas, pero wala namang sasakyan na nakaharang sa harap ng van na nasa pinakaharap.

Binubusinahan na ng mga sasakyang nasa harap at tabi ko yung van sa harap.

“What’s going on?”, tanong ko sa driver ko.

“May nagkukumpulan po sa harap, sir. Parang may nagwawala?”, sagot niya sa’kin.

“Mag-iba tayo ng daan, please? Kailangan kong makapunta ng maaga sa meeting.”, pakiusap ko ng maayos.

“Sige po, sir.”, ginawan ng paraan ng driver ko yung problema kaya nakaalis kami sa linya ng traffic.

Nung nakadaan sa ibang way yung sasakyan, may muntik namang mabangga yung driver ko kaya napapreno siya.

“Tulungan niyo! Dalhin niyo na sa Hospital, bilis!”, naririnig naming sigawan ng mga tao.

Pababa na sana ng sasakyan yung driver ko pero pinigilan ko.

“Wag kang bababa. Tumawag ka lang ng ambulance para sa kaniya. Hindi mo siya pwedeng malapitan.”, paalala ko sa driver ko.

Naalala ko kasi bigla yung napanood ko sa breaking news kanina.

Baka may Kyoyawa Virus din yung lalaking muntik na niyang mabangga?

“Wag niyo po muna siyang lalapitan. Hayaan niyo na po yung ambulansiya na tulungan siya. Masyado pong delikado.”, utos ko sa mga tao na gusto siyang tulungan.

Dibale ng ma-late ako, basta matulungan ko lang sila.

“Mr. Lacuna? Kayo po pala ‘yan? Ano na pong nangyayari? Bakit sila nagkakaganiyan?”, mangiyak-ngiyak na yung babae habang tinatanong ako.

“Malalaman din natin kung anong nangyayari. Pero ngayon, wag niyo siyang lalapitan.”, hindi ako pwedeng mataranta kaya pinipilit kong kumalma.

Ano ng nangyayari sa paligid?

Bakit ang dami na nilang nagkakaganiyan?

Hindi pwedeng mangyari ‘to.

Kailangan masugpo agad yung virus na ‘to, kung hindi.. maraming mamamatay.

Maraming maaapektuhan.

“Sir? Tumatawag na po yung Executive Director!”, natatarantang inabot ng driver ko yung phone ko.

Pinagamit ko kasi sa kaniya para tumawag ng ambulansya.

Sinagot ko agad yung tawag ng ED.

“Mr. Lacuna? Wag ka na munang tumuloy! May emergency kasi dito ngayon! May apat tayong empleyado na nagwawala dahil sa sobrang sakit ng ulo tapos dumudugo yung mga ilong nila tsaka bibig! Ipapa-disinfect muna namin yung area dito para safe tayong makapag-meeting! Mamaya ka na pumunta!”, natatarantang balita sa’kin.

“Sige. Hindi na muna ‘ko didiretso diyan.”, sagot ko bago ko ibaba yung tawag.

“Saan po tayo pupunta ngayon, sir?”, tanong ng driver ko.

“Sa asawa ko. Kay Claire. Puntahan natin siya. Gusto ko siyang kumustahin kung okay lang ba siya?”, nag-alala ako lalo sa asawa ko.

“S-sigurado po kayo, sir? Hindi po ba.. mas delikado sa Hospital ngayon?”, kabadong sagot niya sa’kin.

“Safe lang tayo, don’t worry. Halika na.”, pangungumbinse ko.

Sinunod niya ‘ko tsaka kami dumiretso sa Hospital kung na saan yung asawa ko.

Kinilabutan ako sa sumunod kong nakita.

Nung nakalayo na kami, nadatnan namin yung maraming tao na nagsisigawan habang nakahiga sa kalsada.

Napapasigaw sila sa sakit na nararamdaman nila.

Ang dami na ring dugo yung kumalat sa kalsada galing sa mga ilong at bibig nila.

Natatakot na ‘ko sa pwedeng mangyari kapag tumagal pa ‘to na walang lunas na mahanap.

Nagring bigla yung phone ko.

Tumatawag si Jillian.

“Hello? Anak? Na saan ka? Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko? Nag-aalala ako sayo! Anong-“, naudlot na tanong ko nung narinig kong umiiyak siya.

“Daddy?! Sunduin niyo po ako dito! Nasuspend na po yung klase pero hindi po kami makalabas ng gate! May anim po kasing nagwawala dito sa labas ng Univeristy tapos ayaw kaming palabasin! Ang pula po ng mga mata nila and dumudugo yung mga ilong!”, humahagulgol na sa takot yung anak ko.

“Tulungan niyo kami!”, naririnig ko yung daing ng mga taong tinutukoy ni Jillian na nagwawala.

Kahit naririnig ko lang, ramdam kong hirap na hirap sila.

“Sige. Didiretso ako diyan. Hintayin mo ‘ko, okay?”, nagsimula akong mag-alala lalo.

“Sige po, Daddy. Ingat po kayo.”, binaba niya na yung tawag.

“Diretso tayo sa Queen Dalle. Susunduin natin si Jillian.”, biglang utos ko sa driver.

“Sige po, sir.”, agad-agad siyang umatras at nagmane-obra para mag-iba kami ng daan.

Bakit bigla silang dumami ng ganito?

Tapos na kami dito, diba?

Natapos na sa tatlo yung mga infected!

Anong nangyayari?!

Ayokong madamay yung pamilya ko dito!

Tinawagan ko bigla yung Yaya namin.

“Hello? Ya? Wag kayong lalabas ni Jennie. Masyadong delikado. Kahit na anong mangyari, wag na wag kayong lalabas!”, hindi ko na macontrol yung tono ko dahil sa kaba at takot.

“Opo, sir. Nandito lang po kami sa loob. Mag-iingat po kayo.”, pagsunod niya sa utos ko.

Binaba ko na yung tawag.

Nung malapit na kami sa Queen Dalle, nakita ko nga sa may gate nila yung mga nagwawala.

Ang dami ng dugo sa sahig.

Naisipan kong sa likod na lang kami dumaan.

Papakiusapan ko na lang yung guard na pahintulutan yung anak ko na dumaan ‘don, dahil mga authorized person lang yung mga pwedeng dumaan ‘don.

Tinawagan ko ulit si Jillian.

“Pumunta ka sa likod ng School niyo. Doon kita susunduin.”, utos ko.

“Sige po, Daddy. Papunta na po.”, agad-agad siyang sumunod.

Pag-park ko ng sasakyan sa gilid, nagsuot muna ‘ko ng face mask, gloves tsaka face shield.

Nagdala din ako para sa anak ko.

“Good afternoon po sir. Sino po sila?”, bungad ng guard sa’kin.

“Edwardo Lacuna po. Susunduin ko po sana si Jillian, kung pwede po siyang dumaan dito?”, mahinahon kong sagot.

“Kayo po pala ‘yan, sir? Opo sige po, sir. Pwedeng-pwede po.”, binuksan niya yung gate at nakita ko si Jillian na papalapit na sa’kin.

Tumakbo siya nung nakita niya ‘ko.

Inabot ko sa kaniya yung mga mask, face shield at gloves para safe din siya.

Pinasakay ko agad siya sa sasakyan.

“Dad? Anong nangyayari? Bakit ang dami nila na nagkakaganon? Nakita ko rin po sa Facebook yung mga post tungkol sa ibang lugar. Kalat na kalat na po yung mga nangyayari sa kanila. Natatakot po ako, Dad. Natatakot din po ako sa lagay ni Mom ngayon. Mas madaming sinugod na mga pasyente sa Angel Mercy kasi mura po ‘don.”, naiiyak siya habang nagkukwento.

“Ihahatid muna kita sa bahay bago ko puntahan yung Mom mo. Babalik din ako agad. Basta, magsanitize ka agad pag-uwi. Bibilinan ko si Yaya na i-sanitize yung mga gamit mo bago ka pumasok sa bahay.”, bilin ko sa kaniya.

Tumawag ulit ako sa Yaya namin para bilinan.

Kailangan kong malaman kung bakit bigla na lang kumalat ulit yung ‘Kyoyawa Virus’.

Sigurado ako na natapos na sa tatlo yung infected.

Hindi ako pwedeng magkamali!

CHAPTER 4
Tahimik si Jillian habang nasa biyahe kami.

Nanginginig pa rin siya sa takot dahil sa nakita niya kanina.

“Jill? Are you okay? Nanginginig ka pa, ah?”, napansin ko.

“Hindi ko lang po makalimutan yung nakita ko kanina. Nakakatakot po yung mga itsura nila. Alam niyo na po ba yung tungkol ‘don, Dad? Ano po ba ‘yon?”, bakas sa boses niya yung kaba.

“Hindi pa rin namin alam kung anong.. nangyayari. Mapag-aaralan din namin ‘yan with the help of those Scientist and Doctors galing sa University niyo.”, pagsisinungaling ko.

Ayokong sabihin sa kaniya yung totoo, dahil alam kong magagalit din siya sa’kin gaya ng pangamba ko kay Claire.

“Sir! May babae!”, nataranta kaming lahat nung sumigaw yung driver.

Bigla niyang inapakan yung preno kaya naramdaman kong nauntog ako sa upuan.

Bigla akong nahilo.

Nagblur bigla yung paningin ko.

“D-Dad..?”, naririnig ko si Jillian pero hindi na masyado.

Hanggang sa nawalan ako ng malay.

•~•

Unti-unti kong minulat yung mga mata ko.

Lumingon ako sa paligid ko pero wala na ‘kong kasama.

“Jillian?”, nanghihina pa yung boses ko.

Dahan-dahan ako umupo ng maayos, tsaka ko kinapa yung noo ko.

Wala namang dugo.

Lumabas ako ng sasakyan dahil nagbabakasakali ako na makikita ko sila.

Walang katao-tao kahit saan.

Malakas lang yung hangin tapos may lumilipad-lipad na mga plastic.

Para akong nasa ghost town na lugar.

Yung mga restaurant tsaka mga store sa paligid, walang katao-tao.

Kanina lang, may nakikita pa ‘kong mga tao dito.

“Manong Marcial?! Jillian?! Na saan kayo?!”, ang layo na ng nararating ko pero di pa rin sila mahagip ng paningin ko.

“Kasalanan mo kung bakit nangyayari ‘to.”, napalingon ako sa likod ko nung may narinig akong nagsalita na babae.

Unfamiliar yung boses niya.

Ang weird niyang tignan.

Naka-overall black coat at black na pants siya, pati sapatos.

Ang putla niya rin tignan, pero yung labi niya medyo pula.

Ang haba din ng buhok niya na kulay itim.

“Anong sinasabi mo? Wala akong kasalanan.”, pagdedepensa ko sa sarili ko.

“Kailan ba aamin ang isang tao sa mga pagkakamali nila? Imbis na aminin, magsisinungaling pa? Tsk tsk. Nakakaawa ka.”, nakangisi pa siya habang kinakausap ako.

“Sino ka ba? Hindi ko alam yang pinagsasasabi mo. Hindi ka nakakatulong. Sinasayang mo lang yung panahon ko.”, nilampasan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad ko.

Paglampas ko sa kaniya, bigla siyang nagsalita.

“Ako si Samantha. Sam na lang, for short. Nice to meet you, Mr. Lacuna.”, paglingon ko, nakangiti pa siya.

“Paano mo ko nakilala?”, ang weird na talaga ng babaeng ‘to.

“Hindi mo na kailangang malaman. Wag mo ‘kong itaboy. Baka magsisi ka? Gusto pa naman sana kitang tulungan.”, bigla siyang nagcrossed-arms.

“Tutulungan mo ‘ko? Paano? Wala ka namang alam sa pinagdadaanan ng bansa na ‘to para masabing may maitutulong ka. You’re just a nobody na biglang sumulpot out of nowhere.”, pagsusungit ko sa kaniya.

“Ouch. Ang sakit naman sa heart ‘non? Ang judgemental mo pala, Mr. Lacuna?”, hindi ko alam kung pinagtitripan ba niya ‘ko o ano?

“Tantanan mo na ‘ko!”, nabwisit na ‘ko dahil sa kaniya.

“Sigurado ka na ba? Ayaw mo talaga ng tulong ko? Tayo na lang dalawa yung nandito, oh? Wala ka ng choice.”, nakangiti na naman siya.

“Sige nga? Paano mo ‘ko matutulungan?”, paghamon ko.

“Sumunod ka lang sa’kin. May pupuntahan tayo.”, nakangising sagot niya sabay titig ng matalim.

“How can I trust you?”, paninigurado ko.

“Hindi ka magsisisi sa tulong na gagawin ko. Trust me.”, parang nag-iba yung boses niya.

Lumalim na parang galing sa ilalim ng lupa.

Di ko alam kung bakit parang nahi-hypnotize ako sa kaniya.

“Sige. Magtitiwala ako sayo. Basta ipangako mo sa’kin na wala kang gagawing masama.”, unti-unti na ‘kong naniniwala sa kaniya.

“Wag kang mag-alala. Hindi ako ikaw.”, dahan-dahan siyang lumapit sa’kin tsaka niya pinikit yung mga mata ko.

Pagdilat ko, nasa harap na kami ng isang lumang shop na kulay black yung pintuan.

Binuksan niya yung shop gamit yung malaki niyang skeleton key.

Pagpasok namin sa loob, biglang lumamig yung paligid ko.

Parang may fog.

“Welcome to the Magic Shop, Mr. Lacuna.”, bigla niyang sabi nung nasa loob na kami.

Walang kalaman-laman sa loob.

Meron lang isang maliit na booth, at doon siya pumasok.

“Akala ko ba, shop ‘to? Bakit.. parang wala namang laman?”, nagtataka kong tanong sa kaniya.

Nginitian niya lang ako.

“Sabi mo, tutulungan mo ‘ko? Anong tulong yung maibibigay mo?”, diretsahan kong tanong sa kaniya.

“Alam ko kung ano yung laman ng puso mo. Kahit hindi mo sabihin, alam ko yung gusto mong mangyari. Nung tinago niyo yung tatlong infected, akala niyo hanggang doon na lang matatapos yung lahat? Dahil sa pagiging makasarili mo, madaming maaapektuhan. Nagsisimula pa lang yung lahat, Mr. Lacuna. May pagkakataon ka pang maitama ang lahat. Hindi mo kailangang magbayad ngayon. Makakapagbayad ka rin sa tamang oras. Malalaman mo kung ano yung magiging kabayaran sa huling araw ng ating pagkikita.”, paliwanag niya, “Mr. Lacuna? Ano ba yung gusto mong bilhin sa’kin? Walang akong hindi kayang ibigay. Sabihin mo lang. Ano yung maipaglilingkod kong ibigay sayo?”, mga tanong niya sa’kin.

Napaisip ako bigla.

Iniisip ko kung anong hihingin ko.

“Gamot para sa mga tao. Gusto kong gumaling lahat ng mga infected para bumalik na sa normal yung lahat.”, agad kong sagot.

Bigla siyang may kinuha sa ilalim ng desk ng booth niya.

“Kunin mo ‘to.”, may pinatong siya sa desk ng booth kaya nilapitan ko ‘yon agad.

“Bakit pendant? Paano ako matutulungan ng isang pendant?”, bigla akong nadismaya sa binigay niya.

Bigla niya ‘kong tinawanan.

“Napakababaw mag-isip.”, sabay biglang palakpak, “Paano mo mabibigyan ng tamang solusyon ang mga problema kung hindi ka nag-iisip ng kritikal? Sa tingin mo, magiging maayos at magiging payapa yung buong nasasakupan mo kung paiiralin lang yung mindset na kagaya ng sayo? Kaya pala sa sobrang babaw mo mag-isip gaya ng pangulo na namumuno sa buong bansa ngayon, may mga bagay kayong hindi nakikita at napapansin, kaya naging dahilan ‘yon ng pagkalat ng virus? Sa kababawan niyo mag-isip, hindi niyo na nakita yung mas malalim na problema na naging posibilidad kung bakit ang dami ng apektado ngayon? Tama ba ‘ko?”, nakangiti niyang tanong.

“Hindi ako mababaw mag-isip! Hanggang doon na lang mismo sa araw na namatay yung tatlong pasyente yung paghinto ng pagkalat ng virus! Wala ng mas malalim na dahilan kung bakit nadamay yung marami! Patay na yung tatlong nauna! Paano pa sila makakapang-hawa kung yung mga kasama nila sa bahay tsaka lahat ng mga nakasalamuha nila, hindi nagkaganon?”, naiinis na ‘ko sa kaniya.

“Sa paglabas mo dito, sana maging malalim na yung pag-iisip mo, para makita mo at malaman mo kung ano yung ibig kong sabihin. Tanggapin mo yung pendant na ‘to. Isipin mo kung ano yung ibig sabihin niyan. Maging critical thinker ka. Wag kang mababaw mag-isip. Hawak mo na yung sagot. Nasa palad mo na. Nasa palad mo na rin yung gamot na hinahanap mo.”, inusog niya sa’kin yung pendant na nakapatong sa desk niya.

Pagkuha ko, tinitigan kong mabuti yung pendant.

Parang hindi siya basta ordinaryong crib ng bata.

“Mr. Lacuna?”, bigla akong tinawag ni Sam.

Pagtingin ko sa kaniya, bigla na lang akong namagnet ng mga mata niya.

Pakiramdam ko, nahuhulog ako sa malalim at madilim na balon.

Para akong nalulula.

“Dad? Daddy?! Dad, wake up!”, dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko nung narinig ko yung familiar na boses ni Jillian.

“J-Jill? Is.. that you?”, hindi pa ‘ko kumbinsido sa naaaninag ko.

“Thank God, you are awake!”, mas naging emosyonal siya nung dumilat na ‘ko.

Nilibot ko yung paningin ko.

Totoo nga. Gising na nga talaga ako.

Kinapa ko bigla yung noo ko, at wala namang sugat.

Wala din namang sugat sina Jillian.

“Nawalan po kayo ng malay, Sir. Diretso na po tayo kina ma’am Claire para matignan po kayo.”, nag-aalalang suggestion ni Manong Marcial.

“Ihatid muna natin si Claire sa bahay.”, utos ko.

Tumango yung driver ko at sinunod agad ako.

Napatingin agad ako sa kamay ko.

Parang may hawak ako?

“Dad? What’s that?”, tanong ni Jillian sa’kin.

Yung pendant na nasa panaginip ko.

Hindi ko na maalala yung itsura tsaka pangalan ng babaeng nakausap tsaka nakasama ko.

“This can’t be..”, bulong ko sa sarili ko kasi hindi ako makapaniwala.

Napabitaw ako sa pendant na hawak ko.

“Bakit may ganitong pendant po kayo?”, dinampot ni Jillian yung dala ko.

“Di ko alam kung saan galing yan. Di ko nga alam ‘yan, eh.”, di ko talaga alam bakit hawak ko na ‘yan.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

Parang tumayo lahat ng balahibo ko.

“Do you know the meaning of this, Dad? This specific crib from Japan symbolizes ‘peace’ and ‘community’ or ‘town’. Sa Japan, they call it ‘Hirai’. Kinwento po ‘to sa’kin ng kaklase kong Japanese.”, paliwanag niya sa’kin.

Ano namang connect ng pendant na ‘yan sa tulong na ibibigay sa’kin nung babae sa panaginip ko?

Peace?

Community or town?

Magkakaroon na ba talaga ng sagot sa problema ng bansang ‘to?

Kailangan ko ng tulong mula sa buong Health Department para makahanap ng gamot or vaccine para sa mga infected.

Mukhang ito yung ibig sabihin ng pendant na ‘to?

Pero, sinong gagawa ng gamot?

Sino sa mga Scientists o mga Doctor na tumulong sa’min yung makakaimbento ng gamot?

Kailangan ko silang makausap.

Sa kanila ako manghihingi ng tulong.

•~•

Paghatid ng driver namin kay Jillian sa bahay, nagpunta na kami sa Angel Mercy.

Pagpasok namin sa Hospital, nagkakagulo nga yung mga Nurse at Doctor.

Lahat sila, mga nakafull protective suit.

Nakita ko yung asawa ko, natataranta na siya kasama yung buong department nila.

Naabutan ko rin yung Director ng Hospital, at napatakbo palapit sa’kin nung nakita ako.

“Mr. Lacuna? Mabuti, napabisita kayo dito?”, bungad na tanong niya.

“Gusto kong makita yung lagay ng mga tao. Kung ano yung kundisyon nila.”, kailangan ko kasing malaman para isasama ko ‘yon sa report sa Health Department.

“May sasabihin din pala ako sayo. Wag kang mabibigla.”, parang may hindi maganda sa sasabihin niya, “Sumama ka muna sa’kin. We need to talk.. in private.”, bigla siyang bumulong.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

“Manong Marcial? Balik po muna kayo sa sasakyan. Hintayin mo ‘ko ‘don.”, utos ko.

Sumunod naman siya agad sa sinabi ko, tsaka ako sumama sa Director.

Nung naglalakad na kami papunta sa opisina niya, may nahagip yung paningin ko na parang familiar na mukha.

Kasama siya nina Claire papasok ng ER.

Chill lang siya at hindi natataranta.

Tumutulong siya sa pag-aasikaso sa mga pasyente sa ER.

Parang wala lang sa kaniya yung nangyayari.

“Mr. Lacuna? Are you okay?”, bumalik lang yung atensiyon ko sa Director nung tinawag niya ‘ko bigla.

“Y-yes. Yes, I’m okay. May napansin lang ako na parang nakita ko na before? Anyways, let’s go.”, iniba ko na yung topic kaya hindi na siya sumagot.

Sumunod na lang ako sa kaniya.

Hindi naman alam ni Claire na nandito ako, kaya di na niya mapapansin na magkasama kami ng Director ng Angel Mercy.

Busy sila masyado kaya di na rin nila ‘ko makikita.

Pagdating namin sa office ng Director, sinara niya agad yung pintuan.

“Mr. Lacuna? May bad news tayo. May tumraydor sa’tin. Siya yung kumuha ng mga fluid samples ng mga infected sa lab ng mga Scientist na tumulong sa’tin, at dahil sa kaniya malaki yung posibilidad na siya yung may kasalanan kung bakit dumami ulit yung infected at ngayon kalat na kalat na!”, natataranta niyang kwento sa’kin.

“What? Paano mo nalaman ‘yan? Kanino mo nalaman?”, magkahalong kaba at gulat yung naramdaman ko dahil sa sinabi niya.

“Si Choi Yoon Min, yung isang Scientist. Siya yung nagbalita sa’kin. Wala pang nakakaalam kung sinong nagnakaw ‘non. May duda kami na isa rin sa mga Scientist yung may kagagawan ‘non. Hindi pa rin nila alam yung dahilan kung bakit niya ‘yon ninakaw. For what?”, napaisip ako bigla dahil sa nireport sa’kin.

“Makakarating ‘to sa buong Health Department. Sisikapin kong makahanap ng vaccine at gamot sa tulong ng mga mapagkakatiwalaang mga tao. Wag kayong mag-alala. Babalik din sa normal ang lahat.”, matapang na sagot ko.

Hindi pwede na kumalat pa ‘to ng mas malala.

Madadamay din yung buong pamilya ko kapag nangyari ‘yon.

Naisipan kong pumunta na sa Health Department Office para makipag-meeting na sa kanila.

Nung malapit na ‘ko sa labas, nakita ko na naman yung babae.

Nakatingin siya sa’kin habang nakangisi.

Familiar talaga ‘tong babaeng ‘to.

Saan ko nga ba siya nakita?

CHAPTER 5
Minabuti naming isama sa meeting yung mga Scientists na nag-aral tungkol sa ‘Kyoyawa Virus’.

Hindi ko mapigil yung inis at galit ko sa kanila dahil sa kapabayaan nila.

Hindi ko rin maiwasan na hindi magalit dahil may isang traydor na nagkalat ng mga nangyari nung nakaraang linggo.

Pinost pa talaga sa internet?

Kung sino man siya, humanda siya sa’kin, lalo na sa Pangulo.

“Anong kapabayaan ‘yon? Bakit hinayaan niyo na mawala yung mga samples? Tignan niyo yung naging epekto! Hindi lang tatlo yung mga infected! Lagpas isang-daan na! Sa isang araw na ‘to, estimated sa 100 mahigit na yung infected! Paano pa sa ibang araw?! Dito pa lang sa Quezon City, ganiyan na karami! Eh, sa ibang lugar? Paano yung mga mahal niyo sa buhay? Ano kayang gagawin niyo? Ia-asa niyo sa mga alam niyo? Isa pa, paanong nakalabas yung tungkol sa dalawang infected nung mga nakakaraang linggo? Diba, may usapan tayo na hindi dapat malaman ‘yon ng mga tao? Ayaw natin silang magcause ng panic kaya pinili nating itago ‘yon!”, sermon ko sa kanila.

“Hindi nga po sila nagpanic nung mga nakaraang linggo, pero nagpapanic na sila ngayon dahil sa nagnakaw ng mga fluid samples. Wala na rin naman pong saysay yung post sa internet tungkol sa mga nangyari nung nakaraan, kasi maiintindihan naman nila kung bakit natin ginawa ‘yon. Nakita niyo naman po na nasolusyonan natin na hindi na dumami pa sa tatlo yung mga infected, diba po? Yung pinakamain na problema po natin is yung nagnakaw ng mga infected fluid samples.”, mahinahon na sabat sa’kin ng Secretary ko.

“Inside job po yung nangyari.”, biglang sabat nung isang Scientist.

“May I know your name?”, tanong ko bigla dahil na-curious ako sa kaniya.

“Choi Yoon Min po, Mr. Lacuna.”, polite niyang sagot.

Siya pala yung nagsumbong sa Director ng Angel Mercy tungkol sa pagnanakaw ng mga fluid samples, kaya nagkakaganito yung buong Quezon City ngayon.

“Sabi sa’kin ng Director ng Angel Mercy, ikaw yung nagsumbong sa kaniya nung tungkol sa mga ninakaw na samples sa lab niyo. Paano mo nasabing inside job yung nangyaring pagnanakaw?”, sa kaniya ko tinuon yung atensiyon ko ngayon dahil kailangan ko ng impormasyon galing sa kaniya.

“Nasabi ko po na ‘inside job’ yung nangyari dahil hindi naman ginamitan ng force yung pagkuha sa mga fluid samples ng mga naunang infected. Nakuha po yung mga samples ng malinis. Alam ng culprit yung password kung saan namin nilalagay yung mga pinag-aaralan naming samples, lalo na po yung pinakadelikadong sample galing sa mga ‘Kyoyawa Virus’ infected. Walang kahit na anong fingerprint na naiwan sa mga button kung saan ini-input yung password. Alam niya rin po yung mga hidden spots sa mga CCTV cameras para hindi siya mahagip.”, sumbong ni Yoon Min sa’kin.

“Kailangang maimbestigahan yung nangyari na ‘to. Hindi ‘to biro. Magpapatulong ako sa mga pulis at mga investigator sa nangyaring pagnanakaw na ‘to. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan!”, galit na galit na ‘ko dahil sa nangyari.

“Ano na pong aksyon yung gagawin natin ngayon, sir?”, tanong ng secretary ko.

“Hihingi ako ng tulong sa Presidente. Malaki yung chance na mahuhuli yung totoong culprit.”, makapangyarihan yung President kaya sa kaniya ko naisipang humingi ng tulong.

“Di naman na kailangang humingi ng tulong sa Pangulo. Ipa-ubaya mo na lang sa’min, Mr. Lacuna. Mahuhuli namin yung totoong may kasalanan. Mapapasakamay namin yung totoong magnanakaw.”, alok na tulong nung isang Scientist.

“Oo nga po, sir. Tutulungan ka po namin. Sigurado po kami na mahuhuli yung may sala.”, sabat nung isa.

“You have to make sure. Pababayaan ko kayo sa gusto niyong mangyari, pero pabayaan niyo rin ako sa gagawin ko. Hindi biro yung nangyayari sa bansa natin. Marami ng naaapektuhan, kaya gagawin ko lahat para sa mga taong infected. Ako yung Head ng Health Department at obligasyon ko yung kalusugan ng mga tao ngayon. Hihingi ako ng tulong sa Pangulo. Wala ng makakapigil sa’kin.”, mahinahon kong sagot sa kanila.

Ayoko na basta lang magtiwala sa iba, dahil buhay na ng mga tao yung nakasalalay dito.

•~•

Pag-uwi ko, nasa loob lang ako ng kwarto ko.

Iniisip ko kung sino yung nagpakalat ng balita sa internet kung bakit ang daming naka-alam na may mga unang infected na nung mga nakaraang linggo?

Siya rin ba yung may kagagawan ng pagkawala ng mga sample fluids ng mga infected?

Isa ba sa mga Scientist yung culprit? O isa sa mga tauhan ko sa Health Department yung traydor?

Si Claire ba? O yung Director nila?

Tinititigan ko na lang yung pendant.

“Hirai? Peace and community? Galing sa Japan yung virus, at mukhang manggagaling din sa Japan yung gamot? Tama ba yung iniisip ko?”, kinakausap ko yung pendant na hawak ko.

“Maging critical thinker ka. Wag kang mababawa mag-isip. Hawak mo na yung sagot. Nasa palad mo na. Nasa palad mo na rin yung gamot na hinahanap mo.”, bigla akong may narinig na boses ng babae.

Napalingon ako sa paligid ko dahil sa narinig ko.

Parang narinig ko na yung boses na ‘to?

Pati yung mga narinig ko.

“Mommy!”, narinig ko yung mga anak ko sa baba na sinasalubong si Claire.

“Where’s your Dad?”, hinahanap niya ‘ko.

“Nasa room po niya. Pag-uwi niya po kanina, dumiretso na po siya sa room niya tapos di na po siya lumabas. Mukha po siyang stress na stress. Di naman po niya sinasabi kung anong problema niya. Naririnig din po namin ni Jennie na may kausap si Dad. Tungkol po sa ‘Kyoyawa Virus’ yung pinag-uusapan nila.”, pinag-uusapan na nila ‘ko sa baba.

Lumabas na ‘ko ng room ko.

Di ko namalayan na ang tagal ko na palang nakakulong dito sa kwarto ko.

“Ayan na po pala si Dad.”, napalingon sila sa’kin nung nakita ako ni Jennie.

“I’m sorry. Nastress lang ako dahil sa nangyari. By the way, kumusta yung.. mga pasyente sa Angel Mercy?”, para akong nawalan ng energy.

“Hindi namin ine-expect yung dami ng mga pasyente. Last 3 weeks, tatlo lang naman-“, bigla siyang napatigil sa sinabi niya sabay tingin sa’kin na para siyang kinabahan, “Uh.. M-may kasama pala ako. Wala kasi siyang matitirahan dito sa QC. Sakto, may isang bakanteng room naman tayo na good for one person. Yung dating room ng isa nating Yaya. Nasa probinsiya daw yung mga magulang niya kaya nagmagandang-loob na ‘kong patuluyin muna siya dito. Siya yung bagong Intern sa department namin.”, pag-iiba niya ng topic.

Kahit ako kinabahan dahil muntik na siyang mabuking ng mga anak namin.

Teka? May kasama siya?

Sino naman kaya?

At dito titira sa bahay namin?

“Halika? Pasok ka.”, tinawag na niya yung papatirahin niya dito.

Paglitaw ng babae galing sa likod ng pintuan, para akong kinilabutan tsaka nanlamig yung katawan ko.

Tumayo yung mga balahibo ko hanggang batok.

“Magandang gabi po. Ako po si Samantha.”, pagpapakilala niya sa sarili niya habang nakangiti.

Siya yung nakita ko kanina sa Hospital.

“Hello po, ate Samantha.”, mainit siyang tinanggap ni Jennie.

“Hi, Sam. Welcome sa bahay namin.”, gusto rin siya ni Jillian.

Familiar talaga yung mukha niya.

“Sam na lang. Masyadong mahaba yung Samantha.”, natatawa niyang sagot sa mga anak ko.

“Hon? Bakit tulala ka diyan?”, tanong bigla ni Claire sa’kin.

“Familiar siya. Hindi ko lang matandaan kung.. saan?”, nauutal na sagot ko.

“Ikaw po yung nakita ko kanina sa Hospital, diba? Kasama mo si-“, pinutol ko yung sagot ni Sam.

“Hon? Can we talk?”, tinawag ko bigla si Claire.

“Sure.”, walang pagdadalawang-isip niyang sagot.

“Jill? Samahan mo si Sam sa room niya. Kung okay lang sayo, tulungan mo siya na ayusin yung mga gamit niya?”, mahinahon na utos ni Claire sa kaniya.

“Opo, Mom. Sige po.”, mukhang hindi naman labag sa loob niya yung inutos sa kaniya.

Paglapit ni Claire sa’kin, malayo na kami kay Sam kaya hindi na niya maririnig.

“Hindi dorm ‘tong bahay natin para magpatira ka ng stranger dito sa loob. Alam mo naman yung sitwasyon ng bansa natin, diba? Isa lang yung maging infected sa bahay na ‘to, madadamay na lahat! Dapat nag-iingat tayo! Hindi dapat tayo nagpapatuloy ng kung sinu-sino sa bahay na ‘to, Claire! Hindi ako selfish, alam mo ‘yan. Iba na kasi yung sitwasyon natin. Oo, gusto nating magmagandang-loob, pero hindi ngayon yung tamang panahon. Buhay ng pamilya natin yung madadamay kapag may isa lang na nakapasok na may ‘Kyoyawa Virus’.”, pabulong na sermon ko sa kaniya.

“Alam ko, Hon. Pero, sigurado akong hindi infected si Sam. Ilang linggo ko na siyang kasama sa Hospital. Ilang linggo ko na siyang katrabaho sa department namin. Walang kahit na anong bakas ng sintomas ng ‘Kyoyawa Virus’ sa kaniya.”, pagpupumilit niya.

“Paalisin mo siya, ngayon na. Wala akong tiwala sa babaeng pinapasok mo.”, ayokong mapahamak yung mga anak ko dahil sa babaeng wala akong katiwa-katiwala.

“Bahay ko din ‘to, kaya hindi kita susundin. May tiwala ako kay Sam. Alam kong hindi siya gagawa ng kahit na ano dito sa bahay. Kapag may nangyari, ako yung mananagot. Ako yung nagpatuloy sa kaniya dito kaya obligasyon ko siya.”, ang tigas na ng ulo niya.

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto nila kay Sam lalo na sina Jillian at Jennie?

Ngayon lang naman nila nakita.

“Ayokong pagtalunan natin ‘to. Ayokong mag-away tayo. Sige, kung ‘yan yung stand mo, di kita pipigilan. Basta, ikaw yung bahala sa kaniya dito sa bahay. Hindi ko papakielaman ‘yan.”, huminahon ako dahil alam kong away yung mangyayari kapag nakipagtalo pa ‘ko sa kaniya, “Magdinner na tayo. Nagluto na si Yaya.”, hinalikan ko siya sa noo para pakalmahin kahit paano.

“Sige. Isama na natin si Sam para sabay-sabay na tayo.”, huminahon naman na siya.

“Sige.”, wala na kong nagawa.

“Magbibihis lang ako.”, paalam niya.

Bumalik siya sa kwarto namin para magpalit ng pambahay.

Bumaba ako para tingnan si Jennie kung ano na yung ginagawa niya, pero wala na siya sa pwesto niya kanina.

“Ang ganda mo, ate Sam. Glass skin, oh? Tas di kita yung pores. Paano?”, naririnig ko yung boses ni Jillian na aliw na aliw kay Sam.

Samantha?

Familiar yung pangalan.

“Your hair is so healthy, ate. Pwede kang maging commercial model ng mga hair products.”, puri ni Jennie sa kaniya.

Napatingin ako kay Sam.

Sigurado akong familiar siya.

Nakita ko na siya dati, pero hindi ko lang matandaan kung saan.

Nahuli ako ni Sam na nakatingin sa kaniya kaya nginitian niya ‘ko.

Iniwas ko yung tingin ko sa kaniya.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.

Hindi ako mapakali.

Bigla akong kinabahan kahit hindi ko alam yung dahilan.

“Wag kang kabahan. Ako lang ‘to.”, muntik ko ng ibuga yung iniinom ko nung narinig ko si Sam galing sa likod ng pintuan ng ref.

Nagulat ako sa kaniya.

Paano siya napunta dito?

Sinundan ba niya ‘ko?

Pero, paano?

Wala naman akong narinig na sumunod sa’kin.

“Kalma ka lang. Gusto lang kitang tanungin kung alam mo na yung ibig sabihin ng pendant? Naisip mo na ba? Naging critical thinker ka na ba?”, nakangisi niyang tanong.

Paano niya nalaman yung tungkol sa pendant?

Siya ba yung kausap ko tungkol doon?

“Sino ka ba talaga?”, hindi na maganda yung nararamdaman ko sa taong ‘to.

“Nakalimutan mo na agad? Yung mukhang ‘to, nakalimutan mo? Nakakaoffend, Mr. Lacuna.”, pang-aasar niya.

“Tantanan mo pamilya ko. Wag kang gagawa ng kung anu-ano dito sa bahay namin, kung hindi.. palalayasin kita agad. Naiintindihan mo?”, pagbabanta ko sa kaniya.

“Sa oras na dumating yung tulong na hinihintay mo, kakainin mo yang mga sinasabi mo.”, parang walang bakas ng pangamba sa mukha niya.

Hindi siya nasisindak sa mga pagbabanta ko.

“Hon? Sinong kausap mo diyan?”, tanong ni Claire sa’kin pagbaba niya kaya napatingin ako sa kaniya.

Paglingon ko sa may pintuan ng ref, nawala si Sam.

Hinanap ko siya sa paligid ko pero hindi ko talaga siya makita.

“Nandito si Sam kanina.”, bakas sa boses ko na naguguluhan ako.

“Si Sam? Kasama siya nina Jillian. Niyaya ko na ngang lumabas kasi kakain na tayo.”, bigla akong nastatwa sa narinig ko.

Minumulto na ba ‘ko?

“Kanina lang kausap ko siya dito. Dito mismo, sa may tabi ng pintuan ng ref. Di ako pwedeng magkamali. Nandito siya kanina.”, kabadong paliwanag ko.

Napatingin ako sa likod ni Claire nung nakita kong kasama nga ng mga bata si Sam.

“B-bakit po?”, tanong ni Sam sa’kin nung nakita niyang nanlalaki yung tingin ko sa kaniya.

“Dad? Bakit parang nakakita ka naman ng multo?”, biro ni Jillian sa’kin.

“Maputla lang si Sam, Hon. Hindi siya multo.”, sinakyan naman siya ni Claire sa biro niya.

Natawa din si Sam ng konti.

Biglang tumitig sa’kin si Sam kaya mas kinilabutan ako.

“Sir? May naghahanap po sa inyo sa labas ng gate.”, pagtawag ng Yaya namin sa’kin.

Iniwan ko muna sila at pinuntahan ko yung tao sa labas ng bahay.

Nung malapit na ‘ko sa gate, may familiar na mukha akong nakita.

“Choi Yoon Min?”, siya yung isa sa mga Scientists na kausap ko kanina sa meeting.

What is he doing here?

Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

CJAPTER 6
Kinabukasan, nagpatawag ako ng meeting para sa good news na ibabalita ko sa buong Health Department.

Sigurado akong matutuwa din ang Pangulo dahil dito.

“Mr. Lacuna? Bakit naman po may biglaang meeting tayo ngayon? Nahuli na po ba yung culprit na hinahanap natin?”, agad nilang tanong sa’kin.

“Hindi pa. Pero may chance na gumaling na yung mga infected sa nasabing virus. Wala pang kasiguraduhan kung siya na yung sagot, pero malakas yung kutob ko. Wala namang masama kung susubukan niya, diba?”, tanong ko sa kanila.

Para akong nabuhayan ng loob.

“Sino po yung tinutukoy niyo, sir?”, tanong nila sa’kin.

Sinenyasan ko na si Yoon Min na pumasok dito sa loob kasama yung Doctor na binanggit niya sa’kin na mukhang makakatulong sa pagsugpo ng Kyoyawa Virus.

Ngayon ko pa lang mami-meet ng personal yung nirecommend sa’kin ni Yoon Min.

Hindi naman ibig sabihin na nandito yung Doctor na ‘to, 100% na kaming magtitiwala sa alam niya at kung anong meron siya.

Ako pa rin yung masusunod kung pipirmahan ko yung gamot na gagawin niya na makakatulong para sa virus.

“Introduce him, Mr. Choi.”, utos ko sa kaniya.

“Siya po si Dr. Hirai Kosuke. Isa po siyang Filipino-Japanese Doctor galing sa Japan. Nabalitaan po niya yung kumakalat na Kyoyawa Virus dito sa Pilipinas kaya gusto niya pong tumulong. May mga kaparehas po na sintomas ng Kyoyawa Virus yung tumama sa isang isla sa Japan, and sa tulong po ng pag-aaral nila sa sakit na ‘yon, nakagawa po sila ng mga vaccine para mawala na yung mga sakit nila. Nakakabigla lang daw po na mas malakas umepekto yung mga virus dito sa Pilipinas. Sa Japan, wala naman daw pong napabalitang kaso na may namatay.”, paliwanag ni Yoon Min sa’min.

Hirai?

Yun yung sinabi ni Jillian sa pendant na nasa akin ah?

Peace and community?

//Flashback (9:30PM, Yesterday)//

Magkakasama kaming kumain ngayong dinner, at kasama rin namin si Sam.

Hindi ako makakain ng maayos dahil sa nangyari kanina.

Napapatitig ako kay Sam dahil sa nangyaring hindi mapaliwanag.

“Dad? Napapansin ko, kanina ka pa nakatingin kay Sam. Para kang takot na takot. Anong nangyayari sayo, Dad? Okay ka lang po ba talaga?”, nag-aalalang tanong ni Jill sa’kin kaya napatingin din si Claire at Jennie, pati driver at Yaya namin.

Si Sam naman, napahinto sa pagkain tsaka siya tumitig sa’kin na parang nagtataka.

“May dumi po ba ‘ko sa mukha, sir?”, tanong niya sa’kin.

Baka dala lang ng stress kaya kung anu-ano na lang yung mga nakikita ko?

“Wala naman. Ang dami ko lang iniisip. Sorry.”, binaling ko na lang sa iba yung tingin ko.

Parang ang awkward na kasi para sa kaniya na tingin ako ng tingin.

“Sino po pala yung kausap mo sa labas kanina, Dad?”, tanong ni Jennie.

“Isa sa mga Scientist na nakadiskubre ng Kyoyawa Virus. May good news lang siyang sinabi. Sigurado ako, matutuwa din kayo kapag nalaman niyo.”, iniba ko na lang yung topic para hindi na ‘ko kabahan.

“Sila pala yung nakadiscover ng virus tapos hindi man lang inabisuhan yung publiko para sana naging aware tayong lahat? Hindi man lang nireport sa inyo, Dad? Kung nireport nila agad sa Health Department yung virus na ‘yon, edi sana alam na ng buong bansa na may nangyayaring ganon? Sana, mas naprevent yung pagkalat? Nagmula sa dalawa, tapos ngayon libo na. Bakit kailangang itago? Palpak din madalas yung mga nangunguna sa mga ganiyan, eh. Kung sino man silang mga iresponsable, hindi nila deserve yung mga position na meron sila. Mga stupid.”, biglang sabat ni Jillian kaya nagkatinginan kami ni Claire.

Sa loob ng bahay na ‘to, kaming dalawa ni Claire yung natatamaan.

“Hindi lang nila gusto na magpanic ang mga tao, Jillian. Hindi sila stupid gaya ng iniisip mo, anak. Baka.. gusto muna nilang pag-aralan ng pribado yung sakit na ‘yon para mapag-aralan at maagapan agad ng hindi na nalalaman ng mga tao na may ganung klase ng sakit? Magiging less ang chaos.”, mahinahon na sabat ni Claire.

“Ano nga po pala yung good news, Mr. Lacuna?”, tanong sa’kin ni Sam kaya naibaling na sa iba yung atensiyon nila.

“Tungkol nga pala sa good news. May isang Doctor daw galing sa Japan na nakagawa na ng vaccine laban sa Kyoyawa Virus. Meron daw kasing mga naging infected sa Japan na kagaya ng mga sintomas ng virus dito at pinag-aralan nila agad. Nalaman niya yung balita dito tungkol nga sa Kyoyawa Virus galing sa Scientist na nakausap ko kanina dahil magkakilala sila. Diba, good news?”, masaya kong sagot sa kanila.

Mukha naman silang nabuhayan ng pag-asa.

“Really, Dad? Wag mo ng pakawalan ‘yan. Pirmahan mo na po agad kapag natest na yung vaccine.”, napalitan ng saya yung kaninang mood ni Jillian.

Sino bang hindi matutuwa sa magandang balita na ‘to?

“Diba? Sabi ko na sayo, eh? Magpapasalamat ka sa gagawin ko. Ano? Itataboy mo pa ba ‘ko? Siya na yung gamot na hinihingi mo. Siya yung gamot na nasa kamay mo na. The pendant, remember?”, napatingin ako bigla kay Sam nung kinausap niya ‘ko.

Ang talim ng tingin niya sa’kin habang nakangisi at nakacrossed-arms pa.

“Anong kinalaman ng pendant sa kaniya? Bakit connected siya sa pendant?”, curious na tanong ko.

Nakangiti lang siya at hindi nagsasalita.

“D-Dad? Sino pong kausap mo?”, tanong ni Jennie sa’kin kaya napatingin ako sa kaniya.

“Si Sam? Kinakausap niya ‘ko.”, medyo kinalmahan ko yung sarili ko.

“Hindi ka naman niya kinakausap, Daddy. Kumakain lang siya.”, medyo weird na rin yung tingin sa’kin ni Jillian.

Napatingin ako ulit kay Sam.

Kumakain nga lang siya.

Nababaliw na ‘ko.

Kung anu-ano na lang yung naiisip ko!

“Don’t mind me. Stress lang siguro talaga ako kaya.. medyo nagha-hallucinate ako. Sorry.”, palusot ko sa kanila.

Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko.

//End of Flashback//

Nagtatahi-tahi na yung lahat.

Siya yung ‘Hirai’ na meaning ng pendant.

Gagaling na yung mga infected.

Matatapos na rin ‘to sa wakas.

“Ginawa po namin yung vaccine sa Japan para sa lahat ng tao. Mahirap man po o mayaman, may karapatang gumaling. Hindi po kasi pera yung mas priority namin doon, kung hindi po yung mga kalusugan at buhay ng mga Japanese na infected. Kaya po gusto ko rin pong tulungan yung bansa na kinalakihan ko, na magkaroon din po ng pagkakataon na mabuhay lahat. Sa Japan po, ¥1800 po yung presyo ng bawat vaccine, and pag naconvert po dito, 800 pesos na lang po. Diba po, mas maganda? May pag-asa po na gumaling lahat?”, pagi-introduce niya ng vaccine na naimbento nila, “Actually, may mga document akong dala. Approval at pirma na lang po ni Mr. Lacuna yung kulang. Tsaka, balak ko po na magkaroon ng libreng bakuna sa isang bayan o barangay dito sa Pilipinas na hindi naaabutan ng tulong ng gobyerno lalo na po ngayong may pandemic. Sa mga pasyente po namin sa Japan, kinabukasan lang gumagaan na pakiramdam nila pero nandoon pa rin po yung sakit ng ulo pero hindi na malala.”, mas lalo akong napapahanga dahil sa mga report niya sa’min.

“Kailangan pa naming mag-meeting ng Pangulo para diyan. Alam mo naman, hindi basta-basta yung gusto mong mangyari, diba? Naiintindihan ko at naiintindihan naming lahat na nagmamagandang-loob ka, at naa-appreciate naming lahat ‘yon. Don’t worry. Kapag natapos na yung meeting namin with Mr. President, maga-update kami agad sayo.”, sagot ko sa kaniya.

“Salamat po, Mr. Lacuna. It’s my pleasure to help all of you. Iiwan ko na lang po yung mga documents dito para po sa proposal ko na tumulong. Kahit wala pong kapalit, basta gumaling lang po yung mga infected dito, okay na po ‘yon sa’kin at sa buong medical team po namin sa Japan.”, lahat kami napangiti dahil sa magandang balita na ‘to.

Sino bang may gusto na hindi gumaling yung nakararami?

•~•

Nandito lang ako sa opisina ko mag-isa habang binabasa yung pinasa na proposal ni Dr. Hirai.

“Nanggaling sa isang klase ng isda sa ilalim ng dagat yung virus, at nakakain ‘yon ng mga squid na hinahain ng hilaw sa specific na isla na ‘yon. Nagkaroon ng mutation sa bacteria na meron yung specific fish at yung squid kaya nakabuo ng isang virus. Nabuhay yung virus sa katawan ng squid, at nakain ng tao. Dahil sa nagmutate na virus galing sa squid, nagkaroon ng reaction ‘yon sa katawan ng tao at mas lumakas pa yung mutation ng virus galing sa squid dahil sa mga bacteria ng mga tao sa katawan. Dito nabuo yung ‘Kyoyawa Virus’.”, busy ako sa pag-aaral kung ano nga ba yung naging sanhi ng virus na ‘to, “Tugma nga ‘to sa mga nadiskubre ng mga Scientists namin dito. Yung virus sa Japan na galing sa mga infected nilang mamamayan at yung virus ng mga naunang tatlo na infected dito sa Pilipinas, iisa lang.”, hawak-hawak ko din kasi yung report ng mga Doctor tsaka mga Scientists dun sa tatlong naunang pasyente.

Pinagtutugma ko lahat.

Gusto ko rin kasi munang makasigurado.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, nagring yung phone ko bigla.

“I’m in the middle of my work. Bakit ka napatawag?”, bungad ko sa Director ng Angel Mercy.

“Gusto ko lang ibalita sayo na tumataas na ulit yung kita ng Hospital na ‘to mula nung nagkaroon ng pandemic na ganito. Parang mas pabor pa sa’kin na nagkaroon ng ganito? Kahit na tumaas na yung rates ng Hospital na ‘to, marami pa ring nagpapa-admit at nagpapa-confine. Wala silang choice. Yung mga hindi afford magpa-admit dito, wala na kaming magagawa. Kahit naman magkaroon na ng mga gamot tsaka vaccine, hindi pa rin sila makakatungtong sa Hospital na ‘to. Ang mahal-mahal ng magiging vaccine tsaka gamot for sure. Mga may pera lang yung makakapagpagamot dito.”, report niya sa’kin.

“Actually.. may Doctor nga na nagpunta dito para magbigay ng proposal para sa gamot na nagamit na nila sa Japan. Marami ‘tong matutulungan kung mapapatunayan na effective rin sa ibang mga infected sa ibang lugar. Malapit na tayong bumalik sa dati, nararamdaman ko na.”, kwento ko sa kaniya.

“Talaga? Mga magkano naman yung per shots of that vaccine? Galing Japan yung gamot so ine-expect ko na mas mahal ‘yan. Mabubuhay na naman yung mga Hospital na unti-unti ng bumabagsak dahil sa mga vaccines.”, parang ang saya-saya niya.

“Well, hindi ko muna ide-detalye sayo ng buo yung tungkol sa vaccine na ‘to. Kailangan ko pang makipag-meeting with Mr. President para sa proposal ng Doctor na gustong tumulong sa’tin.”, paliwanag ko na mukha namang naintindihan niya.

“Parang nakaka-excite naman yang magandang balita na ‘yan? Kung para sa ikabubuti ng mga Hospital, pirmahan mo na agad. Maraming pupuri sa kabayanihan mo at ng Doctor na ‘yan kung kikita ulit yung mga Hospital. Wag mo ng palampasin ‘yan, Mr. Lacuna.”, suggestion niya.

“Oo naman. Hindi ko na palalampasin ‘to. Marami ng matutulungan ‘to kaya gagawin ko lahat. Kung pwede ko lang ibigay lahat ng oras ko para matulungan yung Doctor na ‘to na makasama sa mga lugar na pupuntahan niya to test the vaccine for those people na hindi naaabutan ng tulong, gagawin ko. Take note of this. Libre niyang magagamot yung mga taong wala talagang sapat na pera at malayo sa syudad. He’s willing to risk his own life na harapin yung virus, gumaling lang yung mga infected. He’s amazing.”, puring-puri si Dr. Hirai sa kwento ko sa kaniya.

“Wait? What did you say? Libre? As in walang bayad? Masyado naman yatang sinuswerte yung mga taong ‘yon? Wala ng libre sa mundo, Mr. Lacuna! Nahihibang na yang Doctor na sinasabi mo! Paano kung effective pala yung vaccine? Tapos, gumaling sila ng libre? Ang laking kabawasnan ‘non sa kikitain ng mga Hospital! Imbis na sa mga Hospital na lang mapunta yung mga vaccine, napunta lang sa mga walang pambayad! Hindi nag-iisip yang Doctor na binibida mo sa’kin ngayon. Sana, gamitin niya yung utak niya! Doctor pa man din?”, inis na sagot niya sa’kin tsaka niya binaba yung tawag.

Tama nga naman siya.

Wala ng libre sa mundo.

At yung halaga ng mga vaccine na ‘to, masyadong mura.

Yung iba, mapupunta pa sa libre.

Kailangan talaga naming pag-usapan ng Pangulo kung ano yung dapat na gawin.

“Ang hirap mag-isip, diba?”, napalingon ako sa kanan dahil sa biglang may nagsalita.

“P-paano ka nakapunta dito? Paano ka nakapasok?”, nagulat ako dahil sa pagdating ni Sam.

Umupo siya sa mesa sabay harap sa’kin.

“Nararamdaman ko, Mr. Lacuna. Nagtatalo yung puso at isip mo. Yung nasa puso mo, yung kapakanan ng mga tao lalo na ng mga infected. Sa isip mo naman, yung pera na kikitain kung sakali mang mapirmahan mo na ‘yang proposal ni Dr. Hirai. Sabagay, napakamura ng mga vaccine kung sakali man na mapirmahan mo yung proposal niya. Mas marami ng magpapagamot sa kaniya kesa sa mga Hospital na nangangailangan ng pera, or else.. maba-bankrupt sila? Pero atleast, gumaling yung mga pasyente. Diba?”, hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Sam.

Ginugulo niya yung pagde-desisyon ko.

“Bakit ka nandito? Diba dapat nasa Angel Mercy ka? Tumutulong ka dapat sa mga pasyente. Bumalik ka na ‘don.”, medyo inis kong pagtataboy sa kaniya.

“Concern ka ba talaga sa mga pasyente? O mas concern ka sa pera? Naguguluhan ka na ba? Hindi ko ginugulo yung isip mo, Mr. Lacuna.”, natatawa niyang sagot sabay lapit sa’kin tsaka niya nilapit yung mukha niya sa tenga ko, “Palagi kong sinasabi sayo. Nandito ako para tumulong.”, bulong niya sa’kin.

“Tantanan mo na ‘ko!”, hindi ko na nacontrol yung sarili ko kaya napasigaw ako.

Paglingon ko, hindi na si Sam yung katabi ko kung hindi yung Secretary ko.

“Sir? Bakit niyo po ako sinisigawan?”, kahit siya nagulat sa nagawa ko.

“Sorry. Hindi ikaw yung sinisigawan ko.”, nahiya ako bigla sa kaniya, “May nakita ka bang babae dito kanina? Mahaba yung buhok na kulay black tapos naka-uniform ng pang-intern pang Hospital?”, tanong ko bigla sa kaniya.

“Wala po, sir. Naabutan ko lang po kayo na may kinakausap pero.. wala naman po kayong kausap.”, sagot niya kaya napayuko ako at napasapo ng ulo.

Nababaliw na ‘ko.

Di ko na alam yung gagawin ko sa sarili ko.

CHAPTER 7
Director’s POV:

“Libre? Nahihibang na ba yung Doctor na ‘yon? Bakit? Gusto ba niyang mang-agaw ng mga pasyente? Hindi pwede. Ayoko na ulit bumagsak yung Hospital na ‘to! Kailangan namin ng maraming pasyente! Kailangan namin ng maraming pera! Masyado siyang nabubulag sa kabaitan niya! Hindi ba niya alam na pera yung nagpapatakbo ng buhay ng mga tao? Pag wala kang pera, wala kang karapatang mabuhay!”, inis na inis ako habang kinakausap yung sarili ko.

Nandito ako sa conference room mag-isa.

Busy yung mga ‘Frontliners’ ko sa mga pasyente, lalo na sa mga infected.

Natutuwa ako na naa-admit lang sila ng matagal dito pero walang kasiguraduhan kung gagaling sila.

Nadadagdagan lang lalo yung mga bill nila dito sa Hospital, at mas dumadami lang yung pera ko.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang may kumatok.

“Tuloy!”, pagbibigay ko ng permit sa kung sino man yung gustong pumasok.

“Good afternoon po, Director.”, bungad ni Intern Sam sa’kin.

Kumalma muna ‘ko at nagbuntong hininga.

“Yes? What brings you here?”, maayos kong approach sa kaniya.

“Gusto ko lang po sana kayong makausap.”, magalang niyang sagot.

“Wala ka bang ibang ginagawa? Dapat kasama ka nina Dr. Claire ngayong oras na ‘to, diba?”, tanong ko bigla sa kaniya.

“Tapos na po yung ginagawa ko ‘don, Director. Break time po namin kaya naisipan ko po na pumunta dito para makausap kayo.”, rason niya sa’kin.

“Tungkol naman saan?”, nacurious ako bigla kung anong gusto niyang sabihin.

“Nabalitaan ko po kasi na planted yung nangyari, kung bakit dumami lalo yung mga infected. Pinlano at sinadya yung pagkalat ng virus, pero hindi ko po alam kung bakit? Sa tingin niyo po? Bakit kaya?”, parang wala lang sa kaniya yung mga tinatanong niya.

“Bakit mo tinatanong sa’kin ‘yan? Wala ka naman ng pakielam dapat sa mga issue na ganiyan, diba? Nandito ka para magtrabaho. Hindi para kumalap ng mga chismis at makipagkwentuhan lang sa’kin sa mga walang kakwenta-kwentang mga bagay.”, pagsesermon ko sa kaniya.

“Sa loob ng lab ng mga Scientists, doon nakalagay yung mga fluid samples ng mga naunang infected. Wala naman na silang nahawa, diba po? Na-fixed na sa tatlo lang yung mga infected dahil maagang naagapan. So..”, bigla siyang napatingin sa taas na parang nag-iisip, “Ang ibig sabihin ‘non, possible na inside job yung nangyari? May sabwatan na naganap kung bakit kumalat ng ganito katindi yung Kyoyawa Virus? Pero kung yun nga yung nangyari, bakit nila ‘yon ginawa? Kaya nilang ipahamak yung maraming mga inosenteng tao para lang sa mga dark agendas nila? Napakawalang puso naman talaga ng mga gumawa ‘non, no? Ano pong masasabi niyo?”, bigla niya ‘kong nginitian at tinitigan ng matalim.

“Shut your mouth. Walang katotohanan sa mga sinasabi mo. Bakit naman nila gagawin ‘yon? Hindi sila ganun kasama para gawin yung iniisip mo. At kung magtatanong ka ulit sa’kin ng mga ganiyan, tatanggalin kita dito sa Hospital na ‘to ora-mismo! Naiintindihan mo?”, pagbabanta ko.

“Bakit nila gagawin ‘yon? Siguro.. dahil sa pera? May iba pa bang dahilan para magawa nila yung ganung kahindik-hindik na bagay? Tsk tsk..”, bigla siyang nalungkot at napayuko ng konti, “Sa bagay. Kung ako naman yung nasa sitwasyon nila, baka ganun din yung gagawin ko, lalo na kung malalaman kong malapit ng mabankrupt yung business na iniingat-ingatan ko. Baka magnakaw na rin ako para masalba kung anong meron na lang ako. Atleast, hindi ako mawawalan. Hanggang sa mamatay ako, may pera pa din ako. Pera lang yung makakapagsurvive sa’kin.”, kwento niya sa’kin.

Ano bang gusto niyang iparating?

Kakampi ba siya o hindi?

Bakit niya sinasabi sa’kin lahat ng ‘to?

Bakit parang ang dami niyang alam?

“Sabihin mo nga sa’kin? Ano ba talagang sadya mo dito? Magkwento lang sa’kin ng mga useless opinion mo?”, gusto kong maliwanagan.

Kung ganito din yung mindset niya, magagamit ko siya.

Pwede ko siyang maging kakampi, o pwede ko siyang gawing pain?

“Nandito po ako para sabihin sa inyo na.. kakampi mo ‘ko. Kung iniisip mo na sinasabi ko sayo yung mga bagay na ‘to para takutin ka, nagkakamali ka. Kung gusto mong hingin yung tulong ko, I’m always free, Director. Wag kang mag-alala. Mapagkakatiwalaan ako.”, nakangiti niyang sagot, “Sige po. Babalik na po ako sa department namin. Mauuna na po ako.”, nagpaalam na siya tsaka siya lumabas ng conference room.

Bigla akong kinabahan.

Ang dami niyang nalalaman.

Paano niya nalaman yung tungkol sa mga bagay na ‘to?

May nagsabi ba sa kaniya?

Hindi niya pwedeng malaman kung ano yung mga ginawa ko.

Wala pa rin akong tiwala sa kaniya.

Pero, tutal.. siya na yung nagsabi na pwede ko siyang magamit, gagamitin ko siya.

Gagamitin ko siya ng wala siyang nalalaman na kahit na anong impormasyon mula sa’kin.

Kung sakali man na magkahulihan, siya yung gagamitin kong pain para hindi ako yung mabalingan ng atensiyon.

Salamat, Sam.

Dahil sayo, magiging malinis pa rin yung pangalan ko at hindi masasayang lahat ng ginagawa ko.

•~• •~• •~•

Claire’s POV:

Nandito kami sa loob ng ‘Operating Room’.

Kasama ko yung buong department namin dahil may inooperahan kaming bata.

Walang kinalaman sa virus yung sakit niya.

Nung nakaraan pa siya nakaschedule sa’kin.

“Forceps.”, nilahad ko yung kamay ko tsaka nila inabot yung hinihingi ko.

Nagsimula na ‘kong operahan yung pasyente ko.

Pinupunasan nila yung mga pawis ko kapag may malapit ng tumulo.

“Scissor.”, nilapag agad nila sa palad ko yung gunting.

Ilang minuto ko na ring sinasagawa yung operation.

Kailangang matapos ko ‘to sa limited na oras na kailangan, or else.. mamamatay yung pasyente ko.

‘Brain Tumor’ yung sakit niya.

“Suction.”, ginamit ko ‘to para mawala yung mga surgical fluids na nasa utak niya.

Habang nasa kalagitnaan ako ng operasyon, biglang bumukas yung pintuan at nakita namin si Sam na tumatakbo papunta sa pwesto namin.

“Dr. Lacuna?”, hinihingal pa siya nung pumasok kakamadali, “Kailangan po kayo sa labas. Kulang na po yung mga Doctor. Ang dami pong sinugod.”, hinahabol niya yung paghinga niya habang nagrereport sa’min ng mga nangyayari sa labas.

“Paano siya nakapasok dito?”, nagtaka bigla yung iba kong kasama dito sa loob.

“Hindi ka pwedeng pumasok dito, Sam. Lalo na, nasa gitna kami ng operasyon. May oras din kaming hinahabol dito.”, sagot ko sa kaniya.

“Pero, Dr. Lacuna.. kailangan niyo po talagang lumabas. Kailangan po nila kayo ‘don.”, pagpupumilit niya.

“Sige na. Ako na munang bahala dito. Kailangan ka nila ‘don. Sumama ka na kay Sam.”, pagsalo sa’kin ni Leila.

“Sige. Salamat, Leila.”, pinaubaya ko na sa kaniya yung ginagawa ko.

Paglabas namin ni Sam ng Operating Room, hinubad ko agad yung surgical gown, cap, mask at gloves ko at nilagay ko agad kung saan namin dapat nilalagay dahil disposable yung mga ‘yon.

Nagsanitize muna ‘ko ulit bago ako nagsuot ng mga panibagong gloves at mask.

Sumunod ako kay Sam kung saan ako kailangan.

Ang dami nga nila.

Mas madami ‘to kesa sa mga bilang nung mga nakaraang araw.

“Salamat po at dumating kayo. Kulang na po kasi yung mga Doctor na kailangan.”, naiiyak na yung mga nurse na sumalubong sa’kin.

“Na saan na ba yung ibang mga Doctor?”, tanong ko.

Alam ko, ang dami pang mga Doctor dito na bakante ngayon para sa mga pasyente.

“I-infected na po yung iba. Tapos po, yung dalawa.. patay na. Nahawa po sila ng virus ng mga pasyente.”, nanlumo ako bigla sa narinig ko.

Nakaramdam din ako ng kaba at takot at the same time.

Pero, trabaho ko ‘to.

Haharapin ko yung virus para iligtas yung mga pasyente kahit na anong mangyari.

Buhay na namin yung nakasalalay dito para sa mga infected.

Mas mabuti ng mamatay na may naitulong ka kesa sa buhay ka nga, pero wala ka namang nagawa para mabuhay yung mga pasyente mo.

Hindi ka karapat-dapat na matawag na Doctor kung hindi mo isasakripisyo yung sarili mong buhay para sa buhay ng mga pasyenteng umaasa sa inyo.

“Na saan na yung ibang mga pasyente?”, tanong ko sa kaniya.

“Nasa ER na po, Dr. Claire.”, agad niyang sagot.

“Sige. Pupunta na ‘ko ‘don. Mag-iingat ka. Ingatan mo rin yung sarili mo, ha?”, payo ko sa kaniya bago ako magmadaling pumunta ng ER.

Nung papunta na ‘ko sa ER, may nahagip yung paningin ko na sa tingin ko, kilala ko.

“Hon? Bakit siya nandito? Kilala niya si Director? Magkakilala sila?”, nakita mismo ng dalawang mata ko na yung asawa ko nga yung kausap ni Director malapit sa may Conference Room.

“Si Mr. Lacuna po ‘yan, diba?”, tanong ni Sam sa’kin paglapit niya.

“Oo. Siya nga. Bakit siya nandito? At bakit magkausap sila ni Director?”, nagtataka kong sagot sa kaniya.

“Mukhang seryoso nga po yung pinag-uusapan nila, eh? Narinig ko po kanina, pinag-uusapan nila yung tungkol sa vaccine na galing sa Japan galing kay Dr. Hirai. Parang tutol po si Director na pirmahan ni Mr. Lacuna yung proposal ni Dr. Hirai tungkol sa vaccine?”, kwento ni Sam sa’kin.

“Ibig sabihin, magkakilala nga sila. Hindi nila pag-uusapan ‘yan kung hindi sila magkakilala. Kailan pa? Bakit hindi ko alam?”, napatanong din ako sa sarili ko, “Paano-“, tatanungin ko sana si Sam pero nawala siya sa paningin ko.

Napalingon ako sa paligid ko bigla.

Nawala si Sam.

Kausap ko lang siya kanina, ah?

May kausap ba talaga ako?

Hindi ko na lang pinansin yung nangyari at pumunta na ‘ko sa ER dahil kailangan nila ‘ko ‘don.

•~•

Natapos na yung operasyon ng pasyente ko sa tulong ni Leila.

Nakakapagod din yung ginawa ko sa ER.

Natataranta na lahat dahil sa mga pasyente na dinala ‘don.

Nakakakilabot yung sabay-sabay na daing nila ng malakas.

Hirap na hirap talaga sila at sobrang sakit ng ulo.

Nagsanitize muna ‘ko bago ako bumalik sa department namin.

“Kumusta po, Dr. Lacuna?”, bungad ni Sam sa’kin.

Napatingin lang ako sa kaniya.

“Can I ask you a question?”, yan agad yung nasabi ko.

“Ano po?”, sagot niya.

“Nakausap kita kanina, diba? Tungkol sa asawa ko? Nakita mo sila ni Director na magkausap, right?”, sunod-sunod na mga tanong ko.

Wala akong pakielam kahit may ibang nakakarinig.

“Ako po? Hindi ko naman po kayo nakausap mula nung tinawag ko po kayo sa Operating Room, Dr. Lacuna.”, pagtanggi niya.

“Kanina pa po kami magkasama ni Sam, Dr. Claire. Sabay din po kaming nagpunta dito. Nung tinawag niya po kayo sa ER, dumiretso na siya sa’kin para tulungan ako sa ginagawa ko.”, sabat sa’kin ng isa pang Intern.

Baka nga nagi-imagine lang ako.

“Nakita niyo po si Mr. Lacuna dito? Baka po may mahalaga po siyang ginawa o kaya kailangang malaman tungkol po dito sa Hospital kaya po nakipagkita siya kay Director para makipag-usap?”, hindi siguradong sagot ni Sam sa’kin.

“Sa tingin mo, tungkol kaya saan?”, hindi ko rin alam kung bakit ako sa kaniya nagtatanong.

“Baka po.. tungkol sa virus or vaccine? Baka matagal na po silang magkakilala tapos, hindi niya lang po sinasabi sa inyo? May mga nalalaman po yata siya na hindi niyo alam, Dr. Lacuna?”, bigla akong nagkaroon ng duda sa asawa ko.

May hindi nga ba talaga ako alam?

Anong alam nilang dalawa na hindi nila pinapaalam sa lahat?

Anong alam koneksyon nilang dalawa?

Kailangan kong kausapin yung asawa ko.

Iba yung nararamdaman ko.

Iba yung kutob ko sa nakita ko kanina.

Ngayon lang ba sila nag-usap o nag-kita ng patago?

Bakit hindi niya sinabi sa’kin na magkakilala pala sila ni Director?

Walang magandang maidudulot si Director sa buhay niya.

Kilala namin si Director, at alam naming lihis at wala sa tamang landas yung pag-iisip niya pagdating sa pera.

Natatakot ako sa kung ano man yung magiging takbo ng isip ng asawa ko kapag nagpatuloy pa siya sa pakikipag-usap kay Director.

“Mauuna na kami ni Sam. Kailangan na naming umuwi.”, paalam ko sa mga kasama namin sa department.

“Sige po, Dr. Lacuna. Mag-iingat po kayo.”, sila yung mga kapalit namin sa mga oras na ‘to.

Sila na muna yung bahala ngayon dito.

Panggabi yung shift nila, at kami ni Sam pang-umaga.

“Dr. Lacuna? Naisip ko lang po. Ano po kaya yung mga napag-uusapan ni Mr. Lacuna tsaka Director? Kanina po kasi, narinig ko na may kausap si Director sa phone. Hindi ko na po inalam kung sinong kausap niya, pero feeling ko po.. si Mr. Lacuna ‘yon. Pinag-uusapan po nila yung tungkol sa vaccine na galing sa Doctor na galing sa Japan, yung tutulong po sa’tin gamit yung mga vaccine na meron siya. Sabi po ni Director, pabor daw po sa kaniya yung nangyayari ngayon na may pandemic na ganito kasi lumalakas daw po ulit yung kita ng Hospital. Narinig ko rin po na mukhang tutol po siya na mapirmahan ni Mr. Lacuna yung proposal ng Japanese na Doctor kasi gagawin niyang libre ‘yon para sa mga tao na hindi afford yung vaccine.”, kwento ni Sam sa’kin habang nasa elevator kami na kaming dalawa lang.

“Kaya nga hindi pwede na makausap ng asawa ko si Director. Ayokong lasunin niya yung isip ng asawa ko. Mas lumalala na yung ugali ni Director ngayong nagka-pandemic. Hindi na tama ‘to. Yung pagtaas niya ng rates dito sa Hospital ng triple, hindi na makatarungan. Nakilala yung Hospital na ‘to bilang takbuhan sa lahat ng nangangailangan. Ngayon, kung kailan kailangan na kailangan kami, hindi na kami malapitan ng ibang mga pasyente dahil sa taas ng bills.”, sobra na ‘kong nadi-disappoint.

Tumaas nga yung kita ng Hospital na ‘to pero hindi naman namin ramdam.

Wala namang nagbabago sa kinikita naming mga Doctor, Nurses at lahat ng frontliners dito sa Hospital na ‘to.

Para lang naming sinasakripisyo yung buhay namin para magpakamatay.

Pero, kapag nakikita ko yung mga pasyente, nawawala na lang ‘yan sa isip ko.

Mas iniisip ko na lang yung mga buhay nila at kung paano sila matutulungan.

CHAPTER 8
Jillian’s POV:

Ilang araw ng suspended yung mga pasok namin dahil sa virus.

Tinutulungan ko si Yaya na magbantay kay Jennie.

Tinutulungan ko rin siya na maglinis ng bahay para mabawasan yung mga ginagawa niya.

Ang tagal-tagal na kasi niyang napapagod dito sa bahay.

Matulungan ko man lang siya ngayong wala kaming pasok.

“Ate? Bakit ang tagal po nina Daddy umuwi? Nasa work pa po ba sila?”, tanong ni Jennie sa’kin habang naglalaro ng minesweeper sa laptop.

Chineck ko yung oras sa phone ko.

9PM na pero wala pa sila.

“Ate Sam is cool, right?”, biglang tanong ni Jennie sa’kin.

“Yes. Ang sarap niyang maging part ng family. Sana nga, dito na lang siya forever. Ang dami niyang alam, lalo na sa pinag-aaralan ko. Alam mo ba? Tinulungan niya ‘kong magreview kagabi after natin magdinner. Ang talino niya tsaka ang bait. Mukha lang siyang masungit dahil sa hulma ng mata niya, pero ang cool tignan at the same time.”, kwento ko kay Jennie.

May naalala ako na sinabi niya sa’kin habang nagre-review ako sa kwarto.

“Kung ikaw yung maluluklok sa position ng Daddy mo sa kalagitnaan ng pandemic na ‘to.. anong pililiin mo? Pera o buhay ng mga tao?”, yan yung tanong niya sa’kin kagabi.

“Bakit mo naman natanong ‘yan?”, nacurious ako bigla dahil sa tanong niya sa’kin.

“Nai-imagine ko lang kung anong magiging kalagayan ng bansang ‘to kung kagaya mo yung papalit sa pwesto ng Dad mo. Wag ka sanang ma-offend sa mga sinasabi ko, ha? Alam kong Dad mo ‘yon, pero.. wala kasi akong progress na nakikita ngayon na siya yung nakaluklok bilang Head ng Health Department. Di ko rin alam kung pipirmahan ba niya yung alok na tulong ng Japanese na Doctor. Pipirmahan niya kaya ‘yon kung mura lang yung magiging presyo ng mga vaccine?”, may bahid ng pagdududa kay Sam para sa Dad ko.

Hindi naman ako na-offend sa sinabi niya.

“Siguro naman, baka mapirmahan niya? Buhay ng mga tao yung nakasalalay dito. Kapag hindi niya pinirmahan ‘yon, mas maraming madadamay. Hindi lang mga buhay ng tao, pati mga negosyo babagsak. Alam mo na? Kapag naging infected yung marami, ang daming hindi makakapasok sa work. Wala ng mga empleyado. Wala ng mga workers. Bagsak ekonomiya talaga.”, yan yung katwiran ko sa kaniya.

May pakielam siya sa mga tao.

Iniisip rin niya yung makakabuti.

Paano nga talaga kung hindi pirmahan ni Daddy ‘yon?

Ano na kayang mangyayari sa bansang ‘to?

Pero, sigurado naman ako na pipirmahan ni Daddy ‘yon.

Kilala ko siya.

Hindi niya uunahin yung pera para sa kaligtasan ng mga tao.

“Ate? Mom is here!”, napalingon ako sa pintuan namin dahil kay Jennie.

Dumating na sila, pero wala pa si Dad.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko para magmano kay Mommy.

“Wala pa Daddy niyo? Kailangan ko siyang makausap.”, halatang badtrip si Mom.

Ano kayang nangyari?

Anong kasalanan ni Daddy sa kaniya?

“Wala pa po. Bakit, Mom? May.. nangyari po ba na hindi maganda?”, nacurious ako bigla.

“Wala naman, Jill. May kailangan lang talaga kaming pag-usapan.”, medyo kumalma na siya.

Nag-away ba sila?

Nakakakaba naman ‘to?

“Magbibihis na muna ‘ko. Excuse me lang po.”, polite na paalam ni Sam kay Mom.

“Ma’am? Nandiyan na po pala kayo. May nagpapabigay po. Hindi ko pa po nabubuksan yung envelope kasi para po sa inyo.”, salubong sa’kin ni Yaya.

“Sino pong nagbigay?”, tanong ni Mom.

Wala akong matandaan na may nagpadala kay Mom kanina.

Nasa kwarto kasi ako kanina, kaya di ko siguro narinig.

“Di ko po masyadong naaninag yung mukha, ma’am. Basta po, babae na medyo matangkad na payat tapos kamukha po ni.. ni ma’am Sam. Di ko lang po masyadong nakita yung mukha kasi natatakpan ng buhok niya, pero kamukha po talaga niya, ma’am.”, paliwanag ng Yaya namin.

“Paano mangyayari ‘yon? Magkasama kami ni Sam sa Hospital buong araw?”, naguguluhan si Mom sa kwento ni Yaya.

Medyo creepy nga yung kinwento ni Yaya ah?

Payat din kasi na medyo matangkad si Sam.

Gaya nga ng sabi ni Mom, magkasama sila ni Sam sa Hospital buong araw.

“Magpapalit na rin muna ‘ko ng damit para sabay-sabay na tayong magdinner, ok?”, nginitian kami ni Mom bago siya bumalik sa kwarto nila ni Dad habang dala-dala niya yung envelope.

May nagnotif bigla sa phone ko.

“Jill? Is this your Dad?”, tanong ng kaklase ko sa’kin kasama ng picture na sinend niya sa’kin sa Messenger.

Nakita ko yung sinend niya sa’kin.

Si Daddy nga.

May pera siyang inaabot sa isang empleyado ng isang airline.

Pinindot ko rin yung link na sinend niya.

Article tungkol kay Dad.

“Health Department Head, Mr. Edwardo Lacuna, spotted at the NAIA Airport on the day when the first two infected reportedly been admitted in Angel Mercy Hospital. The employee who had a conversation with Mr. Lacuna revealed that he ask about the flight history on the specific date and time and who are the passengers. We all know that it is illegal to share an information about this and the employee said Mr. Lacuna payed her to spill about what he is asking.”, nakalagay na caption sa article.

“What is this? Si Dad ba talaga ‘to?”, pabulong na tanong ko sa sarili ko.

“Mukhang si Mr. Lacuna nga?”, sagot ni Sam sa’kin nung nasa tabi ko na siya, “Hindi naman magagawa ng Dad mo ‘yan, diba? Tsaka kung totoo man ‘yan.. bakit niya kailangang hingin yung mga impormasyon ng mga pasahero na nakasakay nung mga oras na ‘yan? Balita ko kasi.. diyan sumakay yung mga dalawang unang naging infected, eh?”, kwento niya sa’kin.

“T-talaga? So.. sa simula pa lang.. alam na ni Dad yung tungkol sa virus three weeks ago? I can’t believe this. Sinong nagpakalat ng article na ‘to? Paano niya nalaman na ganun nga yung intensiyon ni Dad? Malay mo, may ibang dahilan kung bakit nag-aabot siya ng pera sa empleyado na ‘to?”, hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko.

Hindi ganito si Dad.

Kilala namin si Daddy.

Hindi siya mukhang pera, at hindi pera ang magpapatakbo ng buhay niya.

Mas mahalaga sa kaniya yung buhay ng mga tao, at hindi yung pera!

Nagbrowse ako sa Facebook at ang dami kong nakita na iba’t-ibang mga article tungkol kay Dad.

Ang daming kumakalat na ang dami niyang binayaran para manahimik tungkol sa issue.

Yung mga binayaran nina Dad at nung sinasabing ‘Director’, nagsasalita na sila.

“Good evening, Jill-“, naudlot na greeting sa’kin ni Dad nung nakita niya ‘kong bad mood habang nakafocus lang ako sa screen ng phone ko.

“Dad? What have you done? Mom and Ate are in a bad mood right now because of you. Why, Dad? May ginawa ka po bang kasalanan sa kanila?”, tanong ni Jennie pagkatapos niyang magmano.

Nagmano pa rin ako kay Dad kahit na ang sama-sama ng loob ko sa kaniya.

“Dad? May hindi ka ba sinasabi sa’min?”, halatang seryoso ako at naiinis dahil sa mga nabasa ko.

“Wala, anak. Anong dapat kong sabihin?”, kalmado niyang sagot.

“Kung magkano po yung binayad mo sa empleyado ng airport para mapagtakpan yung tungkol sa kumalat ngayon na virus?”, diretsahang tanong.

“Tungkol ba diyan? Wag kang mag-alala, anak. Pinatrack-down na namin ‘yang mga false rumors and articles na gumagawa lang ng mapag-uusapan para masira ako sa mga tao.”, parang wala lang kay Dad yung mga kumakalat na issue.

“Sigurado po ba kayo na hindi totoo ‘tong mga ‘to? Nangangako ka ba na nagsasabi ka ng totoo, Dad?”, pagpipilit ko sa kaniya.

“Yes. I’m always telling the truth. Kailan ba ‘ko nagsinungaling sa inyo?”, kalamdong sagot ni Dad.

“Ang bait talaga ni Mr. Lacuna. Huwarang ama ka nga talaga. Tama po yung mga naririnig ko sa iba tungkol sa inyo. Buti na lang, hindi ako naniwala sa mga fake news. Alam naman po nating lahat na hindi ka gagamit ng pera para mapagtakpan lang yung mga kasalanan mo, diba po Mr. Lacuna?”, tanong ni ate Sam sa kaniya.

“Ikaw? Sinusulsulan mo ba yung pamilya ko? Nagkakalat ka ba ng mga false accusations dito sa loob ng sarili kong pamamahay? Pwede na kitang palayasin dito agad-agad. Wag mong bine-brainwash yung pamilya ko, Sam. Hindi mo kilala kung sino yung binabangga mo.”, pagbabanta ni Dad kay Sam.

“Walang ginagawang masama si Sam, Dad. Wag mo po siyang pag-initan. Bakit po parang ang defensive niyo ngayon? Ano naman pong mali sa mga sinabi ni Sam sa inyo?”, nagulat lang ako sa inasta ni Dad sa mga nasabi ni Sam sa kaniya.

“Hindi mo kilala yang babae na ‘yan, Jill. Sana, magising ka sa kinakampihan mo. Hindi natin alam yung takbo ng utak ni Sam kaya wag tayong basta-basta na magtitiwala sa kaniya.”, paalala ni Dad sa’kin.

Napatingin ako kay Sam at naabutan kong wala siyang emosyon habang nakatingin lang kay Dad.

“Hon? Can we talk? In private?’, tanong ni Mom sa kaniya paglabas niya ng kwarto.

Sumunod naman si Dad sa kaniya.

“Sorry nga pala sa attitude ni Dad sayo, Sam. Stress lang siguro siya kaya uminit yung ulo sayo.”, paghingi ko ng dispensa sa kaniya.

“Wala ‘yon. Naiintindihan ko. Baka lang kasi sumobra din ako kaya siya nainis? Hindi ko dapat sinabi ‘yon.”, ang lungkot ng tono niya.

Sinamahan na lang namin si Jennie at nag-usap kaming tatlo.

Kinalimutan muna namin yung nangyari.

•~• •~• •~•

Mr. Lacuna’s POV:

Nasa kusina kami ni Claire dahil meron kaming pribadong pag-uusapan.

“Bakit may hawak kang envelope? Para saan ‘yan?”, nacurious ako bigla dahil sa envelope na hawak niya.

“Gusto kong mangako ka muna sa’kin na magsasabi ka ng totoo.”, seryoso na siya.

“Promise.”, agad kong sagot.

Nagbuntong hininga muna siya.

May nilabas siyang mga pictures.

Mga picture ‘yon sa lab ng mga Scientist nung araw na nasa kanila yung katawan ng unang dalawang infected at magkasama kami ng Director ng Angel Mercy.

Paano siya nagkaroon ng mga ganitong picture?

“Anong ginagawa mo dito nung araw na ‘to? Bakit magkasama kayo ni Director? Magkakilala kayo? Kasabwat ka rin niya sa pagtatago ng sitwasyon na ‘to last three weeks? Sabi mo sa’kin, hindi mo alam yung tungkol sa mga ‘to, diba? Ikaw dapat yung nangunguna sa kung ano man yung mga tamang gawin! Bakit nanahimik ka? Bakit hindi ka gumawa ng mas magandang paraan para hindi na sana mas lumala pa yung virus na ‘to? Dahil sa pagtatago niyo ng sitwasyon, mas lalong kumalat yung virus.”, sunod-sunod yung mga tanong niya sa’kin.

“Oo. Inaamin ko, magkakilala kami ng Director niyo sa Angel Mercy. Pero, hindi ako kasabwat sa mga ginagawa niya kung ano man yung mga ‘yon, ok? Wala akong ginagawang kasalanan, Claire. Kaya nga pinayagan kong magbigay ng proposal si Dr. Hirai para malunasan na yung virus na kumakalat ngayon sa bansa natin, diba? Yun yung pinakamagandang dapat na gawin. Kapag tapos na kaming magmeeting kasama yung Pangulo, mapipurmahan ko na ‘yon. Mawawala na yung pangamba ng lahat.”, paliwanag ko sa kaniya.

“Hindi mo pa sinasagot yung iba kong tanong. Bakit nandito ka sa lab ng mga Scientists tapos magkasama pa kayo ni Director? Anong ginagawa niyo dito?”, kasunod na mga tanong niya.

“Kaya ako nandiyan, para maging update ako tungkol sa kumakalat na virus. Nabalitaan ko na noon pa sa Director niyo na may ganito ngang klase ng virus kaya naisipan kong sumama sa kaniya para malaman kung ano na yung nangyayari. Yun lang ‘yon. Maniwala ka.”, mahinahon kong paliwanag sa kaniya.

“Siguraduhin mo lang. Wag mong hintayin na mas marami pang mapahamak at wag mo ring hintayin na yung mga anak mo na mismo yung madamay sa kung ano man yung mangyayari. Kapag nadamay yung mga anak natin dahil sa pakikipag-usap mo kay Director, makakalimutan kong asawa kita.”, pagbabanta niya.

Bigla niya ‘kong nilampasan at iniwanan yung mga pictures sa’kin.

Tinitigan kong mabuti yung mga kuha na litrato sa’min.

May nage-espiya ba sa’ming isang Scientist nung araw na ‘to?

Bigla akong may naalala nung nandun ako sa lab ng mga Scientist na nag-aaral tungkol sa Kyoyawa Virus.

May isang babae akong nakita na nakatago habang nagmamasid sa’min, pero ako lang yung nakakita kaya pinabayaan ko na lang.

Hindi ko na pinaghinalaan.

Akala ko wala lang.

Ano nga ba yung itsura ng babaeng Scientist na nasa loob ng lab?

Mahaba yung buhok tapos payat?

Hindi ko matandaan yung mukha.

CHAPTER 9
Araw na ng meeting namin with Mr. President.

Napaisip ako sa sinabi sa’kin ng asawa ko.

Ayokong madamay yung mga anak ko dito.

Ayokong mawala sa’kin yung pamilya ko.

“Base po sa proposal ni Mr. Hirai tungkol sa gamot na meron sila galing sa Japan, aabutin lamang ng 800 pesos kada isang shot ng vaccine para afford ng lahat ng tao. Sa mga hindi naman naaabutan ng tulong na hindi kakayanin yung bayad sa vaccine, gagawin niyang libre.”, report ko kay Mr. President.

“Ano bang balak ng Doctor na lumapit sayo? Magpakabayani? Hindi pwedeng maging libre yung vaccine na ‘to kung talagang epektibo nga. Paano tayo kikita? Paano yung mga Hospital? Maba-bankrupt sila dahil wala ng magpapa-admit? Baka lahat ng mga infected, sa vaccine niya na lang umasa?”, halatang hindi sang-ayon yung Pangulo sa gustong mangyari ni Dr. Hirai, “Isipin mo yung kikitain. Paano na tayo? Sa tingin mo kikita tayo ng malaki kung pipirmahan mo ‘yan? Isipin mo yung pera. Pera yung nagpapatakbo ng buhay ng mga tao. Kapag hindi natin napagkakitaan ‘yan, wala tayong mapapala! Baka meron pang mas magaling na Doctor na nakaimbento ng vaccine na mas mahal, para mas mabenta ng mahal sa mga tao? Atleast ‘don, may mapapala tayo!”, gatong niya pa.

“Hindi pa naman po natin alam kung effective nga yung vaccine galing kay Dr. Hirai, Mr. President. Kailangan muna nating makita kung epektibo bago ko din mapirmahan.”, paliwanag ko sa kanila.

Biglang napangisi si Mr. President.

“Sige. Pabayaan mo muna siyang manggamot ng libre sa mga lugar na sinasabi niya. Gusto kong sumama ka sa kaniya kung saan niya gusto. Gagawin nating pain yung mga matuturukan ng libre, para kapag hindi effective.. may dahilan tayo para maghanap pa ng mga Doctor na may mas mahal na halaga ng vaccine.”, suggestion ni Mr. President sa’kin.

Parang pabor ako sa gustong mangyari ni Mr. President, para kung sakali mang maging palpak ‘yon, hindi ako sisisihin ni Claire kung bakit hindi ko mapipirmahan yung proposal ni Dr. Hirai.

•~•

Hindi mapaglagyan yung saya ni Dr. Hirai nung pinayagan ko siya na magamot muna yung mga infected na gusto niyang magamot ng libre.

Sinamahan ko siya at magkasama kami sa iisang sasakyan.

Syempre, ibang sasakyan yung ginamit namin at hindi ko ginamit yung kotse ko.

Nakapahinga muna sa bahay yung driver ko at ibang driver yung hinire ni Mr. President para sa’ming dalawa.

“Gaano niyo katagal na pinag-aralan yung paggawa sa gamot para sa Kyoyawa Virus?”, tanong ko sa kaniya habang nasa biyahe kami.

“Almost 3 weeks po, tapos tinest muna namin sa isang infected na nagvolunteer. Nung tumalab sa kaniya yung vaccine and gumaan yung pakiramdam niya kinabukasan, doon na po kami nagbigay ng proposal sa Health Department namin ‘don, tapos nung napirmahan, binenta na po namin sa mga Hospital doon yung vaccine pero sa murang halaga lang po. Kaya po nagvolunteer din ako na mabiyayaan ng mga vaccine yung mga infected dito kasi alam ko na makakatulong din po yung gamot ng malaki. And, ine-expect ko rin naman po na hindi niyo gagatungan ng malaking presyo yung vaccine, diba? Kung gaano po kamura yung vaccine sa Japan, ganun din po dito. Am I right, Mr. Lacuna?”, kampante na siyang makipag-usap sa’kin.

“Y-yes. Of course. Pero.. hindi pa naman natin sure kung tatalab sa mga infected dito yung vaccine na dala-dala mo. We didn’t know, baka palpak pala?”, hindi na ‘ko pabor na mapirmahan yung proposal niya.

Wala kaming mapapala dito.

Wala kaming pera na makukuha sa kaniya.

Hindi namin pwedeng pakielaman yung presyo, dahil yun yung nakalagay sa proposal niya.

Sana nga lang, maging palpak yung vaccine niya, para wala silang masisisi at masusumbat sa’kin kung sakaling hindi ko ‘yan mapirmahan.

Wala akong magiging kasalanan.

“Di ko nga rin po alam, pero buo yung tiwala ko sa magagawa ng mga vaccine na ‘to. Kami yung gumawa nito kaya ibibigay ko yung buong tiwala ko na tatalab ‘to at gagaling sila.”, ang lakas nga ng tiwala niya sa mga dala niyang vaccine.

Nagvibrate yung phone ko.

May nakita akong text messages pero walang pangalan.

“Sayang nga naman yung kikitain niyo tsaka mahuhuthot niyong pera kung pipirmahan mo ‘yang ganiyan kamurang vaccine, diba? Aanhin mo nga naman ‘yan kung wala kang mapapala? Isipin mo kung gaano kalaking pera yung mawawala sayo kung sakaling tumalab yung mga vaccine at mapirmahan mo yung proposal niya? Sisisihin ka ng mga Hospital, lalo na ng Pangulo dahil sa kabayanihang gagawin mo. Pero, marami namang gagaling kapag ginawa mo ‘yon. Mawawala nga lang yung pera na ine-expect mong makukuha mo dahil sa halaga ng vaccine galing kay Mr. Hirai.”, message sa’kin ng isang unknown number.

Sino ‘to? Paano niya nalaman yung number ko?

Nagsend siya sa’kin ng picture ng pendant na nasa akin.

“Baka nakakalimutan mo lang? Gusto ko lang ipaalala sayo.”, message niya kasunod ng picture ng pendant.

“Alam kong ikaw ‘yan, Sam. Alam ko yung ginagawa ko. Wag mo kong pakikielaman. Wag mong ginugulo yung isip ko pwede ba?”, reply ko sa kaniya.

“Wag kang magalit sa’kin. Wala naman akong ibang gustong gawin kung hindi yung tulungan ka. Goodluck, Mr. Lacuna. Gawin mo kung ano yung gusto ng puso mo. Kahit hindi mo aminin sa’kin, alam ko kung ano ‘yon.”, huling reply niya sa’kin at hindi na ‘ko sumagot.

Tama.

Susundin ko kung anong laman ng puso ko.

•~•

Nakarating na kami sa isang unfamiliar na barrio na may mga infected.

Nakasuot kami ng full protective gear para maiwasan na mahawahan kami.

May pahintulot naman na kami galing sa mga tao dito na kung pwede, maturukan namin ng libre yung mga infected para na rin sa ikagagaling nila.

Parang naging ghost town ‘tong lugar nila dahil wala ng lumalabas sa mga bahay, tapos ang daming mga buhay pa na infected yung nakahandusay lang sa kalsada.

Sigaw lang sila ng sigaw dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman.

“Unahin muna natin siya.”, biglang sabi ni Dr. Hirai sabay kuha ng syringe at gamot.

Paglagay niya ng gamot sa syringe, nilapitan niya yung isang nakabulagta tsaka tinurukan kahit na nakakatakot silang lapitan dahil aggressive sila masyado.

Muntik pa siyang makagat.

Buti na lang, nakasuot siya ng full safety gear.

Lagpas bente rin yung naturukan niya ng libre.

Babalik kami dito kinabukasan para malaman yung resulta.

“Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong ka ng walang kapalit. Sana, gumaling sila agad gaya nung mga pasyente namin sa Japan. Zero positive cases na kami ‘don at hindi na nagkaroon pa ng second wave dahil sa agarang aksyon naming mga Doctor at sa mga vaccine na afford ng mga tao. Binigyan din kasi kami ng malaking budget ng gobyerno ‘don para makagawa kami ng mabisang vaccine. Salamat sa gobyerno namin sa Japan. Hindi nila inuna yung pera at mas pinahalagahan nila yung buhay ng mga mamamayan. Dahil sa ginawa nila, wala ng second wave. Sana, dito rin.”, nararamdaman ko yung sinseridad sa kwento niya.

Sorry na lang, pero mas mahalaga dito yung pera.

Mas makapangyarihan yung pera kesa sa buhay ng mga taong walang maia-ambag sa buhay mo kung hindi yung maging pampabigat lang sa sitwasyon.

Kaya ang dapat sa kanila, pinapabayaan na lang mamatay.

Hindi na dapat pinaga-aksayahan ng panahon at oras yung mga taong walang pambayad.

“Maraming salamat po, Mr. Lacuna at Dr. Hirai. Malaking tulong po ‘to sa barrio namin lalo na po kapag gumaling sila. Pasensiya na po, wala kaming sapat na pambayad. Sana po, matanggap niyo ‘to kahit konti lang.”, inabutan kami ng pera ng Kapitan nila.

“Magkano po yung hawak niyong pera?”, tanong ko agad.

“Dalawang-libo lang po. Sorry po.”, biglang napayuko dahil sa hiya yung Kapitan.

Biglang hinawakan ni Dr. Hirai yung kamay ng Kapitan kung na saan yung pera.

“Wag na po. Libre lang naman po yung mga gamot na tinurok ko sa kanila. Hindi po kami naniningil ni Mr. Lacuna. Sa inyo na po ‘yan. Marami pa po kayong mas mahalaga na mapaggagamitan niyan.”, hindi niya tinanggap yung bayad.

Ano bang gustong mangyari ng Doctor na ‘to?

Gusto niya bang malugi?

“Para po makatulong sa barrio niyo, ako na po yung magbibigay. Nakita ko po kasi na ang daming nagsara na mga tindahan tsaka ibang business dito kaya sa tingin ko po, makakatulong sa inyo yung pera na ‘to. Ipamigay niyo po sa mga apektado at meron din po kayo.”, nag-abot siya ng maliit na brief case sa Kapitan.

“Maraming-maraming salamat po. Wag po kayong mag-alala, ipapamigay ko po ‘to sa kanila.”, tuwang-tuwa naman yung Kapitan.

Mas lalong uminit yung ulo ko kay Dr. Hirai.

Sige lang, magpakabayani ka ngayon.

Matatapos din yang pagiging bayani mo sa mga taong hindi na dapat pinag-aaksayahan ng oras.

“Magkano nga po pala yung ipapamahagi ko kada isang bahay?”, tanong ng Kapitan sa kaniya.

“Maliit lang ‘tong barrio niyo base sa information na nakalap ko. Tsaka.. hindi po ganun karami yung mga tao. Ok na yung 10,000 kada isang pamilya. Makakatulong na ‘yan sa kanila ng malaki. May mga truck din po ng mga bigas tsaka relief goods na paparating dito. Wala man po akong posisyon sa gobyerno pero gusto ko talagang makatulong, kaya sana po.. matanggap niyo yung tulong ko.”, wala akong alam sa plano ng Doctor na ‘to na may ganito pala siyang binabalak.

“Maraming salamat po talaga, Dr. Hirai! Hulog po kayo ng Panginoon sa amin! Makaka-asa po kayo na mabibigyan lahat. Salamat po sa biyaya na binigay niyo.”, kulang na lang sambahin na siya ng Kapitan.

Nilapitan din niya ‘ko tsaka nakipagkamay.

“Maraming salamat din po, Mr. Lacuna. Blessing din po kayo para sa’min. Salamat din po sa mga biyayang ‘to. Gantimpalaan po sana kayo ng Panginoon.”, kahit wala akong naambag sa mga tulong ni Dr. Hirai, nagpasalamat pa rin sa’kin yung Kapitan.

“W-walang anuman po, Kapitan. Tungkulin po talaga namin yung tumulong lalo na sa mga mahihirap. Sana po, magamit niyo yung mga pera para mabuhay kayo.”, hindi ko masikmura na makipag-usap sa kaniya pero pinipilit ko na lang ngumiti habang kausap siya.

“Sige po, mau-una na po kami. Hintayin niyo na lang po yung mga relief. Malapit na po silang dumating.”, paalam ni Dr. Hirai sa kaniya kaya sumunod ako.

Bago kami sumakay ng sasakyan, hinubad namin yung mga protective gear naming disposable at nilagay sa baon naming lalagyan at nilagay sa loob ng compartment.

Pumasok muna kami sa ‘disinfecting tent’ na pinalagay ni Dr. Hirai ng libre sa barrio na ‘to para malinis kami pagpasok sa kotse.

May mga volunteers na malapit dito na nagdisinfect sa’min.

“Magkano yung binigay mo sa kanila?”, agad kong tanong pagsakay namin ng kotse.

“Mahigit 500,000 po, Mr. Lacuna. Sa tingin ko, aabot naman po ‘yon sa 30+ mahigit na pamilyang nakatira ‘don?”, sagot niya.

“500,000?! Libre na nga yung gamot na binigay mo sa kanila tapos namigay ka pa ng 500,000?! Bakit?!”, ako yung nanghinayang sa mga pera na nasayang dahil lang sa barrio na ‘to at sa mga hindi deserving mabigyan ng ganun kalaking pera.

“Hindi po ba dapat tinutulungan nating maka-ahon yung mga taong walang-wala sa buhay kagaya po ng barrio nila? Aanhin ko naman po yung ganung kalaking halaga ng pera ko kung matatambak lang sa ATM card ko o kaya sa mga bangko? Edi, ipangtulong na lang po natin sa mga nangangailangan kesa sa nabubulok lang yung pera at hindi naman nagagamit. Tsaka, mas masarap po sa pakiramdam kapag nakakatulong, diba? Mas magkakaroon ng value yung mga pera kapag nagamit natin sa maganda at sa tamang paraan, gaya na lang ng pagbibigay ko sa kanila. Alam kong mas magagamit nila yung mga pera na ‘yon para mabuhay. Kung nasa akin lang po yung mga pera na ‘yon, nakatiwangwang lang sila sa bangko. Tsaka.. may mga pera pa naman po akong nagagamit kaya hindi po ako naghe-hesitate na tumulong.”, nakangiting kwento niya.

Hindi na lang ako nakasagot dahil sa mindset ng Doctor na ‘to.

Masyado kang mabait.

Tignan lang natin kung makilala ka pa ng mga tinulungan mo kapag ikaw naman yung nangailangan?

Gamitin mo rin yung utak mo minsan.

Hindi yung puro puso yung paiiralin mo.

Magsisisi ka sa mga ginawa mo, Dr. Hirai.

Tandaan mo ‘yan.

Mukhang hindi ikaw yung hinahanap ko.

Walang kwenta ‘tong pendant na ‘to.

Paanong siya yung sagot sa gusto kong mangyari?

Puro taliwas sa iniisip ko kung ano yung meron kay Dr. Hirai!

Isa ka pa, Sam.

Ginugulo mo lang lahat.

Walang kwenta yung mga pinagsasasabi mo sa’kin!

Hindi si Dr. Hirai yung makakatulong sa’kin.

Wala silang silbi ni Sam sa buhay ko at sa pamilya ko, kaya dapat silang mawala sa mga landas namin.

Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, mawawala sila para matahimik yung mga buhay namin pare-pareho.

CHAPTER 10
Hindi ako mapakali.

Lakad ako ng lakad ng pabalik-balik.

Ano ba ‘tong pinasok ko?

Hindi ko na sana tinanggap yung proposal niya.

Paano kung tumalab?

Mawawalan kami ng maraming pera!

Hindi pwede!

Kailangan kong gumawa ng mga plano para hindi ko ‘yon mapirmahan!

“Nakakahilo ka naman? Kanina ka pa palakad-lakad, Mr. Lacuna.”, reklamo ni Sam sa’kin habang nakaupo siya sa upuan ko dito sa opisina ko sa Health Department building.

Pinabayaan ko na lang siya at hindi na ‘ko natatakot sa kaniya.

“Kasalanan mo ‘to! Sinabi mo sa’kin na siya yung taong hinahanap ko! Mamaya na namin makikita yung resulta! Kapag epektibo ‘yon, hindi pwedeng hindi ko mapirmahan! Sisisihin ako ng asawa ko at ng anak ko kapag pinalampas ko ‘to! Ayokong mawala sila sa’kin at ayoko din na mawalan ako ng maraming pera! Para sa pamilya ko yung ginagawa ko!”, galit na galit ako sa kaniya.

Paano niya ‘ko na-uto ng ganito?

Paano ako naakit ng mga tulong niya sa’kin nung una?

“Ako na naman yung sinisisi mo, Mr. Lacuna? Lahat ba ng mga kasalanan mo, parating iba yung aako? Kailan mo paninindigan yung mga maling desisyon mo sa buhay? Kung hindi mo tatakasan, isisisi mo sa iba. O kaya naman, itatanggi mo. Ganiyang klase ba ng ama yung gusto mong tumayo na huwaran sa mga anak mo? Gusto mong gayahin nila kung gaano ka kaduwag na harapin yung mga responsibilidad at umasa lang palagi sa magagawa ng pera?”, mga tanong niya sa’kin habang nakapamewang.

“Wala kang alam, Sam. Hindi mo alam kung bakit ko ginagawa lahat ng ‘to. Para rin naman sa future ng mga anak ko lahat ng pera na kinikita ko.”, pangangatwiran ko sa kaniya.

Bigla siyang pumalakpak tsaka tumawa.

“Biruin mo na lahat, Mr. Lacuna, wag lang ako. Wala akong alam? O baka naman ikaw yung walang alam? Sino sa’ting dalawa yung ‘MAS’ walang alam? Hanggang ngayon nga, hindi mo talaga alam kung sino ako, diba? Wala ka ba talagang naaalala? Matagal mo na ‘kong nakikita, Mr. Lacuna. Nagtatanga-tangahan ka lang.”, natatawang sagot niya sa’kin, “Pero, wag kang mag-alala. Hindi ko naman ipagkakalat na tinapalan mo ‘ko ng pera sa airport. Hindi ko rin naman ipagkakalat na tinapalan mo rin ako ng pera para manahimik ako tungkol sa pagkamatay ni Luke. Hindi ko rin ipagkakalat yung mga nakita ko sa Lab ng mga Scientist, at kung ano yung mga napag-usapan niyo ni Director ‘don. Don’t worry. Quiet lang ako.”, nakangiti niyang sagot na para siyang nang-aasar.

Imposible.

Siya lahat yung mga tao na inabutan ko ng pera?

Bakit hindi ko siya nakilala?

Bakit hindi ko siya natandaan?!

Bakit?!

Matagal na niya pala ‘kong binibilog, pero hindi ko napapansin.

“Walang hiya ka! Ikaw din yung nagkalat ng mga articles na nagci-circulate online?! Ano ba talagang gusto mo sa’kin?! Bakit mo ginagawa sa’kin ‘to?! Pati asawa at anak ko, pinagdududahan na ‘ko dahil sayo!”, mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kaniya.

“Ayan ka na naman. Ako na naman yung sinisisi mo. Magpakalalaki ka naman, Mr. Lacuna. Hindi ako yung gumagawa ng mga katarantaduhan, remember? Ikaw yung gumagawa ng mga ‘yan, and hindi ako yung nagkakalat ng mga baho mo sa social media, okay? Wala naman akong balak na i-expose ka. Hindi naman ako madaldal. Quiet nga lang ako diba?”, parang nang-aasar pa siya.

Masyado na siyang maraming alam.

Hindi naman ako kriminal para pumatay at magpapatay ng tao, pero mukhang kailangan ko ng tulong galing sa Pangulo.

Lalong-lalo na kay Dr. Hirai.

Kailangan ko silang mapatahimik ni Sam ng sabay!

“Wag mong hintayin na umapaw yung galit ko sayo, Sam. Malapit na ‘kong mapuno sayo. Kapag hindi mo ko tinantanan-“, naudlot na pagbabanta ko.

“Papatayin mo ‘ko? Ano? Papasukin mo na rin yung larangan sa pagiging kriminal? Patatahimikin mo ba ‘ko habambuhay?”, pabiro niyang sagot, “Wag kang mag-alala. Hindi ako natatakot mamatay. Ikaw? Takot ka bang mamatay?”, pambabaligtad niya.

“Kung para sa pamilya ko, makikipagpatayan ako.”, napakaseryoso ko na dahil hindi ko mapigil yung galit ko.

“May kulang sa statement mo, Mr. Lacuna. Gusto mo buuin ko? ‘Kung para sa pamilya ko at sa pera, makikipagpatayan ako’. Diba, perfect?”, masaya pa siya na naiinis niya ‘ko.

Hindi ko na napigilan yung galit ko kaya nasakal ko siya.

“Hindi ikaw o si Dr. Hirai yung magpapabagsak sa’kin. Magagawa ko pa rin yung mga gusto kong mangyari at walang makakapigil sa’kin. Magkakaroon pa rin ako ng maraming pera! Hindi ko kayo kailangan ni Dr. Hirai! Mga peste lang kayo na biglang dumapo sa buhay namin para mamerwisyo! Hindi kayo nakakatulong!”, gigil na gigil na ko sa pagkakasakal sa kaniya pero nakangiti pa rin siya.

“Wala naman akong balak na pabagsakin ka. Hahayaan lang naman kitang gawin yung gusto mo. Ikaw pa rin naman yung masusunod. Basta.. walang sisihan.”, nagsmirk siya sa’kin bigla tsaka tumingin ng matalim sa’kin.

Binitawan ko na siya tsaka niya inayos yung buhok niya at hinipan pa yung buhok na nakaharang sa mukha niya.

“Mr. Lacuna? Nandito na po yung-“, naudlot na pagtawag sa’kin ng secretary ko dahil nakita nila kami ni Sam na magkasama.

“Hello~ Ako nga pala si Sam. Kaibigan ako ni Mr. Lacuna. Nice to meet you.”, nakuha niya pang magpakilala sa secretary ko ng ganito kasigla.

“H-hello din. Hiramin ko lang sandali si Mr. Lacuna. May kailangan pa kasi siyang puntahan na importante.”, maayos na paalam kay Sam ng secretary ko.

“Okay lang. Hindi na rin naman ako magtatagal dito. Aalis na rin naman ako.”, paalam sa kaniya pabalik ni Sam.

Lumabas na si Sam sa opisina ko at naiwan kami ng secretary ko.

“Bukod po pala kay Mr. Director, may kaibigan din kayong intern na galing din sa Angel Mercy no, sir? Ang ganda niya. Ipakilala niyo naman po ako sa kaniya, sir? Sige na.”, nababaliw na ba ‘to?

“Seryoso ka ba?”, irita kong tanong.

“Opo, sir. 4 years na ‘kong single. Baka naman panahon na?”, humaling na humaling na rin siya kay Sam.

“Ayokong mapunta ka sa babaeng weirdo. Makakahanap ka rin ng matino tsaka maayos. Wag sa kagaya ni Sam. Mapapahamak ka lang.”, pagbabanta ko sa kaniya.

Pinuntahan ko na sa labas si Dr. Hirai at ang ganda ng ngiti niyang bungad sa’kin.

“Good morning, Mr. Lacuna.”, bungad niya sa’kin nung nakita niya ‘ko.

“Good morning din.”, pilit kong bati sa kaniya.

“Gusto ko ng malaman yung resulta. Excited na ‘ko.”, kwento niya sa’kin pagpasok namin ng kotse.

Ayokong malaman yung resulta.

Sana, nananaginip lang talaga ako.

•~• •~• •~•

Director’s POV:

Ngayon na malalaman yung resulta tungkol doon sa libreng vaccine na ginawa nung Dr. Hirai na sinasabi ni Mr. Lacuna.

Kinakabahan ako.

Ayokong mabankrupt na naman yung Hospital na ‘to.

Hindi pwede.

“Kinakabahan ka na rin ba?”, napalingon ako bigla dahil sa babaeng nagsalita.

Si Sam pala.

Teka lang..

Paano siya nakapasok dito?

Hindi ko naman narinig na bumukas yung pintuan.

“Paano ka nakapasok?”, takang-taka ako bigla dahil sa kaniya.

“Hindi na ‘yon mahalaga, Director. May mas mahalaga kang dapat na problemahin. Balita ko kasi, kapag tumalab yung mga vaccine galing kay Dr. Hirai, maaaprubahan na yung proposal niya. Kapag nangyari ‘yon, hihina na yung mga Hospital at madadamay yung Hospital na ‘to. Sa mga vaccine niya na lang aasa yung mga tao kasi nga napakamura. Paano ngayon ‘yan, Director? Maba-bankrupt tayo? Mawawalan kami ng trabaho?”, pag-aalala ni Sam dahil sa posibleng maging sitwasyon.

Wala naman akong pakielam sa inyo kung mawalan kayo ng trabaho.

Ang mas mahalaga sa’kin, yung pera na kinikita ko dito sa Hospital.

“Alam kong magagawan ng paraan ‘yan ni Mr. Lacuna. Hindi niya tayo papabayaan. Naniniwala akong magagawan niya ng paraan ‘to.”, paninigurado ko.

Hindi hahayaan ni Mr. Lacuna na wala din siyang mapapala lalo na sa pera.

“Hindi pala sapat yung ginawa mo nung nakaraan para dumagsa dito yung mga pasyente? Kahit pala ninakaw mo yung mga sample fluids ng mga naunang infected para maraming magpa-admit at magpa-confine dito, maaagaw lang din pala ni Dr. Hirai yung mga ‘yon kapag napirmahan na yung proposal niya kung sakaling effective nga yung mga vaccine?”, hindi ko inaasahan yung mga lalabas sa bibig niya.

Paano niya nalaman?

“Anong pinagsasasabi mo? Wala akong kinalaman sa mga nangyayari ngayon. Ano namang alam mo? Bakit pati ako dinadamay mo? Akala ko ba magkakampi tayo? Bakit parang tine-threaten mo ‘ko ngayon?”, pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Wag kang mag-alala, Director. Kakampi mo nga ‘ko, diba? Wala naman akong pagsasabihan ng mga alam ko.”, mukhang nararamdaman kong tatryadorin ako ng babaeng ‘to?

“Wala akong alam sa sinasabi mo. Wala akong ninanakaw. Wag mo kong pagbibintangan. Wala ka namang ebidensiya na ako yung may gawa ‘non. Saan mo ba nakalap yang mha chismis na ‘yan? Binabayaran ba kita dito sa Hospital para makinig lang sa mga fake news? Diba, nandito ka para magtrabaho?”, reklamo ko sa kaniya.

Natawa siya ng konti tsaka may nilabas sa bulsa niya.

Yung isang empty na lalagyan ng mga fluid samples.

Paano niya nakuha?

Nasa.. nasa bag ko lang yan kani-kanina.

“Hindi mo ba namumukhaan ‘to, Director? Hindi ka ba familiar dito?”, mga tanong niya habang hawak-hawak yung lalagyan at pinapakita sa’kin.

“Bakit na sayo ‘yan? Paano-“, hindi ko pwedeng i-check yung bag ko dahil malalaman niyang na sa’kin nga yang lalagyan.

“Ako yung inutusan mo na magnakaw nito, diba? Nakalimutan mo na? Ako yung inutusan mo to get this? Ang galing kong magnakaw, right? Walang kahit na anong bakas. Sabi ko sayo, kakampi mo ‘ko, eh.”, nakangiti niyang sagot.

“Anong inutusan? Wala akong inutusan na nakawin yung-“, hindi niya ‘ko pinatapos sa sinasabi ko.

“Come on, Director. Ano? Tanga-tangahan ka na ba ngayon? Ako yung kausap mo over the phone bago kumalat yung virus.”, hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.

Kung siya nga yung kausap ko, bakit siya nandito bilang Intern?

Paano siya naging intern ng Hospital na ‘to?

Kung siya nga yung inutusan ko, dapat wala siya dito dahil isa siya sa mga Scientists na tumutulong sa’kin para mapagtakpan yung mga ginagawa ko at ni Mr. Lacuna.

// Flashback (1 week ago) //

“Hello? This is Director Marvin from Angel Mercy Hospital. Pwede ko bang makausap si Yoon Min? Nandiyan ba siya? May iu-utos lang sana ako sa kaniya.”, pagtawag ko sa isang Scientist sa lab.

“Wala po siya. Hindi ka niya matutulungan dahil may iba po siyang pinaglalaanan ng oras. Hindi niya rin gagawin kung anong ipapagawa mo.”, babae yung sumagot sa tawag ko.

Teka sandali?

May babae ba silang Scientist?

Wala akong maalala na may babae sa loob ng lab nung nandoon kami ni Mr. Lacuna.

Anyway, siya na lang yung uutusan ko.

“Tutal naman, ikaw na yung sumagot sa tawag ko.. maaasahan ba kita?”, tanong ko sa kaniya.

“Oo naman, Director. Maaasahan ako. Wala pa ‘kong mga ginawa na sumablay kahit minsan. Kung ano mang ipapagawa mo, magagawa ko ng malinis. Magtiwala ka, Director. Mangyayari yung gusto mong mangyari para maisalba yung Angel Mercy. Kakampi mo ‘ko, Director.”, hindi ako makapaniwala sa mga sagot niya sa’kin.

Bakit ang dami niyang alam?

Kay Mr. Lacuna ko lang naman nakukwento yung mga ‘yon dahil kaibigan ko siya, at mas magiging malakas yung kapit ko dahil malakas din siya sa Pangulo.

Hindi kaya narinig niya yung usapan namin nung nasa lab kami?

“Sigurado ka ba? Na mapagkakatiwalaan kita? Hindi mo ba ‘ko tatraydurin? Ang hirap na kasing magtiwala.”, paninigurado ko.

“Promise. Kakampi mo ‘ko. Hindi ka magsisisi sa’kin.”, para akong nahypnotize sa mga sinabi niya kaya pumayag na ‘ko.

Inutusan ko siya na nakawin yung mga fluid samples sa lab para ikalat sa kung kani-kanino, para dumami yung infected at marami na ulit magpagamot dito sa Hospital.

// End of Flashback //

Si Sam nga yung tumulong sa’kin.

Dahil sa kaniya, kaya dumami yung mga infected at kaya rin mas dumami yung mga pasyente na naka-confine dito.

“Naniniwala na ‘ko sayo. Ikaw nga. Wala naman pala akong dapat ilihim dito kasi alam na alam mo na. Sandali.. kung Scientist ka ‘don, paano ka nakapasok dito at naging Intern? Yung mga papeles na sinubmit mo dito to become our Intern sa department nina Dr. Claire, they are all legit. Paano?”, hindi ako makapaniwala sa kakayahan ni Sam.

“Ako pa ba, Director? Sabi ko naman sayo, diba? Wala akong hindi kayang gawin. Kaya rin ako pumasok dito as Intern, because gusto ko pang mas matulungan ka kung kailangan mo ‘ko. Napatunayan ko na rin naman yung sarili ko sayo, diba? Siguro naman, hindi ka na magdududa sa’kin?”, alibi niya.

Utang na loob ko rin sa kaniya kung bakit yumayaman na ulit yung Hospital ko kaya magtitiwala na ‘ko sa kaniya.

Siya yung naging savior ng Angel Mercy.

Dapat na nga talaga akong magtiwala sa kaniya ngayon.

“Thank you, Sam. Kakampi ka nga talaga.”, nakangiti kong sagot.

“You’re welcome, Director.”, nakangiti niyang sagot habang nakatitig sa’kin.

CHAPTER 11
Mr. Lacuna’s POV:

Nakarating na kami sa barrio na napuntahan namin pero nasa labas lang kami ng sasakyan habang nakatayo.

Tahimik na.

Wala na ‘kong naririnig na mga sumisigaw at hirap na hirap.

Baka namatay na silang lahat?

Sabi ko na nga ba, hindi tatalab yung mga vaccine. Mamamatay pa rin sila.

Buti na lang.

May rason na ‘ko para hindi mapirmahan yung proposal niya.

Pwede pa siyang makulong dahil namatay yung mga infected because of his vaccines.

“Bakit ang tahimik? Ano kayang nangyari sa kanila?”, tanong ko kay Dr. Hirai.

“Wala din akong idea. Mas maganda, puntahan na natin sila.”, sagot ni Dr. Hirai sa’kin kaya sumunod ako sa kaniya.

Nung nakarating na kami sa loob ng barrio, wala na kaming naabutan na nakahiga sa kalsada.

May mga tao na rin na nakakalabas ng mga bahay nila pero nakasuot pa rin sila ng mga surgical mask na kasama sa pinamigay ni Dr. Hirai.

“Kapitan? Si Dr. Hirai tsaka Mr. Lacuna! Bumalik sila!”, pagtawag nung isang lalaki kay Kapitan kaya nabaling lahat ng atensiyon sa’min.

Paglapit ni Kapitan, tinanong agad ni Dr. Hirai kung ano na yung nangyari.

“Kapitan? Na saan na po yung mga infected na tinurukan ko ng vaccine kahapon?”, agad na tanong ni Dr. Hirai.

“Yung mga infected po? Wala na po.”, parang pumalakpak yung tenga ko sa narinig.

“What do you mean na wala na? Namatay ba sila? Condolence po sa mga naiwan nilang pamilya, Kapitan.”, kunyaring nakikidalamhati ako sa nangyari.

“Nagkakamali po kayo, Mr. Lacuna. Ang ibig ko pong sabihin, wala na po yung mga virus sa katawan nila. Nakakausap na po namin sila ng maayos tsaka hindi na rin po gaanong sumasakit yung mga ulo nila. Hindi na rin po namumula yung mga mata nila.”, masayang kwento ng Kapitan sa’min.

“Hindi pwede ‘to..”, bigla akong napabulong sa sarili ko.

“Anong hindi pwede, Mr. Lacuna?”, narinig yata ni Dr. Hirai yung sinabi ko.

“What I mean is.. hindi na sila p-pwedeng matamaan ulit ng virus kasi.. wala ng libre sa susunod.”, alibi ko.

“Opo, Mr. Lacuna. Hindi na po namin pababayaan yung mga sarili namin dito. Salamat po kasi, ‘Kyoyawa free’ na po yung maliit naming barrio. Magaling na po silang lahat. Maraming-maraming salamat din po, Dr. Hirai. Makakabalik na po sa mga hanap-buhay yung mga tao dito. Wala naman pong umaalis ng barrio na ‘to kaya wala na pong mahahawa sa kanila. Makakapagbukas na rin po kami ng mga tindahan dito. Babalik na po sa normal yung buhay namin kahit napakalayo namin sa siyudad.”, pagbibida niya ng kwento niya sa’min.

“Walang anuman po. Masaya po ako na umepekto po yung vaccine. Ibig sabihin lang po nito, maaaprubahan na yung proposal ko sa Health Department. Lalawak na yung mapupuntahang tulong ng mga gamot namin galing sa Japan sa napakamurang halaga.”, ang saya-saya ngayon ni Dr. Hirai.

Hindi ako papayag na makalusot yung gamot mo.

Sinong may sabi na pipirmahan ko ‘yan?

Hindi ako tanga, Dr. Hirai.

Di ko hahayaan na wala kaming mapapalang pera sa vaccine na pilit mong sinisiksik sa bansang ‘to.

Ang kailangan namin, pera! Hindi ‘yang vaccine mo!

•~•

Nakarating na ‘ko sa office at hawak-hawak ko na yung proposal ni Dr. Hirai.

Pirma niya na lang yung hinihintay ko.

Wala pa siya at yung mga tao na makakasama ko sa meeting na ‘to para sa pagpirma ng proposal.

“Hawak-hawak mo na yung proposal, Mr. Lacuna. Ano ng magiging desisyon mo? Pipirmahan mo na ba o hindi?”, biglang may bumulong sa tenga ko kaya napalingon ako sa kaniya.

Hindi na ‘ko nagtataka at natatakot kung sino yung biglang sumusulpot sa paligid ko.

“Bakit ko ‘to pipirmahan? Hindi ako tanga.”, yamot na sagot ko.

“Kaya lang.. magtataka naman si Dr. Hirai kung hindi mo mapipirmahan ‘yan. Effective naman yung gamot, diba? Tumalab naman. So, anong rason para hindi mo mapirmahan? Hindi mo naman pwedeng gawing rason yung pera. Ayaw mo nga na masira yung image mo sa lahat, right? Kailangan mong mapanatili yung bango ng pangalan mo. Na isa kang Head ng Health Department na nag-aalala sa kapakanan ng mga tao lalo na tungkol sa kalusugan nila. Ayaw mo rin na sisihin ka ng pamilya mo. Di mo gustong magalit sila, diba?”, tama naman yung mga sinasabi niya.

“Sabi mo, tutulungan mo ‘ko, diba? Kailangan ko ng tulong mo.”, siya na lang yung naiisip ko na gawing pain para wala silang masisi sa’kin.

“Oo naman. Lahat, gagawin ko. Ano bang maitutulong ko sayo, Mr. Lacuna?”, agad niyang response.

“Alam kong hindi ka ordinaryong tao, at lahat kaya mong magawa. Ikaw lang yung kilala ko na hindi mapapahamak sa tulong na gagawin mo sa’kin.”, pambobola ko sa kaniya, “Gusto kong palabasin mo na namatay yung mga infected na tinurukan ng virus ni Dr. Hirai. O kung maaari, patayin mo talaga sila ng tuluyan para hindi ko mapirmahan ‘to. Kaya mo bang gawin ‘yon para sa’kin? Wag kang mag-alala. Kapag nakahanap ako ng ibang Doctor na may gamot at vaccine na nimbento ng mas mahal, mabibiyayaan din kita ng pera na kikitain natin. Hindi ka talo dito, Sam. Pag-isipan mo.”, alok ko sa kaniya.

“Hindi na kailangang pag-isipan yang gusto mong mangyari, Mr. Lacuna. Sarili mong kagustuhan lahat ng mga pinapagawa mo sa’kin. Ikaw yung may gusto nito, kaya lahat ng desisyon, galing lahat sayo. Susunod lang ako.”, nakangising sagot niya.

Biglang may kumatok kaya nawala bigla si Sam sa paningin ko.

“T-tuloy.”, utos ko sa kanila.

Pumasok na silang lahat kasama si Dr. Hirai para sa meeting namin tungkol nga dito sa proposal niya na vaccine para sa lahat ng tao.

“So.. let’s start the meeting.”, bungad ko sa kanila.

Pinaliwanag ko sa kanila kung ano yung report tungkol sa isang barrio na unang tinulungan ni Dr. Hirai.

Nakikita ko sa mga mukha nila na tuwang-tuwa sila at parang nagkaroon ulit ng kulay yung mundo nila.

Hindi ko maiwasan na hindi tignan si Dr. Hirai dahil nakikinig talaga siya ng mabuti sa’kin.

Kung magsisinungaling ako dito, malalaman niya at baka may mga hawak siyang mga ebidensiya na nagpapatunay ng side niya, kaya masyadong delikado.

Kailangan ko na ng tulong ni Sam ngayon.

Bakit ang tagal niya?

“These vaccines cost.. 8-800 pesos per shots. So.. affordable para sa lahat ng.. ng mga tao lalo na yung mga.. infected na hindi afford pumunta sa.. mga mamahaling Hospital. These vaccines can help many people para gumaling.. sa Kyoyawa Virus. Dahil sa mga gamot na ‘to.. magiging ‘Kyoyawa free’ na yung buong Metro Manila.”, hindi ko mapaliwanag ng maayos yung report ko dahil pakiramdam ko may pumipigil sa’kin na magsalita.

Hindi ko rin masikmura lahat ng sinasabi ko.

“Gumaling naman po agad yung mga pasyente, right?”, tanong nila sa’kin.

“Y-yes. Nabawasan na daw yung mga sakit nila tsaka.. yung mga mata nila, bumalik na sa dati. Kaya lang, hindi pa tayo nakakasiguro kung gumaling na ba talaga sila ng tuluyan? Kailangan pa siguro nating maghintay ng ilang araw para malaman natin kung fully-recovered na sila?”, alibi ko para hindi ko mapirmahan yung proposal niya.

“Pero, Mr. Lacuna? Nakita niyo naman po kanina yung kundisyon nila, diba? Nakabalik na po sila sa mga businesses nila sa barrio na ‘yon dahil magaling na yung mga pasyente. Wala ng bagong case that day. Naturukan po natin lahat ng mga infected nung nagpunta tayo ‘don. Maayos naman na po yung buhay nila and nagpapahinga na lang sila. Hindi pa po ba sapat na reason ‘yon para mapirmahan na po yung proposal ko? Imagine, kung masisimulan po natin ng mas maaga yung pagdi-distribute ng mga vaccines na galing sa’min, mas maaga din pong masusugpo yung pagkalat ng Kyoyawa Virus. Mas mapipigilan na rin po natin yung dami ng mga apektado. Magiging flat na po yung line at magiging ‘Kyoyawa free’ na ‘tong bansang ‘to.”, pagpipilit niya.

“Nandun na nga tayo sa paggaling nila. Nakita rin mismo ng dalawang mata ko kung gaano na kaayos yung pamumuhay ng mga nakatira sa barrio na ‘yon, pero hindi pa tayo 100% sure kung magaling na ba talaga sila? Malay natin, ngayon lang ‘yan? Malay natin, may side effect pala yung vaccine na tinurok mo sa kanila? We didn’t know!”, katwiran ko sa kaniya.

“Sir? Excuse lang po. May emergency call po galing sa Kapitan ng barrio kung saan po ginawa yung ‘free-vaccine mission’.”, pagsingit ng Secretary ko habang nasa kalagitnaan kami ng meeting.

“Excuse me.”, paalam ko sa kanila bago ako lumabas ng room.

“This is Mr. Edwardo Lacuna, speaking.”, bungad ko.

“Sir? Yung tatlo pong naturukan ng libreng vaccine ni Dr. Hirai, bigla pong nagsuka ng dugo tapos namutla. Natatakot po ako sa pwedeng mangyari sa iba pang mga naturukan. Tulungan niyo po kami, Mr. Lacuna!”, takot na takot yung kapitan nila habang nagkukwento.

Anong ginawa ni Sam?

Bakit nagsuka sila ng dugo?

Bahala na.

Atleast, may rason na ‘ko para maudlot yung pagpirma.

“Sige. Magpapadala kami ng mga ambulansiya diyan para dalhin sa Angel Mercy. Kaming bahala sa inyo.”, agad kong sagot.

Pabor lahat sa’kin at sa Pangulo yung mangyayari na ‘to.

Nagmadali akong pumasok sa loob ng meeting room namin para ibalita sa kanila yung isang malaking good news para sa’kin.

Kunyari lang na apektado ako para hindi makahalata si Dr. Hirai na ako yung may gusto ng nangyari.

“Tumawag sa’kin yung Kapitan ng barrio na tinulungan namin ni Dr. Hirai. Sabi ng Kapitan, yung tatlong infected na naturukan ng vaccine, nagsuka bigla ng dugo. Hindi ko alam kung side effect ba ‘yon o palpak talaga yung mga vaccine? Pero magpapatawag na ‘ko ng mga ambulansiya galing sa Angel Mercy para masundo yung mga pasyente. Itutuloy na lang natin ‘tong meeting na ‘to sa ibang araw.”, tinapos ko na yung meeting kahit hindi pa naman dapat.

“Totoo po ba yung sinasabi niyo, Mr. Lacuna? May nangyari po sa mga pasyente? Pero.. imposible pong mangyari ‘yon. Bakit sila lang yung nagkaganon? Bakit hindi lahat, nagsuka ng dugo?”, hindi pa rin maawat ‘tong Doctor na ‘to.

Naiirita na ‘ko sayo.

“Pero hindi natin maaalis na dahil sa vaccine na galing sayo, may nangyaring masama sa tatlong pasyente. Sana, maintindihan mo. Hindi ko muna mapipirmahan ‘yang proposal mo. Kulang na kulang ka pa ng proof para mapirmahan yung proposal mo. Tatawag pa ‘ko ng mga ambulansiya sa Angel Mercy. Excuse me.”, nilapag ko lang sa mesa yung proposal niya at tsaka ko siya iniwan sa loob ng meeting room.

Ngiting tagumpay ako paglabas.

Salamat, Sam.

May mapapala din pala ako sayo kahit na madalas kang mang-inis.

Susunod ka rin pala sa mga inuutos ko.

Pero, anong ginawa niya?

Nacurious tuloy ako.

Agad-agad akong tumawag ng mga ambulansiya sa Angel Mercy para masugod na agad yung mga pasyente ‘don.

Sa Angel Mercy ko napiling dalhin yung mga pasyente dahil mabilis at maingat kong maitatago sa lahat, lalo na kay Dr. Hirai yung totoo, dahil alam kong wala namang kinalaman yung mga vaccine doon.

Madali naming doktorin yung mga resulta dahil alam kong tutulungan kami ni Sam.

Akala ko, kalaban siya.

Malaki rin pala yung maitutulong niya sa’kin.

Wag niya lang sana akong tatraydorin.

Nagpunta ako sa office ko at doon ko tinawagan si Mr. President.

“Mr. President? Ok na po. Maayos na po yung lahat. Nakagawa na po ako ng paraan. Hindi na po matutuloy yung pagpirma sa proposal ni Dr. Hirai. In fact, pwede rin siyang makulong kapag lumabas sa publiko na imbis na gumaling yung mga pasyente, mas lalo pa silang lumala.”, bungad ko sa kaniya nung sinagot niya yung tawag ko.

“That’s good! Alam mo, may nahanap akong Doctor galing sa Pampanga. Nagbabalak din daw siyang magpasa ng Proposal sayo. Alam mo kung anong good news? Mahal yung mga vaccine na naimbento nila. 10,000 per shots. Imagine, ang laki ng agwat sa 800 pesos na presyo doon sa vaccine ni Dr. Hirai. Dito sa Doctor na ‘to, kikita tayo ng malaki! Yayaman tayo sa vaccine na meron sila. Pirmahan mo na agad ‘to, naiintindihan mo?”, mukhang natuwa naman talaga si Mr. President sa magandang balita.

“Opo. Pipirmahan ko po agad ‘yan.”, agad akong sumang-ayon.

Malaking pera yung mako-kolekta namin sa paparating na vaccine.

Kung 10,000 per shot, mabebenta namin ‘yon sa mga Hospital ng 20,000 kada isa.

Kesa sa 800 pesos at gusto niya, 800 pesos din maibebenta sa mga Hospital para lahat makinabang.

Kapag wala kang pera, wala kang karapatan na gumaling.

Nagkasakit ka na mahirap ka, kaya mamamatay ka rin ng mahirap.

CHAPTER 12
Nasa labas ako ng Angel Mercy dahil baka makita ako ng asawa ko.

Hinihintay ko yung Director nila na lumabas kung saan ako makikipagkita.

“Wala si Dr. Claire. Safe kang pumasok sa loob.”, nakita kong nakasandal pa si Sam sa may gilid ng halaman.

Nandito na pala siya?

Ano bang bago? Bigla nalang naman sumusulpot ‘to kung na saan ako.

“Talaga? Paano kung-“, naudlot na sagot ko.

“Magtiwala ka na lang. Safe kang makakapasok sa loob. Nasa OR si Dr. Claire kasama si Dr. Leila. Ang daming mga pasyente yung infected. Mas marami na ngayon kesa nung nakaraang mga araw, kaya busy sila. Di ka na nila mapapansin lalo na, naka-facemask ka naman.”, wala sa mood na sagot niya.

Sumunod na lang ako sa sinasabi niya.

Magkasama kaming pumasok sa kwarto, tsaka kami dumiretso sa office ni Director.

“Tuloy.”, pagpapahintulot niya sa’min na makapasok.

Nagulat siya nung nakita niya kaming magkasama ni Sam.

“Magkakilala kayo ni Sam?”, tanong agad niya sa’min.

Tumingin muna kay Sam na nakapoker-face habang nakatingin kay Director.

“Opo, Director. Magkakilala kami ni Mr. Lacuna. Actually, magkasama kami sa bahay dahil pinatuloy po ako ni Dr. Claire sa kanila.”, seryosong sagot ni Sam sa kaniya.

“Alam mo ba? Mapagkakatiwalaan si Sam, Mr. Lacuna. Isa siyang savior ng Angel Mercy.”, pagbibida sa’kin ni Director kay Sam.

“Savior? Bakit siya naging savior?”, bigla akong nagtaka sa sinabi niya.

Napa-ubo siya ng konti at nilihis sa iba yung tingin niya.

“W-wala. Nevermind. Ano na nga pala yung ibabalita-“, naputol na sagot ni Director dahil sumabat si Sam.

“Magkakampi kayo, diba? Wala namang problema kung sasabihin mo kay Mr. Lacuna kung ano yung ginawa mo. Hindi niyo naman ilalaglag yung isa’t-isa. Magkaibigan kayo, right? Walang iwanan.. hanggang sa huli.”, nakangising sabat ni Sam sa sinabi ni Director.

“Ano bang ginawa mo? Pwede mo namang sabihin.”, mahinahon kong pakiusap sa kaniya.

“Sige na, Director. May tiwala ka naman kay Mr. Lacuna.”, pagpipilit ni Sam kay Director.

Nakikita ko na naman yung ngiti ni Sam na parang may binabalak na masama, pero di ako pwedeng magduda sa kaniya sa ngayon.

Wala namang dahilan para magduda ako sa kaniya.

Tinulungan niya ‘ko, at pati na rin si Director.

“Mr. Lacuna.. a-ako yung.. yung nagnakaw ng mga sample fluids sa lab ng mga Scientists. Ako rin yung may kasalanan kung bakit kumalat yung ‘Kyoyawa Virus’ dahil inutusan ko si Sam na ikalat kung saan-saan yung mga fluids. Ginawa ko lang naman ‘yon kasi.. kasi gusto kong dumami ulit yung mga pasyente ko dito. Naiintindihan mo naman ako diba, Mr. Lacuna?”, para siyang takot na takot magkwento.

Oo, gusto kong magkapera.

Pero, hindi ito yung gusto ko.

Nakakakilabot yung mga nasasaksihan ko lalo na dito sa Hospital, kaya iniingat-ingatan ko rin yung mga anak ko at hindi ko sila pinapalabas ng bahay.

Si Director pala yung may kasalanan kung bakit dumami kumalat at dumami yung infected.

Pero, dahil din sa ginawa niya.. mas maraming magpapaturok ng vaccine sa bagong Doctor na kilala ni Mr. President at mas titiba kami ng malaki dahil din sa ginawa ni Director.

“Tungkol pala sa vaccine, wag ka ng mag-alala. May nahanap yung Pangulo na bagong Doctor na nakaimbento rin ng vaccine. It’s for a good cost. 20,000 per shots. Mas malaki yung kikitain natin sa Doctor na ‘to. Hindi ko rin napirmahan yung proposal ni Dr. Hirai dahil sa tulong ni Sam.”, pag-iiba ko ng topic.

“Anong ginawa mo?”, tanong ni Director kay Sam.

“Wala akong ginawa. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kanila. Wag niyo kong pasalamatan.”, napatingin kami ni Director kay Sam dahil sa sinabi niya.

Wala pala siyang nagawa?

Akala ko, tinulungan niya ‘ko?

“Hindi mo pala ‘ko natulungan? Akala ko pa naman, ikaw yung may gawa? Palpak ka pala. Akala ko matutulungan mo ‘ko?”, inis na sagot ko sa kaniya.

“Tama na. Wag ng mainit yung ulo mo sa kaniya. Atleast, dahil sa kaniya.. dumami yung infected. Mas maraming infected, mas maraming maa-admit, at mas marami ring matuturukan ng vaccine sa sinasabi mong mas mahal na gamot.”, nabuhayan siya bigla ng pag-asa.

“Ngayon? May matutulong ka na ba?”, tanong ko kay Sam.

“Meron.”, tipid niyang sagot.

“Ano?”, hindi na ‘ko naniniwala na tutulungan niya kami.

Baka mamaya, mas mapahamak pa kami?

“Tutal, dito na naconfine yung tatlong biktima ng vaccine ni Dr. Hirai, ako na yung gagawa ng medical certificate nila. Ako ng bahala kung paano ko ipapalabas na fake yung mga vaccines galing sa kaniya. Alam kong pabor na pabor ‘to para sa inyo. Alam ko kung ano yung iniisip niyo. Hindi niyo ‘ko maloloko.”, siguradong-sigurado si Sam sa mga inaalok niyang tulong.

“Paano? Hindi ka ba mapapahamak sa gagawin mo?”, biglang nag-alala si Director.

“Ayokong madamay kung sakaling pumalpak ka.”, inunahan ko agad siya.

“Nanakaw ko nga ng walang bakas yung mga sample fluids, diba? Ito pa kayang napakadali na pagmamanipula ng Medical Records?”, pagmamayabang niya.

So, siya pala talaga yung nagnakaw para kay Director.

“Inaasahan namin ‘yan, Sam. Gawin mo na agad para mawala na sa landas namin si Dr. Hirai. Kung ipagpipilitan niya pa rin na maaprubahan yung proposal niya at mabigyan ng libreng bakuna yung mga infected, pasensiyahan na lang kami. Gagawa na ko ng paraan para hindi na siya makalapit pa sa’kin. Para hindi ko na rin siya makita.”, naiisip ko na yung mga plano ko sa kaniya.

“Atat na atat ka talaga na mawala sa landas mo si Dr. Hirai, no? Sige na nga. Gagawin ko na para sa inyo. Alam ko naman na ito yung gusto niyong mangyari. Sana, maging masaya kayo sa gagawin ko. Kung ano man yung mangyari, wala ng bawian.”, nagpaalam na si Sam sa’min para gawin yung naisip niyang gawin.

Yun nga yung naiisip ko kanina pa.

Yung manipulahin yung Medical Record ng tatlong pasyente para mas masira si Dr. Hirai.

Magkakaroon na rin ako ng rason kay Claire kung bakit hindi ko ‘yon napirmahan ngayong araw.

“Dito ka muna. Wag ka munang lalabas. Titignan ko lang kung saan pupunta si Sam.”, paalam sa’kin ni Director.

“Hindi mo siya masusundan. Bigla na lang siyang nawawala.”, sagot ko sa kaniya.

“Anong ibig mong sabihin?”, tanong niya sa’kin bigla.

“Hindi siya normal na tao gaya ng iniisip mo. Mukha lang siyang normal na tao sa paningin mo, pero hindi. Kaya, madali na lang para sa kaniya kung ano yung gusto nating mangyari. Maghintay na lang tayo sa magagawa niya, pero hindi ibig sabihin ‘non.. wala na tayong gagawin.”, paliwanag ko.

Bigla siyang napa-isip.

“Halimbawa na lang ng naging Intern siya kahit isa siya sa mga licensed Scientist na tumulong sa’tin? Tsaka.. yung bigla niyang pagsulpot.. isa rin yun sa kaya niyang gawin?”, bakas sa mga mata niya yung takot dahil sa mga nalaman niya.

“Oo. Kaya, kailangan pa rin nating mag-ingat sa kaniya. Wag mong ibibigay ng buo yung tiwala mo sa kaniya. Magaling siya, inaamin ko ‘yon. Sa sobrang galing niya, kayang-kaya ka niyang mapabagsak kapag nagkahulihan.”, pagbabanta ko sa kaniya.

Medyo kabisado ko na yung galaw ni Sam dahil sa mga pinaggagawa niya nung mga nakaraan.

Alam kong siya yung nagsend kay Jill at Claire ng mga pictures at articles.

Tutulungan ka niya, pero kaya ka rin niyang ilaglag.

Pero, inaamin ko.. matutulungan ka naman talaga niya.

•~•

Magkasama kami ngayon ni Mr. President.

Pinag-uusapan namin yung tungkol sa vaccine na galing sa isang Doctor na taga Pampanga.

“Bukas na bukas, sasadyain ka ni Doctor Pineda. Wag mo ng pansinin si Dr. Hirai. Pabayaan mo na ‘yon. Wala naman na siyang magagawa kung di mo pipirmahan ‘yan. Ang mahalaga, magkakapera na tayo. Pagkakakitaan na natin yung vaccine na ginawa ni Mr. Pineda.”, suggestion niya sa’kin.

“Oo nga po, Mr. President. Magiging okay na din po ang lahat. Nagawan na namin ng paraan. Mas lalong lalakas yung dahilan natin para hindi na mapirmahan ‘yon.”, nakangiti kong sagot sa kaniya.

“Namin? Sinong kasama mo?”, nacurious siya bigla dahil akala niya, ako lang yung gumagawa ng paraan.

“Yung Director ng Angel Mercy Hospital and yung Intern nila sa Neurology Department. Kasama po ng asawa ko sa trabaho.”, pagpapakilala ko sa kanila.

“Delikado ‘yan. Baka pumalpak yang Intern na sinasabi mo? Kasama pa pala ni Dr. Claire sa trabaho? Baka sumabit tayo?”, biglang kinabahan yung Pangulo.

“Hindi po. Hinding-hindi tayo mahuhuli. Magtiwala lang tayo kay Sam. Magagawa niya yung dapat niyang gawin.”, pagpapakalma ko sa kaniya.

“Sana nga.”, di siya sigurado sa sinabi ko, “Anyways.. ang dami na ring mga businesses na bumabagsak at nagsasara, pati na rin yung ibang mga company. Medyo, hindi maganda yung nangyayari ngayon sa bansa. Hindi naman natin gustong humantong sa ganito, na babagsak ng tuluyan yung ekonomiya ng bansa. Pero, yung good side lang dito is, wala tayong competitor sa pagkakaroon ng maraming pera. Tayo yung aangat pagdating sa kayamanan. Dahil ‘don, marami tayong mabibili na pwedeng utangin ng mga company kapag umayos na yung sitwasyon. Mas dadami yung pera natin dahil ‘don.”, pagdudugtong niya sa sinabi niya.

“Wag lang pong madamay yung mga mahal natin sa buhay, ok lang po sa’kin ‘yon. Mas marami akong pera na mauuwi para sa pamilya ko kapag nangyari yung mga gusto nating mangyari. Tayo na po yung mamamayagpag at kikilalanin na mayayamang tao dito sa Pilipinas. Mas makikilala tayo sa ibang bansa. Mas maraming opportunity doon para magkapera, Mr. President. Diba?”, nakangiting sagot ko.

“Oo naman. Basta, iniingat-ingatan natin yung mga mahal natin sa buhay, magiging safe sila hanggang sa matapos yung pandemic.”, tama nga naman yung sinasabi niya.

Biglang nagvibrate yung phone ko.

“Sandali lang po, sir. May sasagutin lang po akong tawag.”, paalam ko sa Pangulo.

Yung Director ng Angel Mercy yung tumatawag sa’kin.

“Mr. Lacuna? Lumabas na yung resulta ng mga test na ginawa sa tatlong pasyente. Walang kinalaman yung vaccine na tinurok sa kanila ni Dr. Hirai. Yung cause ng pagsusuka nila ng dugo is food poisoning. Pero, ginawan na ni Sam ng paraan. Hindi ko alam kung anong ginawa niya, pero wag na daw tayong mag-alala.”, bungad niya sa’kin.

Napanatag ako bigla.

“Salamat kung ganon. Magagawa na pala talaga natin yung plano natin. Wala ng magagawa si Dr. Hirai kung si Dr. Pineda na yung mapipirmahan ko ng proposal tungkol sa mga vaccine na meron siya.”, tuwang-tuwa na naman ako dahil umaayon sa gusto ko lahat.

“Magkakapera na tayo. Hindi na ‘ko makapaghintay sa mga vaccine ni Dr. Pineda. Sana, maraming mga infected yung magpabakuna sa Hospital ko kung sakaling makabili ako ng mga vaccine sa kaniya.”, kahit si Director, hindi na maitago yung saya.

“Darating din yung araw na ‘yan. Darating din yung araw sa’tin. Tayo na yung makikinabang ng maraming pera.”, natawa ako bigla dahil sa sobrang saya.

Binaba ko na yung tawag tsaka ako bumalik kay Mr. President.

“Ano? May balita na ba?”, tanong agad ni Mr. President sa’kin pagpasok ko.

“Good news po. Nagawan na po ni Sam ng paraan. Namanipulate na niya yung resulta ng tatlong pasyente, pero hindi pa po namin alam kung anong ginawa niya at kung ano po yung nakalagay sa mga resulta? Pero, malinaw na malinaw na po na wala ng rason para mapirmahan pa yung proposal ni Dr. Hirai.”, nakangiti kong kwento sa kaniya.

“Ikaw naman kasi. Bakit mo pa ba in-entertain ‘yang Dr. Hirai na ‘yan? Problema lang yung binigay niya sa’tin. Kung hindi siya dumating dito at nagsubmit ng proposal sayo, edi sana wala tayong kailangang imanipula? Hindi na rin sana malalagay sa kahihiyan at kapahamakan yung pangalan niya. Ano na lang yung sasabihin ng mga kapwa niya Doctor sa Japan? Baka kahit sa Japan, isuka siya dahil sa nangyari dito? Mawawalan pa siya ng license bilang Doctor. Hindi na sana siya nagbida-bida ng mumurahing presyo ng vaccine.”, kwento ni Mr. President sa’kin sabay inom ng tea niya.

“Nung una po kasi, naisip ko po kung anong magiging epekto ng murang vaccine para sa mga tao, pero narealize ko na.. mas mahalaga kung may mapapala din po tayo lalo na, malaking halaga ng pera yung ine-expect ko na makukuha natin sa vaccine na ginawa nila. Buti na lang, hindi pa huli ang lahat. Salamat kay Sam at sa inyo po, dahil sa pera na magiging atin. Syempre, dudumugin ng mga pasyente yung vaccine kahit gaano pa ‘yan kamahal, basta gumaling sila. Yung mga hindi afford, bahala na sila. Hindi naman na natin kasalanan kung bakit wala silang pambayad sa vaccine na paparating. Hindi naman tayo yung may kasalanan kung bakit sila mahirap. Nandito lang tayo para tumulong sa mga afford yung tulong natin. Sorry na lang sa mga tao na walang sapat na kakayahan.”, napangisi ako bigla dahil sang-ayon na sang-ayon ang pangulo sa’kin.

Sorry, Dr. Hirai.

Wag mo ng ipagpilitan pa yang mga vaccine mo kung ayaw mong mapasama.

CHAPTER 13
Claire’s POV:

Natataranta na kaming lahat dahil sa dami ng mga sinusugod na ‘Kyoyawa Positive’ dito sa Angel Mercy.

Ang tagal pirmahan ng asawa ko yung proposal ni Dr. Hirai.

Sana ngayon, hindi na ganito kadami ‘to.

“Tulungan niyo po ako! Hindi ko na kaya!”, sigaw nung isang pasyente.

Yung isa naman, nawawala na sa tamang pag-iisip dahil sa sobrang sakit ng ulo niya.

Nagiging agresibo na rin yung iba at ang hirap na nilang itali.

“Dr. Claire? Dito po.”, pagtawag sa’kin ni Sam.

Pinuntahan ko agad yung pwesto nila.

Tinutulungan ko siya na turukan ng tranquilizer yung pasyente.

Nakita kong may kagat si Sam ng konti.

Medyo nagdudugo yung kamay niya.

“May kagat ka?”, kinabahan ako bigla para sa kaniya.

“Okay lang po ako, Dr. Claire. Wala lang ‘to.”, wala ngang bakas ng takot sa kaniya.

Samantalang yung ibang mga Nurse na nakagat nila, grabe kung magpanic.

Pasyente na rin namin sila ngayon.

Nagkakahawahan na sa mga Hospital.

Natatakot na rin akong umuwi ng bahay dahil hindi natin alam, baka may dala-dala na pala akong virus?

Ayokong mahawa yung mga anak ko, lalo na yung Yaya at Driver namin.

May mga pamilya pa silang babalikan sa mga probinsiya nila, kaya iniingatan din namin sila.

Sila yung breadwinner sa pamilya nila kaya dapat makabalik pa sila ng safe sa kaniya-kaniya nilang mga bahay.

“Halika. Gagamutin natin ‘yan. Kanina ka pa ba kinagat?”, nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

“Hindi po. Bago ko po kayo tawagin, kakakagat niya lang po sa’kin.”, kalmadong sagot niya.

Bakit ganito siya kakalmado?

Hindi ba siya nakakaramdam ng takot para sa sarili niya?

Nakagat siya ng infected at ngayon, posibleng infected na siya.

Hindi na siya pwedeng umuwi ng bahay.

Dito na muna siya sa Hospital.

“Wag na po. Wala naman pong mangyayaring masama sa’kin. Sila na po yung asikasuhin niyo. Mas kailangan ka po nila. Okay lang po ako. Wala lang ‘to.”, nakangiti niya pang sagot sa’kin.

Naiintindihan ko.

Ayaw niya lang sigurong magpanic ako dahil sa nangyari sa kaniya.

“Sige. Babalik na ‘ko sa pwesto nina Dr. Leila.”, paalam ko sa kaniya.

Tumango lang siya tsaka siya sinamahan ng iba pang mga Intern.

“Dr. Claire? Anong nangyari sayo? Bakit ganiyan mukha mo?”, tanong ni Leila sa’kin pagbalik ko sa pwesto namin kanina.

“Si Sam.. nakagat. Pero, okay lang naman siya. Hindi siya natataranta. Wala ngang bakas ng takot sa mukha niya, eh. Nakuha niya pang ngumiti.”, naguluhan ako lalo dahil sa mga akto ni Sam kani-kanina lang.

“Baka ayaw ka lang din niyang mataranta? Ayaw niyang may ibang mag-alala para sa kaniya.”, kahit si Leila kinabahan.

Napatingin kami bigla kay Sam.

Mukha ngang okay lang siya.

Hindi niya iniinda yung kagat sa kaniya ng infected.

Naaawa ako sa kaniya.

Ang bata-bata niya pa para maging infected.

Nawalan na kami ng isang batang Intern.

Ayaw na naming maulit sa kaniya yung nangyari kay Luke.

Pero, nandiyan na ‘yan.

Natatandaan ko si Luke.

Ang bilis niyang naging infected.

Pinagpawisan muna si Luke ng matindi bago siya pagpahingahin sa loob ng department namin.

“Sam? Magpunta ka na muna kaya sa Isolation Area? May kagat ka. Para maasikaso ka agad ng ibang mga Doctor ‘don. Malala na yung mga nandito.”, naririnig naming pakiusap ng isang Intern na lalaki sa kaniya.

“Sige.”, yan lang yung sagot niya tsaka siya sumunod.

Parang wala lang sa kaniya yung mga nangyayari.

Ang chill niya lang habang naglalakad palabas ng ER.

“Claire? Wag mo munang alalahanin si Sam. May mga pasyente tayong kaharap ngayon. Mas kailangan nila tayo. Wala na tayong magagawa kung infected na si Sam.”, napansin ni Leila na hinabol ko ng tingin si Sam hanggang sa makalabas.

Huminga muna ‘ko ng malalim tsaka inintindi na ulit yung mga pasyente na inaasikaso namin.

•~•

Nagpahinga muna ‘ko pagkatapos ng mahaba-habang oras ng pag-aasikaso sa mga pasyente sa ER.

Naghubad ako ng PPE ko at nilagay ko sa basurahan namin kung saan nilalagay yung mga gamit na PPE, para hindi na kumalat yung virus na nakadikit ‘don.

Kumusta na kaya si Sam?

Malamang, baka infected na rin ‘yon?

Tatawagan ko na muna yung asawa ko kung ano na yung nangyari sa proposal ng vaccine ni Dr. Hirai sa kaniya.

“Hello?”, bungad niya sa’kin at mukha namang good-mood siya.

“Hi, Hon. Kumusta naman?”, pambungad ko.

“Eto. Nandito ako ngayon sa Meeting Room para sa bagong Doctor na nagpasa ng proposal para sa vaccine na naimbento niya. May aberya kasing nangyari sa mga vaccine na galing kay Dr. Hirai kaya hindi ko mapipirmahan yung sa kaniya. Sobrang sayang pa naman kasi ang mura ng sa kaniya, pero sad to say.. may nangyaring hindi maganda sa tatlong naturukan ng vaccine niya. Yung tatlong sinugod sa Angel Mercy last 2 days, mga infected sila na naturukan ni Dr. Hirai. Yung mga nagsuka ng dugo. Sila ‘yon.”, kwento niya sa’kin.

Naalala kong may sinugod nga dito na mga patient na nagsusuka ng dugo.

Wala naman silang ibang sakit na nararamdaman. Nagsusuka lang talaga sila ng dugo tsaka sumakit yung tiyan kaya hindi sila ‘Kyoyawa Positive’.

Kasama pala sila sa mga libreng naturukan.

“Mas okay na hindi mo napirmahan agad. Atleast, hindi na mapapahamak yung ibang mga tao. Akala ko pa naman, siya na yung sagot para mapuksa na ‘tong Kyoyawa Virus? Hindi pala. Yang Doctor na tinutukoy mo ngayon, afford din ba ng lahat ng tao yung presyo kada isang shots gaya ng presyo ng kay Dr. Hirai?”, nacurious ako sa bagong Doctor na sinasabi niya.

“Siguro? Kasi, mas mahal yung kaniya. Mas effective ‘to kasi mas mahal yung vaccine galing sa kaniya. Hindi kagaya ng kay Dr. Hirai. Mura nga, mapapahamak naman lalo yung mga tao. Baka ikamatay pa nila dahil sa kapalpakan ng virus.”, tama nga naman yung sinasabi niya.

“Nirecommend pa siya ng isang Scientist sayo, pero mapapahamak lang pala yung mga tao?”, nadisappoint ako ng sobra.

Sayang talaga.

Ang mura ng mga vaccine niya.

Ang dami ng matutulungan ng mga ‘yon kung naging epektibo lang sana.

“Wala na tayong magagawa. Nandiyan na ‘yan. Atleast, hindi pa huli yung lahat. May darating pang bago, at makakausap ko na siya maya-maya lang. Proven and tested na sa dalawang infected yung vaccine niya. Nagbayad yung pamilya ng dalawang infected sa kaniya para masubukan na yung nagawa nilang vaccine. Mapipirmahan ko na ‘to agad.”, magandang balita nga ‘to.

May pag-asa na yung mga infected na gumaling.

Sana nga lang, hindi ganun kamahal para afford pa rin ng mga tao na hindi enough yung pera.

“Mga magkano naman yung cost per shot ng vaccine galing sa kaniya?”, yung bagong Doctor yung tinutukoy ko.

“20,000 per shots. Mahal niyang ibinigay sa amin kaya mahal din siyang mare-release sa public. Medyo pricey nga lang, pero talagang effective.”, nagulat ako sa sinabi niya, “Mamaya na tayo mag-usap. Magmi-meeting na kami. Bye, Hon. I love you.”, binaba na niya yung tawag.

20,000?!

Seryoso ba sila?!

Paano na yung mga infected na hindi kakayanin yung ganiyang presyo?!

Ano?! Mamamatay na lang sila dahil sa virus na ‘to?!

Wala na ba silang karapatang mabuhay?!

“Dr. Claire? Okay lang po ba kayo?”, tanong ni Sam sa’kin nung nakabalik na siya dito.

May bandage lang yung kamay niya at habang nakaface-mask pa siya.

Hindi pa siya infected?

Bakit?

Ang tibay naman ng immune system niya kung ganon?

“Okay ka lang? Hindi ka pa nai-infect ng virus?”, nag-aalala kong tanong sa kaniya.

“Okay lang po ako, Dr. Claire. Wag po kayong mag-alala sa’kin. Wala po akong virus.”, kahit nakamask siya, alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya.

Hindi pa rin ako nakakasiguro na maayos lang siya.

“Sam? Sorry, ha? Alam mo naman na nag-iingat lang ako. Ayokong madamay yung mga anak ko tsaka iba pa naming kasama sa bahay kaya.. hindi na muna kita pauuwiin ‘don. I’m really sorry.”, ayokong masaktan yung loob niya pero ayoko din na mahawa yung mga tao na nasa loob ng bahay namin.

“Naiintindihan ko po. Doon na muna po ako sa Isolation Room dito sa Angel Mercy pansamantala. Salamat po sa concern, Dr. Claire. Sobrang bait niyo po, sa totoo lang. Hindi niyo po deserve na madamay sa mga kasakiman na lumalaganap po sa mundong ‘to. Hindi po dapat kayo napapalibutan ng mga mapansamantalang mga tao.”, nag-iba yung pakiramdam ko sa mga sinabi niya.

“What do you mean?”, naguluhan ako sa mga lumabas sa bibig niya.

“Sige po. Babalik na po ako sa Isolation Room. Nandito lang po ako para kumustahin kayo. Pakikumusta na lang rin po ako kina Jillian. Parang hindi ko na rin po sila makikita? Pakisabi po sa kanila, maraming salamat din.”, parang namamaalam na siya.

Lumabas na siya ng department namin at nawala na siya sa paningin ko.

Naaawa talaga ako sa kaniya.

•~•

Mr. Lacuna’s POV:

Napirmahan ko na yung vaccine galing kay Dr. Pineda.

Madi-distribute na sa publiko yung mga vaccine galing sa kaniya.

Ngayon naman, nasa interview ako kasama yung secretary ko pati na rin yung ibang mga member ng Health Department.

“Mr. Lacuna? Sa ilang linggo na po na namamayagpag yung Kyoyawa Virus, meron na po bang mga vaccine para sa mga infected?”, tanong ng unang reporter.

“Good news po, mga kababayan. After how many weeks ng paghahanap ng mabisang vaccine para masugpo na ang virus na ito, may isang Doctor na nagmagandang loob na magsubmit ng kaniyang proposal na vaccine para malabanan ang nakamamatay na virus na ito. Kahapon lamang ay pinirmahan ko na ang proposal na sinubmit niya. Marami na po sa atin ang gagaling at nai-imagine ko na, na magiging ‘Kyoyawa free’ na tayo.”, masayang balita ko sa kanila.

“Magkano naman po yung magiging presyo ng mga vaccine kung ilalabas na po ito sa publiko at sa mga Hospital?”, tanong sa’kin ng pangalawang reporter.

“20,000 per shots. Pero, wag kayong mag-alala. Proven and tested, mabisa ang vaccine na ito. Safe na safe para sa lahat. At siguradong gagaling ang mga infected.”, pagbibida ko sa kanila.

Naririnig ko na nagbubulungan yung mga reporters.

“20,000? Ang mahal naman?”

“Afford ba ng lahat ‘yon?”

“Di naman yata makatarungan yung presyo?”

“Ngayon, nasasabi niyo na parang mahal siya, pero kapag kinailangan niyo na at naturok na sa inyo yung mga vaccines, masasabi niyo na worth it yung binayad niyo. Trust me.”, pang-uuto ko sa kaniya.

Habang nasa kalagitnaan kami ng interview, nagulat ako nung may biglang pumasok.

Paano nalaman ni Dr. Hirai kung saan gagawin yung interview?

“Hindi mo pwedeng gawin sa’kin ‘to, Mr. Lacuna! Maayos yung naging usapan natin! Alam kong epektibo yung mga vaccine na dinala ko pa dito sa Pilipinas para sa mga kababayan nating infected! Hindi niyo pa naman nasusubukan sa mga infected yung vaccine galing diyan sa Dr. Pineda na sinasabi mo! Dahil ba mura lang yung vaccine na meron ako, at mas mahal yung sa kaniya? Kaya ba pinirmahan mo agad-agad? Dahil ba wala kayong makukuha at mapapala sa mga gamot na meron ako, kaya mas pinanigan niyo na yung vaccine niyan ni Dr. Pineda kahit wala naman talagang proof na mabisa ‘yan?”, reklamo niya sa’kin at wala siyang pakielam kahit na ang daming media yung nakakarinig sa mga sinasabi niya.

“May pruweba ako na epektibo yung mga vaccine niya kesa sa vaccine mo! May hawak akong documento na magpapatunay na dahil sa mga vaccine na galing sayo, nagkaroon ng mga internal damages yung mga sinasabi mong gumaling na pasyente kaya nagcause ng internal bleeding at nagsuka sila ng dugo. Dapat nga pagbayaran mo yung ginawa mo, eh? Dapat nga na makulong ka, kasi muntik na silang mamatay ng dahil sayo!”, paglalaban ko sa gusto ko.

“Internal bleeding? Paanong nangyari ‘yon? Sana lahat sila, ganun yung nangyari? Maayos na sila, kahit manghingi ka pa ng report galing sa Kapitan nila! Tsaka, kakabigay pa lang ng proposal sayo ni Dr. Pineda, pinirmahan mo na. Paano nga namang hindi? 20,000 agad yung kikitain niyo per shots. Mas pipiliin niyo nga naman yan kasi kikita kayo ng malaki! Hindi mo ba nakikita yung ekonomiya ng Pilipinas ngayon? Bumabagsak na at patuloy pang bumabagsak dahil mas inuuna niyo yung mga bagay na alam niyong kikita kayo ng malaki, kesa sa buhay ng mga tao! Dahil sa ginagawa mo, ikaw yung nagiging halimaw. Mas halimaw ka pa sa virus na nakamamatay, kasi ikaw na mismo yung pumapatay sa sarili mong mga kababayan imbis na gumagaling na sila!”, ang tapang-tapang na niyang sumagot.

“Tumawag ka ng pulis.”, utos ko sa Assistant ko.

“Bakit po, sir?”, tanong niya bigla.

“May isang kriminal lang naman dito yung dapat na mahuli.”, seryoso kong sagot.

“Ako? Kriminal? Hindi ba dapat sarili mo yung tinatawag mong kriminal? Gagawin mo lahat para lang sa pera, kahit kapalit ‘non, mga buhay ng tao?”, sabat ni Dr. Hirai sa’kin.

Hindi na ‘ko sumagot sa mga sinasabi niya.

Hinayaan ko na lang na damputin siya ng mga Pulis at binigay ko sa kanila yung mga resulta at document kung ano yung naging komplikasyon dahil sa mga vaccine galing sa kaniya.

Mukha namang hindi naniwala yung mga reporter sa kaniya dahil may ebidensiya ako, at siya.. puro salita lang.

CHAPTER 14 (The Last Chapter)
“He’s now inside the jail.”, nakangiti kong kwento kay Mr. President nung nagkita na kami.

“Good job. Atleast, wala ng manggugulo sayo. Nagsisimula na bang mabenta sa mga Hospital yung mga vaccine galing kay Dr. Pineda? Paano mo nga pala siya napakulong ng ganun kadali?”, nagtaka siya bigla kung paano ko ‘yon nagawa.

“With the help of the fake results na tinulong ni Sam and binayaran ko ng malaki yung mga Pulis na humuli sa kaniya.”, nakangiti kong katwiran.

“Told ‘ya. Money can buy everything, kahit buhay ng mga tao. Madali kang makakapagpasunod kapag marami kang pera. Hindi ka dapat nadadaan lang sa mga paawa. Walang mangyayari sa buhay mo kung puro awa lang yung mananalaytay sayo. Look at Dr. Hirai? Dahil sa awa niya sa mga tao, na saan siya ngayon? Wala siyang magawa, diba? Na saan yung mga taong tinulungan niya? Wala, diba? Hindi siya tinutulungan ngayon. ‘Yan yung gusto ko sayong imulat simula pa lang nung dumating ‘yang si Dr. Hirai. Tignan mo na lang kung anong nangyari sa kaniya? Wala siyang magawa dahil mas marami tayong pera kaysa sa kaniya.”, pangangaral niya sa’kin.

Mas lalo kong napatunayan ngayon na mas magiging makapangyarihan ka kung marami kang pera.

Magagawa mo lahat ng gusto mo.

Mamamanipula mo rin yung mga taong kayang-kaya mong tapalan ng pera.

Pasensiyahan na lang kami ni Dr. Hirai.

Naalala ko na bago siya manggulo at makulong sa interview ko kanina, may ginawa pa siya na mas idinagdag ng init ng ulo ko sa kaniya.

Nagpuslit siya ng mga vaccine para libreng ipamigay sa mga Barangay Clinic na kasing-hirap ng isang barrio na napuntahan namin.

Gusto niya talagang patunayan sa’kin na mabisa yung mga gamot na galing sa kaniya para pirmahan ko yung proposal niya, pero tumanggi pa rin ako.

Hanggang sa nagawa na nga ni Sam yung dapat niyang gawin, at iyon ay ang fake result galing sa tatlong infected na napagaling ni Dr. Hirai.

Napakahusay talaga ni Sam.

“Na saan pala yung Sam na sinasabi mo? Kailangan din natin siyang pasalamatan. Malaki din yung utang na loob natin sa kaniya.”, nakangiting tanong sa’kin ni Mr. President.

“Maghintay lang po kayo. Bigla na lang po siyang susulpot, Mr. President.”, alam kong hindi kapani-paniwala yung sinasabi ko pero yun yung totoo.

“Ano? Di kita maintindihan. What do you mean na bigla na lang sumusulpot? Is she an alien or a ghost?”, pagbibiro pa niyang tanong.

“Basta. Makikita niyo rin po siya. Just wait.”, nakangiting sagot ko.

Ang tagal naming naghihintay kay Sam, pero hindi siya nagpakita.

Bakit kaya?

Baka may iba siyang ginagawa?

•~•

Nakabalik na ‘ko sa office ko.

Wala pa kong nakukuhang balita tungkol sa vaccine galing kay Dr. Pineda.

Sa totoo lang, walang nangyaring testing mula sa dalawang infected.

Gawa-gawa lang namin lahat ‘yon.

Hindi ko rin alam kung tatalab agad yung mga vaccine ni Dr. Pineda pero ang mahalaga, dadami na yung pera ko lalo.

Sinubukan kong tawagan si Claire sa Hospital kung ano na yung nangyayari, pero hindi niya sinasagot.

Kampante naman ako na walang ibang masama na mangyayari.

“Sir? Nabenta na po sa mga Hospital yung mga Vaccine. Nakalikom na po tayo ng worth 200,000,000 ngayong araw lang na ‘to. May limang Hospital na po yung nakabili.”, pagrereport sa’kin ng Assistant ko.

Ang sarap naman sa tenga marinig yung 200,000,000 tapos ngayong araw lang na ‘to?

Ang dami na pala.

“Ilagay mo agad sa bangko. Hindi pwedeng magalaw ‘yan ng kahit na sino. Kailangan ko rin ng ‘Deposit Receipt’ para makasigurado ako na nalagay mo nga sa bank account ko, understood?”, utos ko sa kaniya.

“Yes po, sir. Noted.”, agad-agad siyang lumabas ng office ko para sundin yung pinagagawa ko sa kaniya.

Ang laki ng pera!

Nabuhayan ako bigla.

“More money, more power. Magagawa ko na lalo kung anong gusto ko. Mabibili ko lahat ng gusto ng pamilya ko. Mas mabibigyan ko sila ng magandang future dahil sa pandemic na ‘to.”, natatawa kong kwento sa sarili ko dahil sa sobrang saya.

Alam kong mas malaki yung kinikita ngayon ni Mr. President at ni Director.

Lahat kami, tuwang-tuwa.

Sobrang pabor sa’min yung nangyayari.

Kailangan ko ring bigyan si Sam gaya ng pinangako ko sa kaniya, pero kailangan ko munang patagalin ‘to hanggang sa hindi masabit yung pangalan ko.

“Mr. Lacuna?! You have to see this!”, natatarantang sabi ng Secretary ko sa’kin.

Binuksan niya yung LCD ko dito sa loob ng office at may breaking news siyang pinapakita sa’kin.

Nakakakilabot yung napapanood ko.

“Mas lalong lumala ang mga naging infected ng ‘Kyoyawa Virus’ di umano, ng dahil sa vaccine na ginawa ni Dr. Pineda kung saan matatandaan niyo na inaprubahan ni Mr. Lacuna ilang araw lamang ang lumipas. Mula raw ng itinurok sa mga infected na pasyente ang nasabing vaccine ay mas lumala raw at mas lalo silang nagsuka ng dugo. Maging sa kanilang mga mata ay lumalabas na ang mga dugo ng dahil daw sa internal bleeding. Napag-alaman rin na minanipula lamang ang naging resulta sa ginawang test sa tatlong infected na dinala dito sa Angel Mercy Hospital. Napatunayan na hindi dahil sa vaccine ni Dr. Hirai ang sanhi ng kanilang pagsusuka ng dugo, ngunit sila ay nabiktima ng food poisoning. Matatandaan din na sa mismong araw ng interview ni Mr. Lacuna ay hinuli at dinakip ng mga pulis ang nasabing Doctor dahil sa palpak na vaccine na itinurok niya ng libre sa mga natamaan ng ‘Kyoyawa Virus’. Ngayon ay nasa loob pa rin ng bilangguan si Dr. Hirai at ngayon ay napapabalitang 1000 mga prisoners na rin ang naging infected ng virus na ito kung saan siya naka-detain. Hanggang dito na muna ang aking ulat. Nagbabalita, Nizi Lee.”, para akong nadurog sa breaking news na narinig ko.

Ano na kayang nangyayari kay Claire sa Hospital?

Kinabahan ako.

Sa dami ng mga sinugod kanina, imposibleng walang hawahan yung mangyari.

“Ano pong gagawin natin, sir?!”, natataranta na pati yung Secretary ko.

“Susunduin ko si Claire. Hindi siya pwedeng ma-infect ‘don.”, wala na ‘ko sa tamang katinuan.

Di ko na alam kung ano yung iniisip ko.

Isusugal ko buhay ko masundo lang asawa ko.

Di ko gustong mapahamak siya.

“Sir?! Yung phone mo!”, hindi ko na pinansin yung Secretary ko at dire-diretso ako sa sasakyan ko.

“Manong Marcial? Sa Angel Mercy.”, utos ko sa kaniya.

“Pero, sir.. Delikado po ‘don ngayon. Ang dami pong infected. Yung iba po, hindi na pinapapasok sa Hospital kasi po puno na yung facility. Paano po kung-“, naudlot na pag-aalala niya.

“Susundin mo ba ‘ko, o tatanggalin kita sa trabaho?! Tandaan mo ‘to! Binabayaran kita! Kaya susundin mo ‘ko, dahil nabibili ko yang buhay mo! Kung hindi dahil sa mga pera ko, wala ka kung anong meron ka ngayon! Kaya susundin mo ‘ko, naiintindihan mo?!”, galit na galit na ‘ko dahil hindi niya ‘ko sinusunod.

Alam kong nasaktan siya sa mga sinasabi ko, at wala akong pakielam.

“Ganiyan po pala yung tingin niyo sa mga nagtatrabaho sa inyo? Yung mga sinusweldo ko po sa inyo, pinaghihirapan ko pong pagtrabahuhan ‘yan. Hindi po ako namamalimos ng pera sa inyo, sir. Ang taas po ng respeto ko sa inyo, pero ngayon po.. parang di na po ikaw yung boss ko na dapat sundin?”, mahinahon niyang reklamo, “Magre-resign na po ako kung ganiyan po pala yung tingin at trato mo sa’kin. Doon na lang po ako sa mga tao na kahit angat sa buhay, pantay-pantay pa rin yung tingin sa lahat lalo na sa mga nagtatrabaho sa kanila.”, bigla niyang hinubad yung polo niya dahil bigay namin sa kaniya ‘yon bilang uniform as our family driver.

Naka-shirt at black pants na lang siya, tsaka yung black shoes na binili ni Claire sa kaniya.

“Ang dami mong sinasabi! Akin na yung susi!”, inagaw ko sa kaniya ng sapilitan yung susi ng sasakyan ko, “Magsisisi ka. Wala ka ng mahahanap na boss na kagaya ko. Mamatay ka sa gutom ngayon. Wag na wag ka ng hihingi ng tulong kahit sa asawa ko, dahil pagtatawanan lang kita.”, mga huling salita na sinabi ko sa kaniya.

Sinakyan ko na yung sasakyan ko at ako na yung nagmaneho kahit hindi ako masyadong marunong, makarating lang ako sa Angel Mercy.

Ilang beses ko ng nabangga sa kung saan-saan yung sasakyan bago ako nakarating sa Hospital para sunduin yung asawa ko.

Nung nakarating na ‘ko, sinuot ko muna yung mask ko bago ako pumasok sa loob.

Ang gulo-gulo na nga sa loob.

Nakakatakot ng magtagal dito.

“Nakita mo si Dr. Claire?”, tanong ko sa isang nurse.

“Hindi po, Sir. Sorry po.”, nilayasan niya ‘ko agad dahil nagmamadali silang asikasuhin yung mga pasyente.

“Excuse me? Nakita mo si Dr. Claire?”, tanong ko sa isang Doctor.

“Nakita ko siya kanina, pero umuwi na siya. Nagmamadali po siyang lumabas kanina.”, sagot niya sa’kin.

“Salamat.”, agad-agad akong umuwi.

Ang aga naman niyang umuwi?

Pero, ang mahalaga ngayon safe na siya.

Wala na siya dito sa Hospital na mas mataas yung risk na mahahawa ka.

“Kasalanan mo! Kasalanan mo ‘to! Ikaw yung may kasalanan nito! Pagbabayaran mo ‘to, Mr. Lacuna! Damay-damay na ‘to!”, biglang may humila ng polo ko at nakita kong si Yoon Min ‘yon.

Tawa siya ng tawa na para siyang nababaliw, sabay sigaw dahil sa sakit ng ulo.

Nasa Hospital bed siya habang dumudugo yung bibig, ilong pati mga mata niya.

Tinangay na siya sa ER ng mga nurse.

Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya.

Nagmadali akong maka-uwi ng bahay.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay, ang tahimik.

“Claire? Jill? Jennie? Yaya? Na saan kayo?”, kabado kong pagtawag sa kanila.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko, napahinto ako sa kwarto namin ni Claire nung may mapansin akong bahid ng dugo sa sahig sa labas ng pintuan.

“Claire!”, binuksan ko yung pintuan at bumungad siya sa’kin na may mga dugo siya sa bibig pati sa ilong.

Katabi niya si Jennie at Jillian sa kama.

Pare-parehas silang walang malay.

Paano…

Paanong nangyari ‘to?!

“Hon? Jill? Jennie? Wake up! Nandito na ‘ko. Dadalhin ko na kayo sa Hospital, ok? Nandito na si Daddy.”, naiiyak na ‘ko ng sobra dahil sa nasasaksihan ko ngayon.

Nakita kong humihinga pa sila.

Wala na ‘kong mahihingan ng tulong para dalhin sila sa Hospital.

Wala na si Manong Marcial.

Nagresign na siya bilang driver ko.

Nakita ko si Yaya kanina na patay na sa kusina.

Ang dami niya ring dugo.

Infected na ba si Claire nung umuwi?

Tumawag ako ng Ambulance sa Angel Mercy pero tinatanggihan na yung mag-iina ko dahil puno na daw ‘don, pati na rin sa ibang mga Hospital.

Kahit alukin ko sila ng milyon, tinatanggihan na nila ‘ko.

Ayaw na daw nilang magpasok ng infected sa Hospital.

Nangangamba na daw sila sa mga buhay nila.

Si Mr. President.

Hihingin ko yung tulong ni Mr. President.

Baka kaya niyang mapalaya si Dr. Hirai sa kulungan?

Yung mga vaccine niya, mapapagaling niya yung mag-iina ko.

“M-Mr. President? I need your help. Yung mag-iina ko.. they’re all infected. I need your help. Use your power para mapalabas sa kulungan si Dr. Hirai. Kahit pera ko na lang yung kapalit, basta matulungan mo ‘ko.”, pagmamakaawa ko pagsagot na pagsagot niya ng tawag.

“Hindi po ako si Mr. President. I’m his Assistant. Wala na po yung Pangulo. Tinamaan din po siya ng Kyoyawa Virus. I’m really sorry po. Hindi ka niya matutulungan.”, binaba na ng Assistant niya yung tawag.

Si Dr. Hirai.

Tama.

Kailangan ko siyang makausap ng personal.

Kailangan ko yung mga gamot niya.

Alam kong may natitira pa sa kaniya.

Hindi naman lahat, nakumpiska sa Police Station.

Sana nandun pa yung mga vaccine.

Bibilhin ko kahit magkano.

•~•

Nakarating na ‘ko sa Police Station kung saan nadetain si Dr. Hirai.

“Nandiyan ba si Dr. Hirai? Kailangan ko po siyang makausap.”, bungad na paalam ko sa mga Police.

“Yung Japanese na Doctor na pinakulong po ninyo? Wala na po. Namatay po siya dahil sa virus. Sorry po.”, para akong nastatwa sa narinig ko.

Patay na rin siya?

Hindi pwede…

“Y-yung mga vaccine galing sa kaniya? Na saan na? Nandiyan ba? Akin na.”, utos ko.

“Wala na rin po. Nagamit na namin, sir. Pasensiya na po.”, bigla silang nahiya sa’kin.

“Wala bang natira kahit tatlo lang? Bibilhin ko! Akin na!”, pagpupumilit ko.

“Ubos na po talaga, sir. Sorry po. Kasalanan mo naman sir, eh. Kung hindi mo sana pinakulong si Dr. Hirai, sana hindi ka naggagahol makakuha ng vaccine? Sana po sir, maayos na lahat?”, sila pa yung may ganang magreklamo.

“Bakit?! Tinanggap niyo rin naman yung binayad ko sa inyo para makulong siya, diba?! Mukha din kayong pera! Mamamatay din kayo! Hintayin niyo lang! Mamamatay din kayo!”, hindi ko na alam yung nararamdaman ko.

May halong galit at pagsisisi.

•~•

Pag-uwi ko ng bahay, dumiretso ako sa kwarto namin ni Claire.

Naabutan ko na maputla na sila.

Wala na rin akong pulso na nararamdaman sa kanila.

Paano nangyari ‘to?

Bakit sila pa?

“Panahon na para maningil. Kukunin ko na yung kabayaran sa tulong na ginawa ko.”, biglang pagsulpot ni Sam.

Bigla akong lumuhod sa harap niya.

“Tulungan mo naman ako? Last na ‘to, please? Buhayin mo sila. Hindi ako mabubuhay pag wala yung pamilya ko. Diba, walang bagay na hindi mo kayang magawa? Patunayan mo sa’kin ngayon ‘yon. Buhayin mo sila. Nakikiusap ako.”, pagmamakaawa ko.

“Ano ako? Diyos? Hindi ko kaya yung hinihingi mo. Tsaka.. tinulungan na kita. Binigay ko na si Dr. Hirai sayo, pero anong ginawa mo? Nagpadala ka sa pera? Nagpadala ka sa kayamanan? Ano nga ulit yung kasabihan mo? Pera yung nagpapatakbo ng buhay? Edi, patakbuhin mo yung mga buhay nila gamit yung pera mo. Wala na ‘kong maitutulong sayo. At ngayon, sinisingil na kita sa mga binili mo sa’kin.”, katwiran niya sa’kin.

Bigla na lang dumilim yung paligid.

Natatandaan ko yung lugar na ‘to.

Dito yung.. yung Magic Shop?

“Ipapakita ko sayo kung anong nangyari sa pamilya mo dahil sa kasakiman mo. Kung ako yung makakakita nito, hindi ko rin kakayanin.”, pang-aasar niya pa.

May pinanood siya sa’kin sa hangin.

Yung asawa ko yung tumulong kay Yoon Min na madala siya sa Angel Mercy, dahil nagpunta siya sa bahay.

Ginulo niya yung mga anak ko sa bahay kaya tinawagan si Claire ng mga bata.

Nung nakarating na si Claire sa bahay, dinamay niya pati asawa ko.

Bago mahuli yung lahat, may nakarating na Ambulance, pero hindi na dinala si Claire dahil sa galit nila sa’kin.

Tinawagan niya si Director para magpatulong na magpadala sa Hospital, pero tinanggihan siya nito.

Pati si Director, sinisisi ako sa nangyayari at bilang ganti, hindi niya natulungan yung asawa ko.

Sobra akong nagalit kay Director dahil sa pagiging makasarili niya.

Pagkatapos ng lahat, ito yung igaganti niya?

Ayaw niyang madamay sa galit ng mga tao sa’kin kaya hindi niya tinulungan si Claire pati mga anak ko?

Pinabayaan nila sa bahay yung mag-ina ko.

Sinisisi nila ‘kong lahat dahil sa nangyari.

Kasalanan ko daw ang lahat.

“Ang pagiging gahaman at sakim sa pera, may hangganan. Hindi lahat, nabibili ng pera. Ngayon? Anong nagawa ng mga pera mo? Wala, diba? Dahil sa pagiging sakim mo, nadamay yung pamilya mo. Walang dapat sisihin dito kung hindi ikaw.”, pang-aasar ni Sam sabay tawa ng malakas.

“It’s all your fault, Dad.”, narinig ko yung boses ni Jennie.

Paglingon ko sa likod ko, nakita ko yung mag-iina ko.

Ang sasama ng tingin nila sa’kin.

“You are the most evil person I’ve ever met in my entire life.”, ang talim din ng tingin sa’kin ni Jillian.

“Paano mo nagawa lahat ng ‘to? Nagsisisi ako na ikaw yung nakilala ko. Hindi ko inaasahan na magpapakasal ako sa isang demonyo na kagaya mo.”, galit na galit din sa’kin yung asawa ko.

May pinanood ulit sa’kin si Sam, kung paano bumagsak yung ekonomiya ng bansa.

Kung gaano kagalit sa’kin yung mga tao.

Kung paano nila ‘ko sinisisi sa nangyari.

Gustong-gusto na rin nila ‘kong mamatay.

“Kailangan na kitang singilin, Mr. Lacuna. Kukunin ko na yung kabayaran.”, napalingon ako sa sinabi ni Sam at naabutan ko siyang nakangisi.

Nasa likod niya yung mag-iina ko, hanggang sa unti-unti silang nawala.

“No! Wag yung pamilya ko, please? Sam! Bring them back! Wag sila! Wag mo silang kukunin sa’kin! Sam!”, bigla akong nanlambot dahil sa nakita ko hanggang sa nawalan na ‘ko ng malay.

.
.

“Dad? Daddy?! Dad, wake up!”, dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko nung narinig ko yung familiar na boses ni Jillian.

Nagising ako habang nasa loob ako ng sasakyan ko.

Parang nangyari na ‘to, ah?

“Nawalan po kayo ng malay, Sir. Diretso na po tayo kina ma’am Claire para matignan po kayo.”, nag-aalalang suggestion ni Manong Marcial.

Imposible.

Panaginip lang ba yung lahat?

“Dad? Are you okay? Bakit tulala po kayo?”, concern na tanong ni Jill sa’kin.

Napalingon ako sa paligid ko bigla.

Totoo ba ‘to?

Kaharap ko ngayon yung anak ko?

“Parang naulit na ‘to?”, takang-taka na ‘ko sa mga nangyayari.

“Dad? What’s that?”, tanong ni Jillian sa’kin.

Naramdaman ko na lang na may hawak ako.

Natakot ako kaya nabato ko bigla.

“What’s wrong, Dad? You’re so terrified. Kinakabahan na rin po ako sa inyo.”, natatakot na rin si Jillian sa’kin.

Hinanap ko si Sam sa paligid, pero wala siya.

“Ihatid na natin sa bahay si Jill. Kailangan niyang magpahinga.”, utos ko sa Driver ko.

Sinunod naman niya ‘ko.

•~•

Nahatid na namin si Jillian sa bahay, at ngayon nandito na kami sa Angel Mercy para malaman yung kundisyon ng mga tao.

Naabutan ko yung asawa ko na buhay na buhay, habang nagliligtas at nag-aasikaso ng mga pasyente.

Nakita kong may kasama silang Intern na babae, pero hindi na si Sam yung nakita ko.

Nakita ko yung Director nila na tumatakbo papalapit sa’kin.

Niyaya niya ‘ko na mag-usap kami in private dahil may emergency daw.

Hindi na ‘ko sumama sa kaniya dahil alam ko na kung ano yung mangyayari.

“Traydor ka. Pinabayaan mo yung mag-iina ko.”, magkahalong inis at galit yung nararamdaman ko sa kaniya.

“Anong sinasabi mo? Magkakampi tayo dito, Mr. Lacuna!”, pagmamakaawa niya.

“Ikaw yung nagnakaw ng fluid samples, diba?”, nabigla siya sa tinanong ko.

“P-paanong.. H-hindi ako. Maniwala ka!”, halatang nagsisinungaling siya.

“Hindi na ‘ko magpapauto sayo, lalo na sa pera. Itatama ko na lahat ng mga mali ko. Ayokong madamay yung pamilya ko. Pasensiyahan na lang tayo.”, nag-walk out ako at hindi na ‘ko nakinig sa kaniya.

Lumipas yung mga araw, dumating na nga dito si Dr. Hirai.

Kasama niya ‘ko na tumulong sa mga tao, at mabakunahan ng libre.

Ayoko ng dagdagan yung kasalanan ng isa pa at marami pang kasalanan.

Matinding kapalit pala yung naghihintay.

Sa una ka lang magiging masaya at makakaramdam ng mas higit na kapangyarihan dahil sa pera, pero hindi ‘non mabibili yung buhay ng isang tao lalo na ng mga mahal mo sa buhay.

Nagalit sa’kin si Director, lalo na yung Pangulo dahil sa desisyon ko na pirmahan yung proposal ni Dr. Hirai.

Pero nung tumagal, naging Kyoyawa Free na yung bansa.

Bumalik na sa normal yung lahat.

•~• •~• •~•

Sam’s POV:

Dahil sa pagiging sakim sa pera at kayamanan, hindi mo napapansin na ikaw na yung nagiging halimaw at mas halimaw pa kesa sa nakamamatay na karamdaman.

Kayang-kaya kang gawing mangmang at kriminal kapag nagpalamon ka sa pera.

Akala mo, mabibili mo na lahat, pero hindi.

May mga bagay pa rin talaga ang hindi kayang bilhin ng salapi.

Yun ay ang buhay ng mga tao, lalo na ng mga pinakamamahal mo.

Ikaw?

Anong mas mahalaga para sayo?

Ang buhay ng tao o ang kayamanan sa mundo?

This entry was posted in News and Events, Student Activity on by .

 

Copyright © 2024. All Rights Reserved - STI College Munoz - EDSA